text
stringlengths
0
7.5k
Yatomi , Aichi
Ang Yatomi ay isang lungsod sa Hapon.
Sayaw
Ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao ng mayroong pakay.
Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy , at ito ay kinikilala bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang partikular na kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa kaniyang koryograpiya , Koleksyon at pagkakasunod - sunod ng mga galaw o batay sa panahon at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan.
Isang mahalagang pagkakaiba ay mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw.
Bagama 't ang dalawang kategoryang ito ay hindi palaging magkahiwalay ; ang mga ito ay may espesyal na gamit , maski sosyal , seremonyal , pampaligsahan , sekswal , pang - militar at banal / maliturgiya.
Ang ibang disiplina sa paggalaw ng tao ay paminsang sinabi na pagsayaw tulad ng kalidad , kabilang ang martial arts , gymnastics , figure skating , synchronized swimming at marami pang ibang uri ng pampalakasan.
Noong kaagahan ng dekada ng 1920 , ang araling pangsayaw ( pagsasagawa ng sayaw , teoriyang kritikal , analisis ng musika , at kasaysayan ) ay sinimulang ituring bilang isang disiplinang pang - akademiya.
Sa kasalukuyan , ang mga araling ito ay kasamang bahagi na ng mga programang pangsining at araling pantao ng maraming mga pamantasan.
Sa pagsapit ng kahulihan ng ika - 20 daantaon , ang pagkilala sa praktikal na kaalaman bilang kapantay ng kaalamang pang - akademiya ay humantong sa paglitaw ng pananaliksik na pangpagsasagawa.
Isang malaking nasasakupan ng mga krusong pangsayaw ang makukuha , kabilang na ang mga sumusunod :.
Ang mga degring pang - akademiyang makukuha ay magmula BA ( Hons ) hanggang PhD at iba pang mga fellowship na postdoktoral , na may ilang mga dalubhasa o iskolar na pangsayaw na kinukuha ang kanilang mga pag - aaral bilang mga estudyanteng may maturidad pagkaraan ng isang prupesyunal na karerang pangsayaw.
Artemisia absinthium
Ang Artemisia absinthium o artemisyang absinta ( Ingles : absinthium , absinthe wormwood o " absintang damong - maria " , wormwood , absinthe , o grand wormwood , " maringal na damong - maria " ) ay isang uri ng artemisya o damong - maria na katutubo sa Europa , Asya , at hilagang Aprika.
Tinatawag din itong absinta.
Kasama ang Artemisia vulgaris , isa pang damong - maria , pinahahalagahan ang Artemisia absinthium sa Silanganin at Kanluraning bahagi ng mundo.
Kapwa mapait ang lasa ng mga A. vulgaris at A. absinthium ngunit mainam para sa mga karamdamang pangdaanan ng pagkain ( tiyan at bituka ) , at maging sa pagpapapainam ng pagdumi.
, magkasama sa isang pahina ngunit magkahiwalay ang paglalarawan sa bawat uring ito ng mga Artemisia.
Tinatawag itong wormwood sa Ingle , o " uod - kahoy " , sapagkat mainam itong pampurga o pangtanggal ng mga parasitikong bulati sa katawan ng tao.
Ginagamit din itong sangkap sa mga mapapait ngunit pampaganang mga alak , na iniinom bago kumain ( tinatawag na mga aperitif sa Ingles ( aperitip ) at vermouth o bermut ang isang halimbawa ng alak na ito ).
Bukod sa pagiging isang pampaganang inumin bago kumain , nakapagpapasigla rin ito sa atay at ng sinapupunan , partikular na sa panahon ng panganganak.
Naglalaman sila ng maaaring makaadik ( hindi mapigilan ang pagkonsumo ) na thujone.
Ang Kuwento ni Genji
Ang Ang Kuwento ni Genji ( Hapones : Yuan Shi Wu Yu , Genji Monogatari ; Ingles : The Tale of Genji ) , ay isang ika - 11 daantaong aklat na isinulat ng Haponesang si Murasaki Shikibu.
Minsang sinasabing ito ang pinakaunang nobelang naisulat , subalit kung hindi man , isa ito sa mga itinuturing na mahahalaga.
Isinulat ito sa panahong pangkaraniwang sa mga kababaihang Haponesa nasa korte ng Emperador ng Hapon ang magsulat ng mga talaarawan , isang bagay na mayroon si Murasaki bago niya isinulat ang nobelang ito noong mga taong 1010.
Naging tanyag ang kuwentong ito sa loob ng maraming daantaon.
Tungkol ang Kuwento ni Genji sa buhay at mga pag - ibig ng prinsipeng si Genji.
Nagmahal siya ng ilang mga babae na nagkaroon ng sari 't saring reaksiyon sa kaniya.
