text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Sa Hilagang Amerika , kung saan ang " hindi karaniwang " mga anyo ng pulmonyang nakuha sa komunidad ay mas karaniwan , ang mga macrolide ( tulad ng azithromycin o erythromycin ) , at doxycycline ay pinalitan ang amoxicillin bilang unang pipiliing paggamot sa mga nasa hustong gulang na hindi mamamalagi sa ospital.
|
Sa mga batang mayroong hindi malubha o katamtaman na mga sintomas , ang amoxicillin ay nananatiling unang pipiliin.
|
Ang paggamit ng fluoroquinolones ( gamot na pampatay sa bakterya ) sa mga hindi komplikadong kaso ay hindi hinihikayat dahil sa mga alalahanin tungkol sa mga epekto ng gamot na ito at lumilikha ng paglaban dahil sa walang mas mabuting klinikal na kapakinabangan.
|
Ang tagal ng paggamot sa karaniwan ay pito hanggang sampung araw , nguni ' t ipinapakita ng dumadaming ebidensiya na ang mas maikling panahon ( tatlo hanggang limang araw ) ay kasing bisa rin.
|
Inirerekomenda para sa pulmonyang nakuha sa ospital kabilang ang ikatlo at ikaapat na henerasyon ng cephalosporins , mga carbapenem , fluoroquinolone , aminoglycoside , atvancomycin.
|
Ang mga antibiyotikong ito ay kadalasang ibinibigay sa pamamagitan ng ugat at ginagamit nang magkasama.
|
Sa mga ginamot sa ospital , mahigit sa 90 % ang bumubuti sa mga inisyal na antibiyotiko.
|
Ang mga neuraminidase inhibitor ay maaaring gamitin para gamutin ang pulmonyang sanhi ng birus na dulot ng mga birus ng trangkaso ( trangkaso A at trangkaso B ).
|
Walang partikular na laban sa birus na mga gamot ang inirerekomenda para sa iba pang mga uri ng mga pulmonyang nakukuha sa komunidad kabilang ang SARS coronabirus , adenobirus , hantabirus , at parainfluenza na birus.
|
Ang Trangkaso A ay maaaring gamutin ng rimantadine o amantadine , habang ang trangkaso A o B ay maaaring gamutin ng oseltamivir , zanamivir o peramivir.
|
Ito ay pinaka - kapaki - pakinabang kung ang mga ito ay sisimulan sa loob ng 48 oras ng pagsisimula ng mga sintomas.
|
Karamihan sa mga H5N1 na trangkaso A , kilala rin bilang avian na trangkaso o " bird flu , " ay nagpakita ng paglaban sa rimantadine at amantadine.
|
Ang paggamit ng mga antibiyotiko sa pulmonyang sanhi ng birus ay inirerekomenda ng ilang mga dalubhasa dahil ito ay imposibleng hindi isama ang komplikadong impeksiyon na sanhi ng bakterya.
|
Inirerekomenda ng British Thoracic Society na huwag bigyan ng mga antibiyotiko ang mga may katamtamang sakit.
|
Ang paggamit ng mga corticosteroid ay pinagtatalunan.
|
Sa pangkalahatan , ang pamamaga ng baga sanhi ng nalanghap na kemikal ay karaniwang ginagamot ng mga antibiyotiko na iminumungkahi lamang para sa pulmonyang sanhi ng nalanghap na bagay papunta sa baga ( aspiration pneumonia ).
|
Ang pagpili ng antibiyotiko ay magiging depende sa maraming mga salik , kabilang ang pinaghihinalaang organismong nagdudulot nito at kung ang pulmonya ay nakuha sa komunidad o nabuo sa lugar ng ospital.
|
Ang karaniwang mga opsyon ay kinabibilangan ng clindamycin , ang magkasamang beta - lactam na antibiyotiko at metronidazole , o isang aminoglycoside.
|
Ang mga Corticosteroid ay ginagamit minsan sa pulmonyang sanhi ng nalanghap na bagay papunta sa baga ( aspiration pneumonia ) , nguni ' t mayroong limitadong ebidensiya upang suportahan ang kanilang bisa.
