text
stringlengths
0
7.5k
Chunibyo Demo Koi ga Shitai !
Ang Chunibyo Demo Koi ga Shitai ! ( Zhong Er Bing demo Lian gashitai ! , literal na konteksto Kahit ang mga taong may Adolescent Delusyon ay gusto ring Umibig ! ) , na kilala rin sa tawag na " Chu - 2 - Koi " , ay isang maikling nobela na isinulat ni Torako.
At isinalarawan ni Nozomi Osaka.
Ang nobela ay nanalo sa patimpalak ng Kyoto Animation na " Honorable Mention " na ginanap noong taong 2010.
Dahil na rin dito ay pinangunahan ng Kyoto Animation ang paglathala ng dalawang volume noong 2011 na isinulat ng may akda.
Pinangunahan na rin ng Kyoto Animation ang pagsawa ng anime na ipinalabas sa Japan noong Oktubre 4 hanggang 19 Disyembre 2012.
Si Yuuta Togashi ay isang batang lalake sa Junior High School na kung saan ay nagkaroon siya ng tinatawag na " Chuunibyou " o tinatawag na Eight Grade Syndrome sa Amerika.
Dahil dito pinaniniwalaan niya na mayroon siyang angking kapangyarihan at tinatawag niya ang kanyang sarili na " Dark Flame Master " na kung saan pinapakita niya sa kanyang mga kamaga aral sa pamamagitan ng iba 't ibang paraan na nakikita sa telebisyon.
Nang siya ay nakatapos na sa Junior High , siya ay nagmature na at napagtanto na ang kanyang mga ginawa noong siya ay Junior High School ay Nakakahiya.
Dahil dito ay itinapon na niya ang kanyang lumang sarili at kinalimutan ang mga nangyari sa nakaraan.
Ngunit hindi ito naging madali ng makilala niya ang kanyang kaklase na nagngangalang " Rikka Takanashi ".
Sa kabila ng pagiging isang High School student si Rikka Takanashi ay mayroon pa ring sintomas ng Chuunibyou at dahil dito ay nagkainteres siya kay Yuuta.
Nang tumagal at kinalaunan ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa.
Sinasamahan palagi ni Yuuta si Rikka sa kanyang mga gawain.
Katulad ng pagbuo ng school club , pagsama sa kanyang paguwi sa bahay , pag tutor sa kanyang mga takdang aralin at kung ano ano pa.
Nang tumagal at magbabakasyon na ay pinakiusapan si Yuuta ng kapatid ni Rikka ( Tooka ) na samahan siya sa kanyang Bakasyon pag summer.
Dahil sa wala namang gagawin si Yuuta ng mga panahong iyon ay naisipan na rin niyang sumama sa kanyang bahay bakasyunan.
Nang Lumaon , ay napagalaman ni Yuuta ang dahilan kung bakit may " Chuunibyou " pa rin si Rikka.
At ito ay dahil sa pagkamatay ng kanyang Ama na sanhi ng malubhang sakit.
Naisip ni Yuuta na ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Chuunibyou si Rikka ay dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang ama.
Dahil dito ay sinamahan ni Yuuta si Rikka at nangako na hahanapin ang " eternal horizon " na kung saan ay pinaniniwalaan niya na makikita niya muli ang kanyang ama.
Dahil na rin doon ay unti unting nahulog ang loob ni Rikka kay Yuuta.
Antonio Horrilleno
Si Antonio Horrilleno ay naglingkod bilang mahistrado ng Kataas - taasang Hukuman ng Pilipinas.
Pangkalahatang halalan ng Pilipinas , 1992
Pilipinas.
Ang Halalan sa pagkapangulo , mga mambabatas at lokal na opisyal sa Pilipinas ay na ginawa noong Mayo 11 taong 1992.
Ito ang kauna - unahang pangkalahatang halalan sa ilalim ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas.
May tinatayang 80,000 kandidato ang tumakbo para sa 17,000 posisyon mula sa pangulo hanggang sa konsehal ng bayan.
