text
stringlengths
0
7.5k
 i N  4   U C C d d & & 5 5 5 ! ! * *  O $ $ 0 0 W F  X t

 (  (  U        D Y
       P    & & 3 3       D  M B   B     )  ,!
" " -# # ^$ % % ' "( `) ) 4* * , , ^- . / Q0 0 1 l2 23 4 5 u5 v6 7 7 8 ;9 : : ; +< <   > ? ?  pA MB B C C D D E F |F G G H I I I J K K L M N O Q Q JR R S
T T cU %V sV .W W ^X eY aZ Z [ \ ] ^ ^ _ .` %a /b b c d f f h i vj k l $m m Cn n o p Uq r r ls s 4t t \u v w My y fz { { | B} 8~ ~   , t   b       Q   f  s 1       V  6  u  F     [      ;  S   ~     o   -   Q   7   X
 G z W  U    D &    u R   `  ]  g  : o   e  Gitnang Silangan
Ang Gitnang Silangan ay isang rehiyong makasaysayan at pangkultura sa Aprika - Eurasya na tinuturing sa tradisyon bilang ang mga bansa o rehiyon ng Timog - kanlurang Asya kasama ang Ehipto.
Sa ibang konteksto , kabilang sa rehiyon ang ilang bahagi ng Timog Aprika at / o Gitnang Asya.
Hindi sinasali sa sa pangkalahatan ang Pakistan at ang Caucasus sa rehiyong ito.
Sa Kanlurang mundo , kadalasang tinuturing ang Gitnang Silangan bilang isang lugar na karamihan ay mga Islam at Arabong komunidad.
Bagaman mayroon ang lugar ng mga kakaibang kultural at etnikong mga grupo , kabilang ang mga Arab , Assyrian , Azeris , Berbers , Chaldean , Druze , Griyego , Hudyo , Kurdi , Maronita , Persa ( Persian ) at Turko.
Kabilang sa mga pangunahing mga wika sa grupo ang : Arabo , Asiryo ( kilala din bilang Arameo at Siryano ) , Hebreo , Persa ( Persian ) , Kurdi , at Turko.
Karamihan sa mga kahulugan ng " Gitnang Silangan " - - pareho sa aklat reperesya at karaniwang gamit - - ang mga rehiyon sa ' mga bansa sa Timog - kanlurang Asya , mula sa Iran ( Persiya ) hanggang sa Ehipto '.
Kadalasang sinasama ang Ehipto , kasama ang kanyang Tangway ng Sinai , sa ' Gitnang Silangan ' , bagaman nasa Hilagang Aprika ang karamihan ng bansa.
Ang mga bansang walang kaugnayan sa Asya katulad ng Libya , Tunisia at Moroko , ay tinatawag na sa kadalasan bilang mga bansang Hilagang Aprika - - salungat sa Gitnang Silangan ( Iran hanggang Ehipto - Asya ) - - ng mga internasyunal na midya.
Isa sa malaganap na kahulugan ng " Gitnang Silangan " ang ginagamit ng industriyang airline , na pinapanatili ng IATA standards organization.
Kabilang sa kahulugan na ito - - noon pang 2006 - - ang Bahrain , Ehipto , Iran , Irak , Israel , Jordan , Kuwait , Lebanon , Mga Teritoryong Palestino , Oman , Qatar , Saudi Arabia , Sudan , Siryanong Arabong Republika , United Arab Emirates , at Yemen.
Ginagamit ang kahulugan na ito sa internasyual na pamasahe sa eroplano at pagtuos ng buwis para sa mga pasahero at kargamento.
Mga Digmaang Puniko
Ang mga Digmaang Puniko ( Ingles : Punic Wars ) ay isang serye o magkakasunod na tatlong digmaan sa pagitan ng Roma at Kartago noong 264 hanggang 146 BK , at maaaring ang pinakamalaking mga digmaan sa sinaunang mundo.
Kilala sila bilang Digmaang Puniko ( Punic Wars ) dahil sa Punici ang taguri sa Kartaheno ( Carthaginian ) na nangangahulugang mas matandang Poenici , mula sa kanilang mga ninunong Poenisyano ( o Phoenician ng Phoenicia ).
Nagmula ang puniko sa salitang " punicus " na siyang taguri ng mga Romano sa mga Poenisyano.
Nangyari ang Unang Digmaang Puniko noong 264 - 241 BK at nito ay ang mahigpit na katunggali ng Roma ang Kartago sa kalakalan at panganib ang kapangyarihan nito sa mga kaalyado ng Roma sa timog ng Italya.
Nagwagi ang mga Romano.
Nakamit nila ang Sisilya na siyang naging unang lalawigan ng Roma na hindi kabilang sa tangway ng Italya.
Seno ng Sityum
Si Seno ng Sityum o Senon ng Sityo ( Ingles : Zeno of Citium , kilala rin bilang Zeno Apathea ; Kastila : Zenon de Citio , el Estoico ) ( 333 BK - 264 BK o 235 BK ) ay isang pilosopo.
