text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Unang binigyan ng ngalang SI ito noong 1960 at huling dinagdagan naman noon 1971.
|
Ito ay nasa pangangasiwa ng organisasyon sa pamantayan ng Bureau International des Poids et Mesures ( Kawanihang Pandaigdig sa Timbang at Sukat ).
|
Kalimitan ang mabilis na pagtanggap ng sistemang metrika bilang kasangkapang pang - ekonomya at pangaraw - araw na kalakalan ay ayon sa kasalatan ng kaugaliang sistema ( customary system ) sa maraming bansa : upang ipakita ang ilang konsepto o bunga ng pagtatangka na magkaroon ng isang pamantayan sa sukat sa iba 't ibang sistemang ginagamit sa isang rehiyon.
|
Sa pagtaas ng kalakalan sa pandaigdigang pamilihan ng isang bansa , tumalab rin paggamit ng sistemang metrika.
|
Sa agham , nagpapadali ito sa pagpapakita ng napakalaki o napakaliit na dami ( kantidad ) dahil naaayon ito sa sistemang desimal.
|
Makikita sa pangaraw - araw na lokal na paggamit ng mga metrikang yunit ang pagkakaiba ng mga kultura.
|
Halimbawa , ang tinapay ay itinitinda ng kalahati , isa o dalawang kilong ( kg ) laki sa maraming bansa ngunit sa dating Unyong Sobyet ito ay mabibili lamang sa multiple ng 100 gramo ( 100 , 200 , .. ).
|
Sa ilang bansa , ang paggamit ng pusuwelo ay itinakda sa 250 mL , at ang mga halaga ng mga bilihin ay por siyento ( 100 ) gramo ( g ) sa halip na por kilogramo ( kg ).
|
Malaki rin ang pagkakaiba ng kultura sa pagitan ng mga pisiko at mga inheniyero lalo na ang inhenyero sa radyo bago pa man tanggapin ang sistemang MKS gayundin ang mga sumunod rito na SI yunit.
|
Tinanggap sa pisikang teoretika ( dahil sa kasalatan ng gawang " constants " tulad ng " permittivity " sa vacuum ) ang CGS at tunay na inkombenyente ang paggamit nito sa inhenyeriya at di naiintindihan ng sambahayang gumagamit ng mga aparatong gumagamit ng volts at watts.
|
Ang mga inheniyero ay gumagamit ng volts , amperes , ohms , farads at coulombs na may tunay na praktikal na gamit.
|
Di dapat ipasangtabi ng mga karaniwang tao ang pinong pagsasaayos na nangyari sa yunit na ayon sa metrika nang nakaraang 2000 daon , na kadalasang ginagawa ng mga eksperto upang itama sa paggamit nito sa pananaliksik ( e.g. mula CGS sa MKS sa mga pagbabago ng sistemang SI at pag - imbento ng Kelvin yunit ng temperatura ).
|
Ang mga pagbabagong ito ay walang apekto sa pangaraw - araw na paggamit ng metrikang yunit.
|
Ang mga pagbabagong ito ang dahilan kung bakit ang mga pabor sa nakagawiang yunit sa Amerika ay laban sa paggamit ng metrikang yunit.
|
Ang mga nakaugaliang yunit ngayon ay nakatakda na sa pamamagitan ng SI yunit kaya ang pagkakaiba ng pakahulugan ng SI yunit ay nagpapakita ng pagkakaiba nila sa nakaugaliang yunit.
|
Binubuo ng pitong pamantayang yunit at maraming halaw na yunit ang SI kasama rito ang paggamit ng maraming unlapi ( prefix ).
|
Narito ang pitong pamantayang yunit : kilogramo , metro , segundo , ampere , kelvin , mol at candela.
|
Nagtatakda rin ang SI ng ilang unlaping ginagamit sa mga yunit : na kapag ginamit sa pangalan ng yunit nagpapakita ito ng pagkakahati - hati at multiple ( maramihan ) nito.
|
Halimbawa , ang unlaping kilo ay nagpapakita ng maramihan ng isang libo , kaya ang kilometro ay 1000 metro , ang kilogramo ay 1000 gramo at iba pa.
|
Hindi tamang pagdikitin ang dalawang unlapi ; ang isang bahagi ng isang milyong kilogramo ay isang miligramo at hindi isang mikrokilogramo.
|
Ang mga simbolo ay isinusulat sa minuskula ( lower case ) maliban sa mga simbolong halaw mula sa pangalan ng tao.
|
Halimbawa , ang yunit ng presyon ay hinalaw mula kay Blaise Pascal.
|
Kaya , " Pa " ang simbolo nito ngunit kung isulat ng buo ay " pascal ".