Kahit pa pinapahintulutan ng Saligang Batas ng Pilipinas , si pangulong Corazon Aquino ay hindi tumakbo sa pagka - pangulo.
Nanalo ang retiradong heneral na si Fidel V. Ramos ng Lakas - NUCD bilang pangulo.
Ang halalang naganap noong 1992 na ang nanalong pangulo at pangalawang pangulo ay galing sa magkaibang partido.
Ang aktor na si Senador Joseph Estrada ang nanalo sa pagiging Pangalawang Pangulo.
Ayon sa mga probisyong pangtransisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas , 24 na Senador ang inihalal sa halalan.
Ang unang 12 Senador na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto ay magkakaroon ng anim na taong termino samantalang ang susunod na 12 Senador ay magkakaroon lamang ng tatlong taong termino.
Ang aktor at Pangalawang - Punong - bayan ng lungsod ng Quezon na si Vicente Sotto III ( kilala rin bilang Tito Sotto ) ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto sa pagka - Senador.
Ang nangungunang 12 nahalal na kandidato ay magsisilbi mula 30 Hunyo 1992 hanggang 30 Hunyo 1998 samantalang ang mga sumunod na 12 nahalal na kandidato ay magsisilbi mula 30 Hunyo 1992 hanggang 30 Hunyo 1995.
Insectivora
Ang Insectivora ay isang uri ng hayop mula sa Kaharian ng Mamalia.
Ang mga uring ito ay insekto ang mga kinakain at sila ay nagpapadede rin tulad ng tao.
Narito ang ilang mga hayop na nakaklasipika sa ilalim ng Insectivora.
Ekonomiks na pambayan
Ang ekonomiks na publiko , ekonomiks ng sektor na publiko , ekonomiks na pangmadla , o ekonomiks na pambayan ( Ingles : public economics o economics of the public sector ) ay ang pag - aaral ng patakaran ng pamahalaan sa pamamagitan ng lente ng kagalingan at karampatang ( equity o ekwidad ) pang - ekonomiya.
Sa antas nitong pinakasaligan , ang ekonomiks na pambayan ay nagbibigay ng isang balangkas para sa pag - iisip patungkol sa kung ang pamahalaan ay dapat ba o hindi dapat na makilahok sa mga pamilihang pang - ekonomika at sa kung hanggang saan ba ang gampanin nito.
Upang magawa ito , ginagamit ang teoriyang mikroekonomiko upang matantiya kung ang pamilihang pribado ay maaari talagang makapagbigay ng mahuhusay na mga resulta kapag wala ang pakikisangkot ng pamahalaan.
Likas na ang pag - aaral na ito ay kinasasangkutan ng pagsusuri ng pagbubuwis at mga gastos ng pamahalaan.
Ang paksang ito ay sumasaklaw sa maraming mga paksa na kinabibilangan ng mga pagkabigo ng pamilihan , mga pagkalabas ( mga eksternalidad ) , at ang paglikha at pagpapatupad ng patakaran ng pamahalaan.
Ang ekonimiks na pambayan ay nagbubuo magmula sa ekonomiks na pangkapakanan at talagang ginagamit bilang isang kasangkapan upang mapainam ang kapakanan ng lipunan.
Kabilang sa mga paraan at paksang pangmalawakan ang :.
Ang pagbibigay ng diin ay nasa mga paraang pampagsusuri at pang - agham at pagsusuring pangpamantayan at pang - etika ( normatibo at etikal ) , na maipagkakaiba magmula sa ideolohiya.
Ang mga halimbawa ng paksang nasasakop ay ang pagkakataon ng buwis , pagbubuwis na optimal , at ang teoriya ng kalakal na pangmadla.
Mary Ann Murphy
Si Mary Anne ay unang nakilala sa mga Pelikulang Agent at paboritong kapareha ng mga naglalakihang artista na tulad nina Jun Aristorenas , Jess Lapid , Eddie Fernandez at maging si Dolphy noong dekada 60s.
Aaron Yanga
Aaron Yanga ay ( ipinanganak noong 1992 sa Lungsod Angeles , Pampanga , Pilipinas ) ay isang aktor at modelo sa Pilipinas.