Naging mag - aaral siya ni Carates ng Tebes , na siyang pinakabantog na siniko noong panahong iyon.
Si Seno ng Sityo ang nagpasimula ng Istoikong paaralan ng pilosopiya o Istoisismo.
Itinuro niya na matatagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng kawalan ng kasarapan at hapdi.
Binansagan siyang Ang Istoiko.
Francine Prieto
Si Francine Prieto ( totoong pangalan : Anna Marie Falcon ) ay isang aktres na Pilipina.
Ipinanganak si Francine Prieto noong Setyembre 17 , 1980.
Taga - Norway ang kanyang ama at Pilipina ang kanyang ina.
Nang naghiwalay ang kanyang mga magulang , ikinasal muli ang kanyang ina sa isang Pilipino.
Isa si Francine sa limang anak ng kanyang ina.
Noong sampung taong gulang si Prieto , gumanap siya sa dramang pantelebisyon sa ABC 5 na pinamagatang Criselda.
Sumali si Prieto noong 2003 sa Bb.
Pilipinas at bagama 't hindi siya nagwagi , nadiskure naman siya ng tagapangasiwa ng mga artista na si Ces Evangelista.
Di kalaunan ay naging artista si Francine Prieto sa pangangasiwa ng Seiko Films.
Ngunit tinaggihan ng puno ng Seiko Films na si Robbie Tan ang pangalang " Falcon " dahil kahawig nito ang pangalan na " Falcon : Agent X - 44 " , isang tauhan sa pelikula na ginampanan ng aktor na si Tony Ferrer.
Inimungkahi ni Robbie Tan ang pangalang " Francine Da Silva " nguni 't kahawig ito sa pangalan ng aktor na si Dennis Da Silva na nasangkot sa mga iskandalo noon.
Napagpasiyahan nila ang panagalang " Francine Prieto ".
Noong 2003 ay nagsimulang mag - modelo si Prieto para sa babasahing FHM.
Noong taong rin iyon siya gumanap sa pelikulang Liberated.
Sinundan ito ng Liberated 2 at binansagan si Francine Prieto na " Sensuality Queen ".
Gumanap din si Francine Prieto sa telebisyon sa telefantasyang Etheria bilang " Avria " at sa komedyang Bahay mo ba ' to bilang " Jingle ".
New England
Ang New England , o maaaring isalin nang literal bilang Bagong Inglatera , ay isang rehiyong pangheograpiya sa hilaga - silangang Estados Unidos.
Binubuo ito ng anim na mga estado sa bahaging iyon ng bansa : Connecticut , Maine , Massachusetts , New Hampshire , Rhode Island , at Vermont.
Hinahangganan ito ng estado ng New York sa kanluran at timog , at mga lalawigan ng New Brunswick at Quebec ng Canada sa bandang hilagang - silangan at hilaga.
Ang Karagatang Atlantiko ay nasa silangan at timog - silangan nito , habang nasa katimugan naman ang Long Island Sound.
Tinataya na may 14,727,584 katao ang rehiyon noong 2015.
Ang Boston ay ang pinakamalaking lungsod nito.
Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa rehiyon sa mga unang taon nito.
Ang mga estado ng New England ay may pinagsamang lawak na 71,991.8 milyang kuwadrado ( 186,458 km2 ) , mas - malaki nang bahagya sa estado ng Washington at mas - malaki sa Inglatera.
Ang mismong Maine ay bumubuo sa halos kalahati ng kabuuang lawak ng New England , subalit ito ang pantatlumpu 't - siyam ( 39th ) na pinakamalaking estado , mas - maliit nang bahagya sa Indiana.
Ang mga ibang estado ay kabilang sa mga pinakamaliit na estado sa Estados Unidos , kasama na ang Rhode Island na pinakamaliit na estado sa bansa.
Ayon sa mga pagtataya ng Census Bureau noong 2014 , ang mga pinakamalaking lungsod ng New England ay :.
Noong ika - 20 dantaon , ang paglawak ng urbano sa mga rehiyon na lumilibot ng Lungsod ng New York ay naging mahalagang impluwensiya ng ekonomiya sa kalapit na Connecticut , kung saan kabilang ang mga bahagi nito sa New York Metropolitan Area.
Ibinukod ng U.S.
Census Bureau ang mga kondado ng Fairfield , New Haven at Litchfield sa kanlurang Connecticut kasama ang Lungsod ng New York , at mga ibang bahagi ng New York at New Jersey bilang isang combined statistical area.
Casiciaco Recoletos Seminary
Ang Casiciaco Recoletos Seminary ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Lungsod ng Baguio , Benguet , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1967 at kasalukuyang pinamumunuan ni Rev. Fr.
Bernard C. Amparado , OAR.
Partido Marxista - Leninista ng Nicaragua
Ang Partido Marxista - Leninista ng Nicaragua ( Partido Marxista - Leninista de Nicaragua ) ay isang partidong pampolitika komunista sa Nicaragua.