|
Sa paggamot , ang karamihan sa mga uri ng pulmonyang sanhi ng bakterya ay magiging matatag sa 3 - 6 araw.
|
Ito ay kadalasang umaabot ng ilang linggo bago malutas ang karamihan sa mga sintomas.
|
Ang natutuklasan sa X - ray ay karaniwan nawawala sa loob ng apat na linggo at ang bilang ng namamatay ay mababa ( mas mababa sa 1 % ).
|
Sa matatanda o mga taong mayroong ibang mga problema sa baga , ang paggaling ay maaaring umabot sa mahigit sa 12 linggo.
|
Sa mga taong nangangailangan ng pagkakaospital ang bilang ng namamatay ay maaaring kasing taas ng 10 % at sa mga nangangailangan ng masidhing pangangalaga , ito ay maaaring umabot sa 30 - 50 %.
|
Ang pulmonya ang pinaka - karaniwang impeksiyong nakukuha sa ospital na nagreresulta sa pagkamatay.
|
Bago ang pagdating ng mga antibiyotiko , ang bilang ng namamatay ay karaniwang nasa 30 % sa mga naospital.
|
Maaaring magkaroon ng mga komplikasyoon lalo na sa matatanda at sa mga mayroong nasa ilalim na mga problema sa kalusugan.
|
Ito ay maaaring kabilangan ng , bukod sa iba pa : empyema ( nana sa cavity ng katawan ) , nana sa baga , bronchiolitis obliterans ( pagkakagasgas ng daanan ng hangin ) , malubhang respiratory distress syndrome ( kawalan ng kakayahan ng baga para umalsa ) , sepsis ( impeksiyon sa dugo ) , at paglala ng mga nasa ilalim na problema sa kalusugan.
|
Ang mga alituntunin sa klinikal na paghula ay binuo para talagang mas mahulaan ang mga kahihinatnan ng pulmonya.
|
Ang mga alituntunin na ito ay kadalasang ginagamit sa pagpapasiya kung dapat maospital o hindi ang isang tao.
|
Sa pulmonya , ang isang pag - ipon ng likido ay maaaring mabuo sa puwang na pumapaligid sa baga.
|
Paminsan - minsan , maiimpekisyon ng mga mikro - organismo ang likidong ito , na nagdudulot ng isang empyema ( nana sa baga ).
|
Para malaman ang kaibahan ng empyema ( nana sa baga ) mula sa karaniwang simpleng parapneumonic effusion ( pag - ipon ng likido sa baga sanhi ng pulmonya ) , maaaring kunin ang likido gamit ang hiringgilya ( thoracentesis ( pagkuha ng likido para suriin ) ) , at suriin.
|
Kung ito ay magpapakita ng ebidensiya ng empyema ( nana sa baga ) , ang ganap na pag - alis sa likido ay kinakailangan , na kadalasang nangangailangan ng isang drainage cathater ( pangkuha sa likido ).
|
Sa mga malubhang kaso ng empyema ( nana sa baga ) , maaaring kailanganin ang pag - opera.
|
Kung hindi maaalis ang naimpeksiyong likido , maaaring tumagal ang impeksiyon , dahil ang mga antibiyotiko ay hindi masyado pumapasok sa pleural cavity.
|
Kung ligtas sa mikrobyo ang likido , ito ay kailangan lamang alisin kung ito ay nagdudulot ng mga sintomas o nananatiling hindi nalulutas.
|
Ang bakterya sa baga ay bihirang bumuo ng maliit na naimpeksiyong likido na tinatawag na nana sa baga.
|
Ang mga nana sa baga ay karaniwang makikita gamit ang X - ray sa dibdib nguni ' t kadalasan nangangailangan ng isang CT scan sa dibdib para makumpirma ang pagkilala sa sakit.
|
Ang mga nana ay karaniwang lumilitaw sa pulmonyang sanhi ng nalanghap na bagay papunta sa baga ( aspiration pneumonia ) , at kadalasan naglalaman ng maraming mga uri ng bakterya.