|
Ang isang eksepsiyon ay ang litro na " l " ang unang daglat nito at halos kamukha ng bilang " 1 ".
|
Iminungkahi ng NIST na gamitin ang " L " na ngayon ay karaniwang ginagamit sa Amerika , Canada at Australya.
|
Tinanggap rin itong alternatibo ng CGPM.
|
Ang kursibong pasulat na " l " ay paminsan - minsang makikita lalo na sa Hapon ngunit ito 'y di rekomendado ng pamantayang organisasyon.
|
Para sa marami pang impormasyon , tingnan ang Litre.
|
Pang - isahang ( singular ) porma lamang dapat isulat ang mga simbolo nito : i.e. , " 25 kg " , hindi " 25 kgs ".
|
Ang paggamit ng maramihang ( plural ) porma ay naaangkop sa wika ; ang pangmaramihang gamit ng " s " ( gaya nang sa Prances at Ingles ) ay hindi maayos dahil ang " s " ay simbolo ng segundo.
|
Hindi na dapat tuldukan (.
|
) ang mga simbolo.
|
Higit na mainam isulat ang mga simbolo ng sulat Romano ( patayo ) ( m para sa metro.
|
L para sa litro ) upang hindi malito.
|
Ang sulat Italiko ( pahilig ) ay ginagamit sa mga variables sa matematika ( m para sa bigat ( mass ) , l para sa haba ).
|
Dapat bigyan ng pagitan ang bilang at ang simbolo.
|
Halimbawa , " 2.21 kg " , " 7.3 x 102 m2 " , " 22 deg C ".
|
Maliban rito ang mga simbolo ng planong antas ( degree ) ng anggulo , minuto at segundo ( deg , ' at ' ' ) , na isinusulat nang walang patlang matapos isulat ang bilang.
|
Dapat bigyan ng patlang ang bawat tatatluhing grupo ng desimong digit , e.g. 1 000 000 or 342 142 ( sa halip na gumamit ng kuwit o tuldok sa ibang sistema , e.g. 1,000,000 or 1.000.000 ).
|
Ideneklara ang ikasampung resolusyon ng CGPM noong 2003 na ang panandang desimo ay tuldok o kuwit sa pagsulat nito.
|
Sa gamit , ang tuwirang paghinto ay ginagamit sa Ingles at ang kuwit sa karamihang ng wikang Europeo.
|
Ang mga simbolong hinalaw mula sa pagpaparami o ng maramihang yunit ay pinagsasama sa pamamagitan ng patlang o sentrong tuldok , ( * ) , e.g. N m o N * m.
|
Ang mga simbolong binuo mula sa paghahati ng dalawang yunit ay pinagsasama ng isang solidus ( / ) , o kaya 'y ng negatibong exponent.
|
Halimbawa , ang " metro por segundo " ay maisusulat ng " m / s " , " m s - 1 " , " m * s - 1 " or.
|
Hindi dapat gamit ang solidus kung ang bunga ay makalilito , i.e. " kg * m - 1 * s - 2 " ay mas mainap kaysa " kg / m / s2 ".
|
Ang sumusunod ay ang mga pundamental na yunit na kung saan hinalaw ang iba.
|
Kanyang angkin ang mga sukat na ito.
|
Ang pagtatakda nito ay malawakang tanggap.
|
Mga Pangunahing yunits ng SI.
|
Pangalan : kilogramo Simbolo : Kg Kantidad : masa ( bigat ) Pagtatakda :.
|
Ang yunit ng bigat na itinakda sa bigat ng pandaigdigang prototype na kilogramo ( isang baras ng alloy ng platino at iridyo ) na nakatago sa Bureau International des Poids et Mesures ( BIPM ) , Sevres , Paris ( 1st CGPM ( 1889 ) , CR 34 - 38 ).
|
Makikitang ang kilogramo ay isang pamantayang yunit na gumagamit ng unlapi ; ang gramo ay isang hinalaw na yunit na katumbas ng isang ikasanlibong ( 1 / 1000 ) parte ng kilogramo ; ang unlaping mega ay ginagamit sa gramo at di sa kg : e.g. Gg , hind Mkg.
|
Ito rin ang kaisa - isang yunit na gumagamit ng pisikal na prototype sa halip na nasusukat na likas na kababalaghan ( tingnan ang artikulo sa kilogram para sa alternatibong pagtatakda nito ).
|
Pangalan : segundo Simbolo : s Kantidad : Oras / Panahon Pagtatakda : Ang yunit ng panahon na may tagal na eksaktong 9 192 631 770 piriyod ng silahis na katugon ( corresponding ) sa transisyon sa pagitan ng dalawang napakapinong nibel ( hyperfine level ) ng panatag na katayuan ( ground state ) ng atomo ng cesio - 133 sa temperaturang 0 K ( 13th CGPM ( 1967 - 1968 ) Resolution 1 , CR 103 ).