Pangakaraniwan siyang napapanood sa My Faithful Husband bilang Dante.
Siya ay kabilang sa Ecotourism search for modeling at kasama niya rito ang Pinoy Big Brother : Unlimited na si Mark Luz.
Kasalan ng magkaparehong kasarian
Ang kasalan ng magkaparehong kasarian ( o homosekswal na kasalan ) ay kasalan sa pagitan ng dalawang tao na magkapareho ang kasarian at / o pagkakakilanlang sekswal.
Minsang tinatawag na pantay na kasalan ang legal na pagkilala sa homosekswal na kasalan ng mga sumusuporta dito.
Unang ipinahintulot sa batas ang homosekswal na kasal sa modernong panahon noong naunang dekada ng ika - 21 siglo.
Pinapayagan ang mga homosekswal na kasalan sa labing anim na bansa ( Argentina , Belgium , Brazil , Canada , Denmark , France , Iceland , Netherlands , New Zealand , Norway , Portugal , Spain , South Africa , Sweden , United Kingdom , Uruguay ) at ilang mga pambansang awtoridad ( bahagi ng Mexico at US ).
Sa Enero 2015 naman maipapatupad ang batas ukol sa homosekswal na kasalan sa Luxembourg.
Nagpapakita rin na may pagtaas ng suporta para sa legal na pagkilala dito mula sa lahi , edad , relihiyon at estado ng buhay.
Sari - sari ang pagpapakilala sa mga batas ukol sa kasal ng magkaparehong kasarian batay sa hatol , ito ay naipapatupad sa pamamagitan ng lehislatibong pagbago sa batas ng pag - aasawa , sa pasya ng korte batay sa konstitusyonal na akda o sa pamamagitan ng boto ng karamihan.
Politikal , pansosyal , panrelihiyon at pangkarapatang suliranin ang homosekswal na kasalan at ito ay isang suliranin maraming bahagi ng mundo kung saan patuloy pa rin ang debate kung maari bang ipatupad ang ganitong klase ng kasalan.
Ang kasal ng magkaparehong kasarian ay maaring magbigay ng suporta mula sa gobyerno sa mga mag - asawang nagbabayad ng buwis , gaya lang ng karaniwang pag - aasawa.
Ito rin ay nagbibigay ng legal na proteksyon kagaya ng pagmamana at pagbisita sa ospital.
Sinasabi ng mga eksperto na ang pinansiyal , sikolohikal at pisikal na kalagayan ay naitataas ng pag - aasawa at ang mga batang naaalagaan ng mag - asawang pareho ang kasarian ay nakikinabang sa pag - aaruga ng dalawang magulang.
Sinasabi rin sa mga dokumentong isinaayos ng mga asosasyong pang - agham sa Amerika na ang pagkawala ng karapatan ng mga bakla na mag - asawa ay nag - aanyaya ng pampublikong diskriminasyon laban sa kanila.
Sinasabi naman ng American Anthropological Association na hindi sinusuportahan ng pag - aaral sa lipunan ang pananaw na umaasa ang sibilisasyon o kaayusan sa hindi pagkilala sa homosekswal na kasal.
Maaaring magkaroon ng homosekswal na kasalan sa loob ng seremonyang sibil o sa banal na seremonya.
Maraming mga nananampalatayang komunidad sa buong mundo na sumusuporta sa homosekswal na kasalan.
Ilan dito ay ang Buddhism sa Australia , ang Church of Sweden , Conservative Judaism , U.S.
Episcopalians , Humanistic Judaism , Native American religions , Druidism , Metropolitan Community Church , Quakers , Reconstructionist Judaism , Reform Judaism , Unitarian Universalists , ang United Church of Canada , ang United Church of Christ , at Wiccans , pati na rin ang iilang progresibo at modernong relihiyon gaya ng Kristiyanismo , Muslim , Hindu , Buddhism , at mga grupong Hudyo.
Anyang
Ang Anyang ( Tsino : An Yang ; Tsino : An Yang ; pinyin : Anyang ) ay isang lungsod na may antas na prefecture sa lalawigan ng Henan , Republikang Popular ng Tsina.