Amanda Chou
Emperador Go - Kameyama
Si Emperador Go - Kameyama ( Hou Gui Shan Tian Huang , Go - Kameyama Tenno ) ( c.
1347 - Mayo 10 , 1424 ) ay ang Ika - 99 na Emperador ng Hapon.
Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod - sunod ng pagtaas sa trono.
Jimmu * Suizei * Annei * Itoku * Kosho * Koan * Korei * Kogen * Kaika * Sujin * Suinin * Keiko * Seimu * Chuai * Jingu.
Ojin * Nintoku * Richu * Hanzei * Ingyo * Anko * Yuryaku * Seinei * Kenzo * Ninken * Buretsu * Keitai * Ankan * Senka.
Kimmei * Bidatsu * Yomei * Sushun * Suiko * Jomei * Kogyoku * Kotoku * Saimei * Tenji * Kobun * Tenmu * Jito * Monmu * Genmei.
Gensho * Shomu * Koken * Junnin * Shotoku * Konin.
Kanmu * Heizei * Saga * Junna * Ninmyo * Montoku * Seiwa * Yozei * Koko * Uda * Daigo * Suzaku * Murakami * Reizei * En 'yu * Kazan * Ichijo * Sanjo * Go - Ichijo * Go - Suzaku * Go - Reizei * Go - Sanjo * Shirakawa * Horikawa * Toba * Sutoku * Konoe * Go - Shirakawa * Nijo * Rokujo * Takakura * Antoku * Go - Toba.
Go - Murakami * Chokei * Go - Kameyama * Go - Komatsu * Shoko * Go - Hanazono * Go - Tsuchimikado * Go - Kashiwabara * Go - Nara * Ogimachi * Go - Yozei.
Go - Mizunoo * Meisho * Go - Komyo * Go - Sai * Reigen * Higashiyama * Nakamikado * Sakuramachi * Momozono * Go - Sakuramachi * Go - Momozono * Kokaku * Ninko * Komei.
Bagong Mababang Bicutan , Taguig
Ang Barangay New Lower Bicutan ( PSGC : 137607022 ) ay isa sa dalawampu 't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Ang Barangay na ito ay dating bahagi ng Barangay Lower Bicutan.
Ganap itong nahiwalay bilang isang barangay noong ika - 28 ng Disyembre taong 2008.
Nangyari ito nang magtagumpay ang plebisito sa bisa ng mga Ordinansa ng Lungsod bilang 24 - 27 , 57 - 61 , 67 - 69 , at 78 serye ng 2008.
Pulmonya
Ang pulmonya ay isang pamamaga na kondisyon ng baga - - na pangunahing nakakaapekto sa mga mikroskopikong air sac na kilala bilang alveoli.
Ito ay karaniwang sanhi ng impeksiyon sa mga birus o bakterya at sa hindi masyadong karaniwang mga mikroorganismo , ilang mga gamot at ibang mga kondisyon tulad ng mga sakit na sanhi ng pag - atake ng sistema ng resistensiya sa katawan.
Kasama sa mga karaniwang sintomas ang ubo , pananakit ng dibdib , lagnat , at kapos na paghinga.
Ang mga kagamitan para sa pagkilala ng sakit ay kinabibilangan ng mga x - ray at pag - culture sa laway.
Mayroong mga bakuna para iwasan ang ilang mga uri ng pulmonya.
Ang paggamot ay depende sa nasa ilalim na sanhi.
Ang itinuturing na pulmonyang sanhi ng bakterya ay ginagamot ng mga antibyotiko.
Kung malala ang pulmonya , ang apektadong tao ay karaniwang ipinapasok sa ospital.
Taun - taon , ang pulmonya ay nakakaapekto sa humigit - kumulang 450 milyong katao , pitong porsiyento ng kabuuan ng mundo , at nagreresulta ng halos 4 na milyong mga kamatayan.
Bagaman ang pulmonya ay itinuring ni William Osler sa ika - 19 na siglo bilang " ang kapitan ng kamatayan ng tao " , ang pagdating ng paggamot ng antibyotiko at mga bakuna sa ika - 20 siglo ay nakakita ng mga pagbuti sa kaligtasan ng buhay.
Gayunpaman , sa mga mahihirap na bansa , at sa mga matatanda , napakabata at ang hindi gumagaling ang sakit , ang pulmonya ay nananatiling pangunahing sanhi ng kamatayan.
Ang mga taong may nakakahawang pulmonya ay kadalasan mayroong ubong may plema , lagnat na may kasamang giniginaw na nanginginig , kapos na paghinga , matalas o tila sinasaksak na pananakit sa dibdib kapag humihinga ng malalim , at mataas na tulin ng paghinga.