|
Pangalan : metro Simbolo : m Kantidad : Haba ( Length ) Pagtatakda : Ang yunit ng haba na itinakda sa haba ng daang ( path ) tinahak ng liwanag sa vacuum nang may pagitang oras ( time interval ) ng isang bahagi ng 299 792 458 ng isang segundo ( 17th CGPM ( 1983 ) Resolution 1 , CR 97 ).
|
Pangalan : ampere ( amperio ) Simbolo : A Kantidad : Daloy ng koryente Pagtatakda : Ang yunit ng daloy ng koryente ay di - nababagong daloy , na kung pananataliin ng dalawang magkaagabay ( parallel ) na daluyan ng koryente ( conductors ) , na walang - hanggahang haba at di - pansing seksiyon sirkular , na pinaghiwalay ng isang metro sa vacuum na magbubunga ng pwersa sa pagitan ng daluyang ito ng 2 x 10 - 7 newtons por metro ng haba ( 9th CGPM ( 1948 ) Resolution 7 , CR 70 ).
|
Pangalan : kelvin Simbolo : K Kantidad : Termodinamikang temperatura Pagtatakda : Ang yunit ng termodinamikang temperatura ( o absolutong temperatura ) ay ang hating - bilang na 1 / 273.16 ( eksakto ) ng termodinamikong temperatura sa punto triple ng tubig ( kundisyon na kung saan magkakasabay na umiinog ito bilang yelo , likido , singaw ) ( 13th CGPM ( 1967 ) Resolution 4 , CR 104 ).
|
Pangalan : mol ( mole ) Simbolo : mol Kantidad : Dami ng sustansiya Pagtatakda : Ang yunit ng dami ng sustansiya na itinakda sa dami ng sustansiyang naglalaman ng mga simulaing butil o kaya 'y mga atomo sa 0.012 kilogramo ng dalisay na karbon - 12 ( 14th CGPM ( 1971 ) Resolution 3 , CR 78 ).
|
( Ang mga simulaing butil ay maaaring atomo , molekula , ions , elektron , o partikula.
|
) Ito ay humigit kumulang sa 6.02214199 x 1023 yunit ( Bilang Avogadro ).
|
Pangalan : kandela Simbolo : cd Kantidad : Tindi ( ningning ) ng liwanag Pagtatakda : Ang yunit ng tindi ng liwanag na itinakdang tindi ( ningning ) ng liwanag , sa isang itinakdang direksiyon ng pinanggalingan nito na nagbubuga ng monokromatikong silahis na may prekwensiya ng 540 x 1012 hertz at may ningning ng silahis sa direksiyong ito ng 1 / 683 watt per steradian ( 16th CGPM ( 1979 ) Resolution 3 , CR 100 ).
|
Ang mga sumusunod na SI yunit ay tunay na walang dimensiyong ratio na binuo sa paghahati ng dalawang magkaparehong SI yunit.
|
Kaya ito 'y sinasabing hinalaw ng BIPM.
|
Sa pormal , ang kanilang yunit ay ang bilang na 1 ngunit sila ay may espesyal na pangalan kung ang paggamit ng walang yunit ay makalilito.
|
Mga Yunit SI na Walang Dimensiyon.
|
Pangalan : radian Simbolo : rad Kantidad : Anggulo ( Siwang ) Pagtatakda : Ang yunit ng anggulo ay anggulong na nasa ilalim mula sa pusod ng bilog at ng isang arko na pumapaibabaw sa palibot ( circumference ) nito na katumbas ng haba ng radius nito.
|
Mayroong 2p radians sa isang bilog.
|
Pangalan : steradian Simbolo : sr Kantidad : Solid na Anggulo Pagtatakda : Ang yunit ng solid na anggulo ay ang solid na anggulo na nasa ilalim mula sa pusod ng bolang bilog ( sphere ) na may radius r at ng bahagi ng rabaw na nasa ibabaw nito na may luwang na r2.
|
Mayroong 4p steradians sa isang bolang bilog.
|
Ang mga saligang yunit ay mapagsasama upang makabuo ng hinalaw ng yunit ng sukat para sa ibang kantidad.
|
Ang ilan ay binigyan ng pangalan.
|
Mga Hinalaw ng Yunit mula sa SI na may espesyal na pangalan.
|
Pangalan : hertz Simbolo : Hz Kantidad : Frequency ( Dalas ) Pakita bilang mga SI yunit : s - 1.
|
Pangalan : newton Simbolo : N Kantidad : Force ( Pwersa ) Pakita bilang mga SI yunit : m * kg * s - 2.
