text
stringlengths
0
7.5k
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Bugtong
Ang bugtong , pahulaan , o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan ( tinatawag ding palaisipan ang bugtong ).
May dalawang uri ang bugtong : mga talinghaga o enigma , bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong , mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma - alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay - nilay para sa kalutasan , at mga palaisipan ( o konumdrum ) , mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino , nilalarawan nito ang pag - uugali , kaisipan , pang - araw - araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Bilang isang maikling tula , madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Sa pagsisimula ng isang bugtong sa wikang Tagalog , karaniwang sinasabi muna ang katagang " bugtong - bugtong " bago sabihin ang aktuwal na bugtong at madalas itong may tugma.
Isang halimbawa ang sumusunod :.
Bugtong - bugtong , Hindi hari , hindi pari ang suot ay sari - sari.
Sagot : Sampayan.
Rasha Mae Manantan
Si Rasha Mae Manantan ay isang artista sa Pilipinas.
Pambansang utang
Ang pambansang utang , na tinatawag ding utang ng pamahalaan , utang ng madla , o utang ng publiko ( Ingles : government debt , public debt , o national debt ) ay ang utang , pagkakautang , o kautangan ( huwag ikalito sa pautang ) ng pangunahing pamahalaan , na kadalasang umiiral o nagaganap kapag umuutang o humihiram ng salapi o pera ang pamahalaang ito.
Karaniwang itong naisasagawa sa pamamagitan ng mga bono ng gobyerno.
Kabilang sa mga layunin ng pag - utang ng pamahalaan ang matustusan ang mga pagawaing - bayan o pagawaing pambansa , at upang maabot ang mga emerhensiyang tulad ng panahon ng digmaan.
Tinatawag na pangmadlang utang o utang na pampubliko ang pinagsamang pambansang kautangan at ang mga pagkakautang ng mga lokal na pamahalaan.
Daang Liberty ( paglilinaw )
Ang Daang Liberty , literal na " Daan ng Kalayaan " , ay maaaring tumukoy sa :.
Soplaviento
Ang Soplaviento ay isang bayan sa Kolombiya.
Almir Moraes Andrade
Si Almir Moraes Andrade ( ipinaganak Mayo 11 , 1973 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Gomez Plata
Ang Gomez Plata ay isang bayan sa Kolombiya.
Bistro
Ang bistro ay isang uri ng maliit na restaurante , bar , o klub ( klab ) na panggabi ( naytklab ).
Sa orihinal na Parisyanong kahulugan nito , isa itong maliit na kainang naghahain ng hindi kamahalan ang halagang mga payak na pagkain habang nasa loob ng hindi maluhong tagpuan.
Pangkaraniwan ang mga pagkaing niluto ng mabagal lamang katulad ng mga iginigisa , ipiniprito , o inilalagang may takip.
Bantayog ng Lakas ng Bayan
Ang People Power Monument ( Ingles para sa Bantayog ng Lakas ng Bayan ) ay isang eskultura ng People Power Revolution na naganap noong 1986 sa EDSA at White Plains Avenue sa Lungsod ng Quezon , Pilipinas.
Ginawa ito ni Eduardo Castrillo noong 1993 , na umabot sa 0.89 mga kilometro mula sa dambana ng EDSA , isa pang monumentong ginawa ito upang ipanalo ang demokrasya.
Kiwi
Ang kiwi ay maaring tumukoy sa mga sumusunod :.
Colegio de Santo Nino de Jasaan
Ang Colegio de Santo Nino de Jasaan ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Jasaan , Misamis Oriental , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1972 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Tarcisio G. Absin.
Buro ( paglilinaw )
Ang buro ay maaaring tumukoy sa :.
Winter Sonata
Ang Winter Sonata ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
Nefertiti
Si Nefertiti ( binibigkas noong panahong iyon na parang nafrati:ta ) ( c.
1370 BK - c.
1330 BK ) ay ang Dakilang Maharlikang Asawa ( punong konsorte ) ng Paraong Akhenaten ng Ehipto.
Kilala si Nefertiti at ang kanyang asawa sa pagpapalit ng relihiyon sa Ehipto mula sa politeismo patungo sa monoteismo.