|
Ang pangmatagalang mga antibiyotiko ay karaniwang sapat para gamutin ang nana sa baga , nguni ' t kung minsan ang nana ay dapat alisin ng isang taga - opera o radiologist.
|
Ang pulmonya ay maaaring magdulot ng hindi paggana ng paghinga sa pamamagitan ng pagdudulot ng acute respiratory distress syndrome ( ARDS ) , na nagreresulta mula sa pinagsamang impeksiyon at pamamaga.
|
Ang mga baga ay mabilis na napupuno ng likido at nagiging matigas.
|
Ang paninigas na ito , na sinamahan ng malubahng kahirapan sa pagkuha ng oxygen dahil sa likido sa alveoli , ay maaaring mangailangan ng mahabang panahon ng mekanikal na bentilasyon para mabuhay.
|
Ang sepsis ay isang maaaring mangyaring komplikasyon ng pulmonya nguni ' t karaniwang nangyayari lamang sa mga taong may mahinang kaligtasan sa sakit o hyposplenism ( paghina ng lapay ).
|
Ang mga organismo na pinaka - karaniwang sangkot ay ang Streptococcus pneumoniae , Haemophilus influenzae at Klebsiella pneumoniae.
|
Ang ibang mga nagdudulot ng mga sintomas ay dapat isaalang - alang tulad ng isang myocardial infarction ( atake sa puso ) o isang pulmonary embolism ( bara sa baga ).
|
Ang pulmonya ay isang karaniwang karamdaman na nakakaapekto sa humigit - kumulang na 450 milyong tao bawa ' t taon at nangyayari sa lahat ng bahagi ng mundo.
|
Ito ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa lahat ng edad na nagreresulta sa 4 na milyong pagkamatay ( 7 % ng kabuuang pagkamatay sa mundo ) taun - taon.
|
Ang bilang ay pinakamalaki sa mga bata na wala pang limang taong gulang , at sa mga nasa hustong gulang na mas matanda sa 75 taon.
|
Ito ay nangyayari nang mas madalas sa limang beses sa mahirap na bansa kaysa sa maunlad na bansa.
|
Ang pulmonyang sanhi ng birus ang dahilan ng humigit - kumulang na 200 milyong mga kaso.
|
Sa Estados Unidos , simula nang 2009 , ang pulmonya ang pangwalong nangungunang dahilan ng pagkamatay.
|
Noong 2008 , ang humigit - kumulang na 156 na milyong mga bata ay nagkaroon ng pulmonya ( 151 milyon sa mahirap na bansa at 5 milyon sa maunlad na bansa ).
|
Ito ay nagresulta sa 1.6 na milyong mga pagkamatay , o 28 - 34 % ng lahat ng pagkamatay sa mga wala pa sa edad na limang taon , kung saan ang 95 % ay nangyari sa mahirap na bansa.
|
Ang mga bansang may pinakamabigat na pasan ng sakit ay kinabibilangan ng : India ( 43 milyon ) , Tsina ( 21 milyon ) at Pakistan ( 10 milyon ).
|
Ito ang nangungunang dahilan ng pagkamatay sa mga bata sa mga bansang mababa ang kita.
|
Karamihan sa mga pagkamatay na ito ay nangyayari sa panahon ng bagong panganak.
|
Tinatantiya ng World Health Organization na isa sa tatlong pagkamatay ng bagong panganak na sanggol ay dahil sa pulmonya.
|
Humigit - kumulang kalahati ng mga pagkamatay na ito ay maaaring maiwasan ayon sa teorya , dahil ang mga ito ay sanhi ng bakterya kung saan mayroong magagamit na mabisang bakuna.
|
Pulmonya ang karaniwang sakit sa buong kasaysayan ng tao.
|
Ang mga sintomas ay inilarawan ni Hippocrates ( c.
|
460 BC - 370 BC ) : Ang " peripneumonia ( pamamaga ng baga ) , at pleuritic affections ( pamamaga ng pleura ng baga ) , kung gayon ay dapat obserbahan : Kung magiging malubha ang lagnat , at kung magkakaroon ng mga pananakit sa magkabilang bahagi , o pareho , at kung hihinga , magkakaroon ng pag - ubo , at ang plema na ilalabas ay kulay mais o nangingitim - ngitim ang kulay , o kakaunti , mabula , at mapula , o mayroong anumang ibang katangian na iba sa karaniwan.