|
Pangalan : joule Simbolo : J Kantidad : Energy ( Enerhiya ) Pakita bilang mga SI yunit : N m m2 * kg * s - 2.
|
Pangalan : watt Simbolo : W Kantidad : Power ( Lakas ) Pakita bilang mga SI yunit : J / s m2 * kg * s - 3.
|
Pangalan : pascal Simbolo : Pa Kantidad : Pressure , Stress ( Presyon , Diin ) Pakita bilang mga SI yunit : N / m2 m * kg - 1 * s - 2.
|
Pangalan : lumen Simbolo : lm Kantidad : Luminous flux ( Bugso ng ningning ).
|
Pakita bilang mga SI yunit : cd * sr m2 * m - 2 * cd cd.
|
Pangalan : lux Simbolo : lx Kantidad : Illuminance ( Kaningningan ) Pakita bilang mga SI yunit : lm / m2 m2 * m - 4 * cd m - 2 * cd.
|
Pangalan : coulomb Simbolo : C Kantidad : Electric charge ( Karga ng koryente ) Pakita bilang mga SI yunit : s * A.
|
Pangalan : volt Simbolo : V Kantidad : Electrical potential difference ( Diprensiyang potensiyal ) Pakita bilang mga SI yunit : W / A J / C m2 * kg * s - 3 * A - 1.
|
Pangalan : ohm Simbolo : O Kantidad : Electric resistance ( Resistensiya ng koryente ) Pakita bilang mga SI yunit : V / A m2 * kg * s - 3 * A - 2.
|
Pangalan : farad Simbolo : F Kantidad : Electric capacitance ( Kakayahang elektrikal ) Pakita bilang mga SI yunit : C / V m - 2 * kg - 1 * s4 * A2.
|
Pangalan : weber Simbolo : Wb Kantidad : Magnetic flux ( Bugso ng Balani ) Pakita bilang mga SI yunit : m2 * kg * s - 2 * A - 1.
|
Pangalan : tesla Simbolo : T Kantidad : Magnetic flux density ( Kasiksikan ng bugso ng balani ) Pakita bilang mga SI yunit : Wb / m2 kg * s - 2 * A - 1.
|
Pangalan : henry Simbolo : H Kantidad : Inductance ( Kaulukan ) Pakita bilang mga SI yunit : Wb / A m2 * kg * s - 2 * A - 2.
|
Pangalan : siemens Simbolo : S Kantidad : Electric conductance ( Kadaluyan ) Pakita bilang mga SI yunit : O - 1 m - 2 * kg - 1 s3 * A2.
|
Pangalan : becquerel Simbolo : Bq Kantidad : Radioactivity ( decays per unit time ) ( Radyaktibidad ) Pakita bilang mga SI yunit : s - 1.
|
Pangalan : gray Simbolo : Gy Kantidad : Absorbed dose ( of ionising radiation ) ( Nasipsip na dosis ) Pakita bilang mga SI yunit : J / kg m2 * s - 2.
|
Pangalan : sievert Simbolo : Sv Kantidad : Equivalent dose ( of ionising radiation ) ( Kapantay na dosis ) Pakita bilang mga SI yunit : J / kg m2 * s - 2.
|
Pangalan : katal Simbolo : kat Kantidad : Catalytic activity ( Kaliksihang katalitika ) Pakita bilang mga SI yunit : mol / s s - 1 * mol.
|
Pangalan : degree Celsius Simbolo : deg C Kantidad : Thermodynamic temperature ( Termodinamikang temperatura ) Pakita bilang mga SI yunit : K ( 0 deg C 273.15 K , 0 K - 273.15 deg C ).
|
Maraming bansa , bantog dito ang Estados Unidos , ang karaniwang gumagamit ng binaybay na ' meter ' at ' liter ' sa halip na ' metre ' at ' litre '.
|
Ito ay naayon sa pagbabaybay sa standard American English ( halimbawa , isinusulat ng mga Amerikano ang ' center ' at hindi ' centre , ' ginagamit lamang ang huli kung nais magpa - istilo.
|
; Tingnan rin ang American and British English differences ).
|
Ang isa pa , ang opisyal na baybay sa Amerika ng ulaping SI na ' deca ' ay ' deka '.
|
Ang yunit na ' gramo ' sa mga bansang nagsasalita ng Inggles ay minsang binabaybay na ' gramme ' maliban sa Amerika kahit na ang paggamit nito ay umuunti na.
|
Marikina
|
Ang Lungsod ng Marikina ( Ingles : City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina ) , kilala bilang Sentro o Kabisera ng Sapatos sa Pilipinas , ay isang lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.