Sa matatanda , ang pagkalito ang maaaring pinaka kitang - kita na palatandaan.
Ang mga karaniwang palatandaan at sintomas sa mga batang walang pang limang taong gulang ay ang lagnat , ubo , at mabilis o kahirapang huminga.
Ang lagnat ay hindi lubhang partikular , dahil ito ay nangyayari sa maraming ibang mga karaniwang karamdaman , at maaaring wala sa mga mayroong malubhang sakit o malnutrisyon.
Bilang karagdagan , kadalasang walang ubo sa mga batang mas bata sa 2 buwang gulang.
Ang mas malubhang mga palatandaan at sintomas ay maaaring kabilangan ng : balat na may bahid ng kulay asul , nabawasang pagkauhaw , mga kombulsyon , patuloy na pagsusuka , kasidhian ng temperatura , o nabawasang antas ng kamalayan.
Ang mga kaso ng pulmonya na sanhi ng bakterya at birus ay karaniwang mayroong mga magkaparehong sintomas.
Ang ilan sa mga sanhi ay iniuugnay sa klasiko , nguni ' t hindi partikular na mga katangiang ayon sa klinika.
Ang pulmonyang sanhi ng Legionella ay maaaring mangyari nang may kasamang pananakit ng tiyan , pagtatae , o pagkalito , habang ang pulmonyang sanhi ng Streptococcus pneumoniae ay iniuugnay sa kalawangin na kulay ng laway na may kasamang plema , at ang pulmonyang sanhi ng Klebsiella ay maaaring magkaroon ng madugong laway na may kasamang plema na kadalasang inilalarawan bilang " buo - buong halaya ".
Ang madugong laway na may kasamang plema ( kilala bilang hemoptysis ) ay maaari ring mangyari kasama ang tuberkulosis , Gram - negative na pulmonya , at mga nana sa baga gayundin ang mas karaniwang malubhang bronchitis.
Ang Mycoplasma na pulmonya ay maaaring mangyari na may kasamang pamamaga ng mga kulani sa leeg , pananakit ng kasukasuan , o impeksiyon sa gitnang bahagi ng tainga.
Ang pulmonyang sanhi ng birus ay mas karaniwang nagpapakita ng may pumipitong paghinga kaysa sa pulmonyang sanhi ng bakterya.
Ang pulmonya ay pangunahing sanhi ng mga impeksiyong dulot ng bakterya o mga birus at mas bihirang dulot ng fungi at mga parasitiko.
Bagaman mayroong mahigit sa 100 uri ( strain ) ng mga nakakahawang nakilalang mga nagdudulot nito ( agents ) , kaunti lamang ang responsable para sa karamihan ng mga kaso.
Ang mga impeksiyon na parehong may halong mga birus at bakterya ay maaaring mangyari sa hanggang sa 45 % ng mga impeksiyon sa mga bata at 15 % ng mga impeksiyon sa mga nasa hustong gulang.
Ang isang nagdudulot nito ( causative agent ) ay hindi maaaring ihiwalay sa humigit - kumulang na kalahati ng mga kaso sa kabila ng maingat na pagsusuri.
Ang katawagang pulmonya ay mas malawak na inilalapat kung minsan sa anumang kondisyon na nagreresulta sa pamamaga ng mga baga ( halimbawa sanhi ng mga sakit na dulot ng sistema na panlaban sa sakit , mga paso dulot ng kemikal o mga reaksiyon sa gamot ) ; gayunpaman , ang pamamagang ito ay mas wastong tinutukoy bilang pneumonitis.
Ang mga nakakahawang bagay ( infective agents ) ay hinati sa " karaniwan " at " hindi karaniwan " ayon sa kasaysayan batay sa kanilang ipinapalagay na mga pagkakaroon nito , nguni ' t hindi sinusuportahan ng ebidendsiya ang pagkilalang ito , kung kaya hindi na ito binibigyang - diin.
Ang mga kondisyon at salik ng panganib na maaaring madaling kapitan ng pulmonya ay kinabibilangan ng : paninigarilyo , kabiguang protektahan laban sa impeksiyon ng sistema ng resistensiya , pagkagumon sa alak , hindi gumagaling na nakakasagabal na sakit sa baga , hindi gumagaling na sakit sa bato , at sakit sa atay.
Ang paggamit ng mga gamot na pampigil sa asido tulad mga proton - pump inhibitor o mga H2 blocker - ay iniuugnay sa mataas na panganib ng pulmonya.
Ang katandaan ay maaari ring madaling kapitan ng pulmonya.
Bakterya ang pinaka - karaniwang sanhi ng community - acquired pneumonia ( pulmonyang nakuha sa komunidad ) ( CAP ) , kung saan ang Streptococcus pneumoniae ay ihiniwalay ang 50 % ng mga kaso.