|
Kapag ang pulmonya ay nasa sukdulan , ang kaso ay lampas sa lunas kung hindi siya pinurga , at ito ay masama kung mayroon siya ay may dyspnoea ( kahirapa sa paghinga ) , at ang ihi ay kakaunti at masangsang , at kung ang pawis ay lumalabas sa paligid ng leeg at ulo , ang mga nasabing pawis ay masama , na nagpapatuloy mula sa pigil na paghinga , may tunog na paghinga , at pinsala ng sakit na kumokontrol dito.
|
" Gayunpaman , tinukoy ni Hippocrates ang pulmonya bilang sakit na " pinangalanan ng mga sinauna.
|
" Iniulat din niya ang mga resulta ng pagtanggal sa mga nana sa pamamagitan ng pag - oopera.
|
Naobserbahan ni Maimonides ( 1135 - 1204 AD ) : " Ang mga pangunahing sintomas na nangyayari sa pulmonya at ang hindi nawawala ay ang mga sumusunod : labis na mataas na lagnat , masakit pamamaga ng pleura na pananakit sa tagiliran , maikling mabilis na mga paghinga , pabagu - bagong pulso at pag - ubo.
|
" Ang klinikal na paglalarawan na ito ay medyo pareho sa mga makikita sa mga makabagong aklat - aralin , at ipinakita nito ang lawak ng medikal na kaalaman sa pamamagitan ng Middle Ages hanggang sa ika - 19na siglo.
|
Si Edwin Klebs ang unang nakaobserba ng bakterya sa mga daanan ng hangin ng mga taong namatay dahil sa pulmonya noong 1875.
|
Ang inisyal na ginawa para matukoy ang dalawang karaniwang nagdudulot na bakterya na Streptococcus pneumoniae at Klebsiella pneumoniae ay isinagawa ni Carl Friedlander at Albert Frankel noong 1882 at 1884 , nang magkahiwalay.
|
Ipinakilala ng inisyal na ginawa ni Friedlander ang Gram stain , isang mahalagang pagsusuri sa laboratoryo na ginagamit pa rin ngayon para matukoy at mauri ang mga bakterya.
|
Ang dokumento ni Christian Gram na naglalarawan sa pamamaraan noong 1884 ay nakatulong para malaman ang kaibhan ng dalawang bakterya , at ipinakita na ang pulmonya ay maaaring maging dulot ng mahigit sa isang mikroorganismo.
|
Si Sir William Osler , kilala bilang " ang ama ng modernong medisina , " ay tinanggap ang pagkamatay at pagkabalda na sanhi ng pulmonya , na inilalarawan bilang ang " kapitan ng kamatayan ng tao " noong 1918 , dahil nalampasan nito ang tuberkulosis bilang isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay sa panahon na ito.
|
Ang katagang ito ay orihinal na nilikha ni John Bunyan bilang pagtukoy sa " pagkonsumo sa katawan " ( sanhi ng tuberkulosis ).
|
Inilarawan din ni Osler ang pulmonya bilang " ang kaibigan ng matanda " dahil ang kamatayan ay kadalasang mabilis at hindi masakit subali ' t sa katunayan mayroon namang mas mabagal na mga masakit na paraan para mamatay.
|
Maraming mga pagsulong noong 1900s ang nagpabuti sa kinalabasan para sa mga may pulmonya.
|
Sa pagdating ng penicillin at iba pang mga antibiyotiko , makabagong mga pamamaraan sa pag - oopera , at intensibong pangangalaga sa ika - 20 siglo , ang pagkamatay dahil sa pulmonya ay umaabot sa 30 % , na biglang bumaba sa maunlad na mga bansa.
|
Ang pagbabakuna sa mga sanggol laban sa Haemophilus influenzae type B ay nagsimula noong 1988 at humantong sa kapansin - pansing pagbaba kaagad ng mga kaso pagkatapos ng pagbabakuna.