Si Isidro Tellez ang pinuno ng partido.
Sa halalang pamparlamento ng 1984 , nagtamo ng 2 upuan ang partido.
Nakakakuha ng 8135 boto ( 0.6 % ) si Isidro Tellez noong halalang pampangulo ng 1990.
Inilalathala ng partido ang Prensa Proletaria.
Adiksiyon
Ang adiksiyon o pagkakagumon , na tinatawag ding pagkasugapa o pagkakalulong , ay ginagamit sa maraming mga diwa o mga konteskto upang ilarawan ang obsesyon , kompulsiyon , o labis na pagsandig o pagpapasailalim na sikolohikal , katulad ng : pagkakalulong sa bawal na gamot halimbawa na ang alkoholismo , pagkakalulong sa nikotina , suliraning pagsusugal , krimen , salapi , labis na pagtatrabaho , kompulsibong pagkain , adiksiyon sa kompyuter , pagkagumon sa larong bidyo , pagkahumaling sa pornograpiya , adiksiyon sa panonood ng telebisyon , at iba pang uri ng matinding pagkahaling , sobrang pagkahumaling , o labis na pagkahilig sa katulad na mga bagay.
Sa terminolohiyang medikal , isang neurobiyolohikong kagusutang kroniko ang kalulungan , kagumunan , kasugapaan , o labis na kahumalingan , na may mga dimensiyong henetiko , sikososyal , pampaligid , at nilalarawan ng isa sa mga sumusunod : ang patuloy na paggamit ng isang sustansiya sa kabila ng nakakapinsalang mga epekto nito , huminang kontrol o taban dahil sa paggamit ng gamot ( ugaling mapilit o kaasalang kompulsibo ) , at preokupasyon o pagiging abala ng isipan sa paggamit ng gamot para sa mga layuning hindi para sa panggagamot o pagtanggap ng lunas , na sa madaling sabi ay ang paghahangad , paghahanap , at pangangailangan ng gamot.
Dagat Pula
Ang Dagat Pula ( Ingles : Red Sea ) ay unang tumukoy sa serye o sunud - sunod na mga lawa at latiang nasa pagitan ng ulo ng Golpo ng Suez at ng Mediteraneo , ang rehiyong malawakang itinuturing bilang pook o sityo ng mga kaganapan nilalarawan sa kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo ng Lumang Tipan sa Bibliya.
Ginamit din ito dati bilang designasyon o katawagan para sa mismong Golpo ng Suez , at maging para sa Golpo ng Aqaba.
Isa ang Dagat Pula sa apat na mga dagat na pinangalanan mula sa mga kulay - - ang iba pa ay ang Dagat Itim , ang Dagat Puti , at ang Dagat Dilaw.
Hiblang mineral
Ang hiblang mineral o pibrang mineral ( Ingles : mineral fiber ) ay isang uri ng hibla o pibrang ginawa ng tao.
Isa itong mineral na nasa tipon ng mga metal o salamin.
Kinakalakal ito sa ilalim ng tatak na Fiberglas , at pangunahing ginagamit sa paggawa ng mga kurtina , mga pansala , mga telang pangkurtina o panglaylay , mga materyal na hindi tinatablan ng apoy , mga mababahong amoy , at mga kulisap.
Kuhol
Ang suso o kuhol ( Ingles : snail ) ay maluwag na tumutukoy sa lahat ng kasapi sa klaseng mollusca ng Gastropoda na kadalasang mayroong matigas at paikot na mga kabibe.
Matatagpuan ang mga kuhol sa halos lahat ng dako ng daigdig , sa kalupaan , sa tubig - tabang , at sa karagatan.
Ang lalong marami ng mga kuhol ay gumagalaw sa pamamagitan ng kanilang makalamnang paa , na siyang pinadudulas ng uho.
Ang makalamnang galaw na ito 'y madaling makita , lalo na kapag ang kuhol ay umaakyat sa isang salamin.
Mabagal gumalaw ang kuhol.
Ang pampadulas na uhong ginagamit ng yaon ay ginagamit upang mabawasan ang pagkiskis nito sa kinagagalawan.
Tumutulong din ang uho upang maiwasan ng kuhol ang karamihan ng mga pinsalang dulot ng matatalim na kagamitan.
Marami sa mga kuhol , at lahat ng kuhol panlupa 'y may kapwa panlalaki at pambabaeng kasangkapang pamparami.
Nangagsisigawa ang kani - kanilang mga katawan ng kapwa isperma 't itlog.
Ang iilan nama 'y may magkakaibang mga kasarian.
Kinakaya nang magparami ng lalong marami ng mga kuhol sa katandaang isang taong gulang.
Ang kuhol ay madalas na linalarawang sagisag ng katamaran , kabagalan , at kabatugan.
Sa wikang Ingles , ang snail mail ( snail - kuhol , mail - sulat ) ay nangangahulugan ng paggamit ng karaniwang lingkurang postal ng mga sulat , di tulad ng E - mail na siyang napapadala ng saglitan.
Paboreal