Ang ibang karaniwang hiniwalay na mga bakterya ay kinabibilangan ng : Haemophilus influenzae sa 20 % , Chlamydophila pneumoniae sa 13 % , at Mycoplasma pneumoniae sa 3 % ng mga kaso ; Staphylococcus aureus ; Moraxella catarrhalis ; Legionella pneumophila at Gram - negative bacilli.
Ang ilang mga lumalaban sa gamot na bersyon ng mga impeksiyong nasa itaas ay nagiging mas karaniwan , kabilang ang lumalaban sa gamot na Streptococcus pneumoniae ( DRSP ) at methicillin - resistant Staphylococcus aureus ( MRSA ).
Ang pagkalat ng mga organismo ay tumataas ang probablidad kapag mayroong mga salik ng panganib.
Ang pagkagumon sa alak ay iniuugnay sa Streptococcus pneumoniae , mga organismong nabubuhay ng walang oxygen at Mycobacterium tuberculosis ; pinapataas ng paninigarilyo ang probabilidad ng mga epekto ng Streptococcus pneumoniae , Haemophilus influenzae , Moraxella catarrhalis , at Legionella pneumophila.
Ang pagkakalantad sa mga ibon ay iniuugnay sa Chlamydia psittaci ; ang mga hayop sa bukid ay iniuugnay sa Coxiella burnetti ; pagkuha ng mga laman ng tiyan sa pamamagitan ng mga organismong nabubuhay ng walang oxygen ; at cystic fibrosis sa Pseudomonas aeruginosa at Staphylococcus aureus.
Ang Streptococcus pneumoniae ay mas karaniwan sa taglamig , at dapat paghinalaan sa mga taong naglalabas ng marami mga organismong nabubuhay ng walang oxygen.
Sa mga nasa hustong gulang , ang mga birus ang responsible para sa humigit - kumulang na ikatlo at sa mga bata para sa 15 % ng mga kaso ng pulmonya.
Kabilang sa mga karaniwang sangkot na bagay ang : mga rhinobirus , coronabirus , birus ng trangkaso , respiratory syncytial virus ( RSV ) , adenobirus , at parainfluenza.
Ang Herpes simplex na birus ay bihirang magdulot ng pulmonya , maliban sa mga grupong tulad ng : mga bagong panganak , mga taong may kanser , mga tatanggap ng transplant , at mga taong may malaking nasunog na bahagi.
Ang mga tao na kasunod ng pag - transplant ng bahagi ng katawan o kung hindi man ay ang mga may mahinang sistema ng resistensiya ay nagpapakita ng mataas na bilang ng cytomegalobirus na pulmonya.
Ang mga mayroong impeksiyong sanhi ng birus ay maaaring pangalawang maimpeksiyon ng bakteryang Streptococcus pneumoniae , Staphylococcus aureus , o Haemophilus influenzae , lalo na kapag mayroong ibang mga problema sa kalusugan.
Ang iba ' t - ibang mga birus ay nangingibabaw sa iba ' t - ibang mga panahon ng taon , halimbawa sa panahon ng trangkaso , maaaring maging responsable ang trangkaso para sa mahigit sa kalahati ng lahat ng kaso na sanhi ng birus.
Ang pagkalat ng ibang mga birus ay nangyayari rin paminsan - minsan , kabilang ang mga hantabirus at coronabirus.
Ang pulmonyang sanhi ng fungus ay hindi karaniwan , nguni ' t mas karaniwang nangyayari sa mga indibiduwal na mayroong huminang mga sistema ng resistensiya dahil sa AIDS , mga gamot na pampahina ng sistema ng resistensiya , o ibang mga medical na problema.
Ito ay pinakamadalas na sanhi ng Histoplasma capsulatum , blastomyces , Cryptococcus neoformans , Pneumocystis jiroveci , at Coccidioides immitis.
Ang Histoplasmosis ay pinaka - karaniwan sa Mississippi River basin , at ang coccidioidomycosis ay pinaka - karaniwan sa Timog - kanluran ng Estados Unidos.
Ang dami ng mga kaso ay tumaas sa huling bahagi ng kalahati ng ika - 20 siglo dahil sa tumataas na paglalakbay at mga bilang ng pagpigil sa pagtugon ng sistema ng resistensiya sa populasyon ( immunosuppression ).
Ang iba ' t - ibang mga parasitiko ay maaaring makaapekto sa mga baga , kabilang ang : Toxoplasma gondii , Strongyloides stercoralis , Ascaris lumbricoides , at Plasmodium malariae.
Ang mga organismong ito ay karaniwang pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng direktang pagkakadikit sa balat , paglanghap , o sa pamamagitan ng isang insektong nagdadala ng organismong nagdudulot ng sakit.