Naniniwala sila sa iisang diyos , si Aten.
Si Nefertiti ay may maraming mga pamagat kabilang ang Nagmamanang Prinsesa ( iryt - p`t ) ; Dakila sa mga Papuri ( wrt - hzwt ) ; Babae ng Biyaya ( nbt - im3t ) , Tamis ng Pag - ibig ( bnrt - mrwt ) ; Babae ng Dalawang mga Lupain ( nbt - t3wy ) ; Pangunahing Asawa ng Hari , ang kanyang minamahal ( hmt - niswt - ' 3t meryt.f ) ; Dakilang Asawa ng Hari , kanyang minamahal ( hmt - niswt - wrt meryt.f ) , Babae ng Lahat ng mga Babae ( hnwt - hmwt - nbwt ) ; at Babae ng Itaas at Ibabang Ehipto ( hnwt - Shm ' w - mhw ).
Bagaman isang " banyagang prinsesa " sa Ehipto si Nefertiti , kahawig niya ang kanyang asawang si Akhenaten.
Maaaring kapatid na babae siya ni Akhenaten , sapagkat may gawi ang mga sinaunang hari ng Ehiptong pakasalan ang kanilang mga babaeng kapatid.
Napag - alamang magkamukha ang dalawa sapagkat may ilang mga istatuwa ng kanilang mga ulo o busto ng wangis ng kanilang mukhang natagpuan sa mga guho ng Akhetaton , ang kabisera ni Akhenaten na kilala sa kasalukuyan bilang Tell el - Amarna.
Sa panahon ng paghahari ni Akhenaten , hinikayat niyang ang mga tagapaglilok na gumawa ng mga rebultong kamukha ng taong may buhay , sa halip na mga maka - estilong anyong nakagawain sa sinaunang Ehipto.
Tinulungan ni Nefertiti si Akhenaten sa kanyang mga makapampananampalatayang mga seremonya.
Nagkaroon sila ng anim na mga anak na babae.
Isa sa mga anak nila , si Meritaten , ang naging asawa ng kapalit ni Akhenaten na si Smenkhkare.
Sa napinsalang libingan ( TT188 ) ng butler ng hari , ang bagong haring si Amenhotep IV ay sinamahan ng babaeng maharlika na pinaniniwalaang ang maagang paglalarawan kay Nefertiti.
Ang hari at reyna ay pinapakitang sumasamba kay Aten.
Sa libingan ng vizier na si Ramose , si Nefertiti ay pinapakitang nakatayo sa likod ni Amenhotep IV sa Bintana ng Paglitaw sa isang gantimplang seremonya para sa vizier.
Sa mga simulang taon ni Akhenaten sa Thebes na kilala pa rin bilang Amenhotep IV , siya ay nagtayo ng ilang mga templo sa Karnak.
Ang isa sa mga istrukturang Mansiyon ng Benben ( hwt - ben - ben ) ay inilaan kay Nefertiti.
Sa ikaapat na taon ng paghahari ni Amenhotep IV , kanyang pinagpasyahang ilipat ang kabisera sa Akhetaten ( modernong Amarna ).
Sa kanyang ikalimang taon , opisyal na pinalitan ni Amenhotep IV ang kanyang pangalan sa Akhenaten at si Nefertiti ay mula nito nakilala bilang Neferneferuaten - Nefertiti.
Ang pagpapalit ng pangalan ay tanda ng papalaking kahalagahan ng Atenismo na pumalit sa politeistikong relihiyon ng Sinaunang Ehipsiyo.
Mga mga inskripsiyon sa mga libingan nina Huya at Meryre II na may petsang ika - 12 taon ng ika - 2 buwan ng Peret na ika - 8 araw na nagpapakita ng malalaking mga regalo ng dayuhan.
Ang mga tao ng Kharu ( sa hilaga ) at Kush ( sa timog ) ay pinapakitang nagdadala ng mga regalong ginto at mga mahahalagang bagay kina Akhnaten at Nefetiti.
Sa libingan ni Meryre II , ang mag - asawang maharlika ay pinapakitang nakaupo sa kiosk kasama ng kanilang mga anim na anak na babae.