|
Ang pagbabakuna sa mga nasa hustong gulang laban saStreptococcus pneumoniae ay nagsimula noong 1977 , at sa mga bata noong 2000 , na nagresulta ng parehong pagbaba.
|
Dahil sa mataas na pasan ng sakit sa mga mahirap na bansa at napakababang kamalayan sa sakit sa mga maunlad na bansa , ang pandaigdigang komunidad ng kalusugan ay idineklara ang ika - 12 ng Nobyembre na Pandaigdigang Araw ng Pulmonya , isang araw gumawa ng aksiyon ang mga nagmamalasakit na mamamayan at tagagawa ng patakaran laban sa sakit.
|
Ang pandaigidigang pangkabuhayang gastos ng komunidad na natamo dahil sa pulmonya ay tinatayang nasa $ 17 bilyon.
|
Ang pulmonya o pamamaga ng baga ( Ingles : pneumonia ) , binabaybay ding pulmunia o pulmuniya , baga o karamdaman ng baga at ng sistemang respiratoryo.
|
Ang baga ay naglalaman ng maraming maliliit na mga bulbo , mga bumbilya , o mga sako na tinatawag na mga alveolus ( isahan ) o alveoli ( maramihan ).
|
Nakakatulong ito sa pag - alis ng oksiheno mula sa hangin.
|
Sa kaso ng pulmonya , ang mga sako ay nagiging maga.
|
Napupuno sila ng mga pluwido , at hindi makasipsip ng sapat na oksiheno , hindi katulad ng dati.
|
Maaaring dulot ang pulmonya ng bakterya , birus , punggus , o parasito.
|
Maaari rin itong sanhi ng kimikal o pisikal na pinsalang nagawa sa mga baga.
|
Maaari ring magresulta sa pulmonya ang ibang mga karamdaman , katulad ng pag - abuso sa alak o alkohol o kanser sa baga.
|
Ang mga taong may pulmonya ay karaniwang nahihirapan sa paghinga.
|
Maaari rin silang umuubo , o may nararamdamang hapdi sa lugar ng dibdib.
|
Ang paglulunas ng pulmonya ay naaayon sa kung ano ang sanhi ng karamdaman.
|
Kapag dulot ng bakterya , magagamit ang antibiyotiko upang gamutin ito.
|
Ang salitang Ingles na pneumonitis ay tumutukoy sa pamamaga ( inplamasyon ) ng baga ; ang pulmonya ay tumutukoy sa pamamaga ng baga , kadalasang dahil sa impeksiyon subalit minsang hindi nakakaimpeksiyon , na may karagdagang tampok ng konsolidasyon pulmonaryo ( konsolidasyong pambaga ).
|
Ang pulmonya ay maaaring uri - uriin sa maraming mga pamamaraan.
|
Pinaka pangkaraniwang ikinaklasipika ito ayon sa kung saan o kung paano ito nakuha ( pulmonyang nakuha sa pamayanan , pulmonya dahil sa aspirasyon , pulmonyang kaugnay ng pangangalagang pangkalusugan , pulmonyang nakuha mula sa ospital , at pulmonyang may kaugnayan sa bentilador ) , ngunit maaari ring iklasipika ayon sa nasasakop na pook ng baga na apektado ( pulmonyang panglobo , pulmonyang bronkiyal at malubhang pulmonyang interstisyal ) , o dahil sa nagsasanhing organismo.
|
Ang pulmonya sa mga bata ay maaaring makapagdagdag ng klasipikasyon ayon sa mga tanda at mga sintomas bilang hindi malubha ( hindi grabe ) , malubha ( grabe ) , o napakalubha ( napakagrabe ).
|
Bibliyograpiya.
|
Pag - uuring pambiyolohiya
|
Ang Pag - uuring biyolohikal , pag - uuring pambiyolohiya , o klasipikasyong biyolohikal ay isang pamamaraan ng taksonomiyang siyentipiko na ginagamit upang ipangkat at uriin ang mga organismo sa mga pangkat gaya ng henus o species.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.