Saburo Tokito
Si Saburo Tokito ( Shi Ren San Lang , Tokito Saburo ) ( 4 Pebrero 1958 - ) ay isang artista sa bansang Hapon.
Papa Juan XXII
Si Papa Juan XXII ( 1244 - 4 Disyembre 1334 ) na ipinanganak na Jacques Dueze ( o d 'Euse ) ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 7 Agosto 1316 hanggang sa kanyang kamatayan.
Siya ang ikalawang papa ng Kapapahang Avignon na inihalal ng isang konklabeng pampapa sa Lyon na tinipon ng kapatid ni Louis X ng Pransiya na si Felipe , Konde ng Poitiers at kalaunang naging Haring Felipe V ng Pransiya.
Gaya ng kanyang predesesor , kanyang sinentralisa ang kapangyarihan at sahod ng kapapahan ng Katoliko at namuhay ng buhay prinsipe sa Avignon , Pransiya.
Kanyang sinalungan ang mga patakrang pampolitika ni Louis IV bilang Banal na Emperador Romano na nagtulak kay Louis na sakupin ang Italya at ilagay ang Antipapa Nicholas V. Si Juan XXII ay naharap sa kontrobersiya sa kanyang teolohiya na kinasasangkutan ng kanyang mga pananaw sa Pangitaing Beatipiko at pagsalungat sa pagkaunawang Pransiskano ng pagiging dukha ni Kristo at mga apostol.
Siya ang nagkanonisa kay Thomas Aquinas.
Janet McTeer
Si Janet McTeer ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
Ika - 38 hilera sa hilaga
Mapa ng lahat ng mga koordinato mula sa Bing.
Ang ika - 38 hilera sa hilaga o ika - 38 paralelo sa hilaga , na nakikilala sa Ingles bilang 38th parallel north o 38th parallel lamang ( literal na ika - 38 paralelo norte ) ay isang bilog ng latitud na 38 mga degri sa hilaga ng pantay na ibabaw ng ekwador.
Tumatawid ito sa Europa , Dagat Mediteraneo , Asya , Karagatang Pasipiko , Hilagang Amerika , at Dagat Atlantiko.
Ang ika - 38 hilera sa hilaga ang bumubuo sa hangganan na nasa pagitan ng Hilagang Korea at ng Timog Korea bago pa man naganap ang Digmaang Koreano.Sa latitud na ito , ang araw ay makikita sa loob ng 14 na mga oras at 48 mga minuto habang nagaganap ang solstisyo ng tag - araw at 9 na mga oras at 32 mga minuto habang nagaganap ang solstisyo ng taglamig.
Wikang Yukpa
Ang Yukpa ay isang wikang sinasalita sa Venezuela.
Pagsamba ng mga pastol
Ang Pagsamba ng mga pastol o Adorasyon ng mga pastol ay isang tagpuan sa pagsilang ni Hesus , partikular na sa sining , kung saan naging malapit na mga saksi ang pangkat ng mga pastol ( o pastor ng mga tupa ) matapos ang pagkakaluwal batang Hesus sa kaniyang pook na pinagsilangan.
Karaniwang itong nilalarawan na nasa isang bangan o tambubuong - lugar na pinaglalagakan ng mga hayop sa bukid o pastulan - na malapit sa Belen o Betlehem ( binabaybay ding Bet - lehem ).
Ibinatay ito sa paglalahad na nakasulat sa Ebanghelyo ni Lukas ( Lukas 2 : 8 - 20 ) na hindi mababasa sa iba pang mga Ebanghelyo ng Bagong Tipan ng Bibliya.
Sa Ebanghelyo ni Lukas , isinasalaysay na nagpakita ang isang anghel sa isang pangkat ng mga pastol at nagbalitang isinilang na si Kristo sa Betlehem.
Pagkaraan inilahad pa ni San Lukas na isang hukbo ng mga anghel na nagbubunyi ng mga katagang " Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan at kapayapaan sa lupa sa mga taong kinalulugdan niya.