Ang taong 12 ang isa sa mga huling panahon na ang kanilang anak na prinsesang si Mekataten ay pinapakitang buhay.
Siya ay maaaring namatay noong taong 13 o 14.
Si Nefertiti , Akhenaten at kanilang tatlong mga prinsesa ay pinapakitang nagluluksa kay Meketaten.
Sa panahon ni paghahari ni Akhenaten at marahil ay pagkatapos , si Nefertiti ay nagtamasa ng walang katulad na kapangyarihan.
Ang stela ng kapwa paghahari ay nagpapakita sa kanya bilang kapwa - hari ng kanyang asawa.
Sa ikalabingdalawang taon ni Akhenaten may ebidensiya na siya ay itinaas sa katayuan ng kapwa - hari na katumbas ang katayuan sa paraon.
Sa ikalabingapat na paghahari ni Akhenaten , si Neferititi ay naglaho mula sa rekord na historikal.
Ang mga teoriya ay kinabibilangan ng biglaang kamatayan sanhi ng salot na nangyari sa siyudad o isang natural na kamatayan.
Ang teoriyang ito ay batay sa mga pragmentong shabti na ininskriba para kay Nefertiti.
Ang nakaraang teoriya na siya ay nawalan ng karangalan ay napamali dahil ang mga sinadyang pagbubura ng mga monumento na kabilang sa reyna ni Akhenaten ay naipakitang tumutukoy kay Kiya.
Posibleng si Nefertiti ay kinikilala bilang ang pinunong si Neferneferuaten.
Ang ilang mga teoriya ay nagmungkahi na si Nefetiti ay buhay pa rin at nagkaroon ng impluwensiya sa mas batang mga hari.
Kung ito ang kaso , ang impluwensiya at pinagpapalagay na buhay ni Nefertiti ay nagwakas sa ikatlong taon ng paghahari ni Tutankhaten ( 1331 BCE ).
Sa taong iyon , pinalitan ni Tutankhaten ang kanyang pangalan sa Tutankhamun.
Ito ang ebidensiya ng kanyang pagbabalik sa opisyal na pagsamba kay Amun at paglisan sa Amarna upang ibalik ang kabisera ng Ehipto sa Thebes.
Karga ng kuryente
Ang karga ng kuryente o sibasib ng kuryente ay ang payak na katangiang - pagaari ng mga elektron , mga proton , at iba pang mga partikulong sub - atomiko.
Ang mga elektron ay may kargang negatibo o negatibong sibasib habang ang mga proton ay may kargang positibo.
Ang mga bagay na may kargang negatibo at mga bagay na may positibong karga ay humahatak o humihila ( umaakit ) sa isa 't isa.
Dahil dito , nagdidikit - dikit ang mga elektron at mga proton upang bumuo ng mga atom.
Ang mga bagay na may makapareho o magkatulad na karga ay nagtutulak na papalayo ( tumatanggi ) sa isa 't isa.
Tinatawag itong Batas ng mga Karga o Batas ng mga Sibasib.
Natuklasan ito ni Charles Augustin de Coulomb.
Ang batas na naglalarawan kung paano malakas na hinihila at tinutulak ng mga karga ang bawat isa ay ang Batas ni Coulomb.
Grapikong bektor
Ang grapikong bektor , o bektor grapiks ( Ingles : vector graphics ) , ay ang paggamit ng mga poligon upang magrepresenta ng mga imahen sa mga grapikong pangkompyuter ( computer graphics ).
Ang mga grapikong bektor ay nakabatay sa mga bektor , na dumadaan sa mga lokasyong tinatawag na control points o nodes.
Ang bawat isa sa mga puntong ito ay may tiyak na posisyon sa x at y na aksis ng work plane at nagdedetermina sa direksiyon ng path ; kung papalalimin pa , ang bawat path ay maaaring takdaan ng iba 't ibang atribyut kabilang ang mga balyu tulad ng kulay ng stroke , hugis , kurba , kapal , at fill.
Bong Revilla
Si Jose Marie Mortel Bautista ( ipinanganak 25 Setyembre 1966 ) , mas kilala bilang Ramon " Bong " Revilla , Jr.
, o Bong Revilla , ay isang Pilipinong artista , politiko , at dating naging Senador ng Pilipinas.