text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Sa likod ng tuluy - tuloy na ngiti ni Natsume ay nagtatago ng pagkabata na ginugol sa patuloy na pagkabalisa at kahihiyan : nabigyan ng pantay na mga bahagi ng ayakashi at ang mga tao na tumawag sa kanya ng isang sinungaling at naghahanap ng pansin dahil sa kanila.
|
Sa kalaunan ay naipasa si Natsume sa Fujiwaras , isang nasa katanghaliang - gulang na mag - asawa sa panig ng pamilya ng kanyang ama.
|
Gustung - gusto niya ang mga ito , at ayaw niyang maging sanhi sila ng problema , kaya pinanatili niya ang problemang ito ' alternate landscape ' sa kanyang sarili.
|
Siya ay may napakalaking espirituwal na kapangyarihan , na pinahintulutan siyang aktuwal na sinaktan at sasaktan ang yokai.
|
Si Natsume ay inilarawan sa pamamagitan ng Yuki Midorikawa bilang " isang batang lalaki na sinusubukan na maging isang mabait na tao.
|
" Naibalik ni Natsume ang pangalan na nakasulat sa Aklat ng Mga Kaibigan sa pamamagitan ng unang larawan ng isakashi sa kanyang isipan.
|
Ang aklat ay bumabagsak sa pahina kung saan isinulat ang pangalan at kinuha ni Natsume ang pahina at inilalagay ito sa kanyang bibig at huminga nang palabas.
|
Magagawa lamang ito ni Natsume dahil siya ay kamag - anak ng dugo ni Reiko.
|
Gayunpaman , ang halaga ng pagpapalabas ng pangalan ay ang lakas ng Natsume ay lubos na pinatuyo sa proseso.
|
Kung ang isang ayakashi ay nagiging emosyonal na hindi matatag , Kung ang isang ayakashi ay nagiging emosyonal na hindi matatag , sa parehong espasyo ng isang natutulog na Natsume ang kanyang mga pangarap ay maaaring dumaloy kay Natsume.
|
Sa kabilang banda , ang karamihan sa mga ayakashi ay hinayaan ni Natsume na makita ang kanilang mga alaala , upang mas maunawaan niya ang mga ito.
|
Makikita rin ni Natsume ang kanilang mga alaala nang ilabas niya ang pangalan ng yokai.Kapag ganap na nabigo si Natsume sa isang problema at natutulog sa klase , talagang natutulog siya sa kanyang kuwaderno tungkol sa kung ano ang kinukutya sa kanya noong panahong iyon.
|
Nang siya ay hinabol sa pamamagitan ng isang anino tinawag niya na " Maria , " sinimulan niya ito sa pagtulog , na naguguluhan ang kanyang mga kaibigan kung siya ay nagmamahal sa isang dayuhan.
|
Ang kanyang napakalakas na kakayahan sa espirituwal na magic at lakas ay nakapagpahiwatig sa kanya na " masarap " sa pagkain ng yokai , gaya ng inilalagay ito ni Madara.
|
Ang malakas na espirituwal na kapangyarihan ni Natsume at ang kanyang matalas na pandama ay iniwan sa kanya na naka - target ng yokai at nais ng mga exorcist.
|
Sa simula ay nais ni Natori na sumali siya sa kanyang kapamilya bilang exorcist , ngunit mas pinipili siya sa ibang pagkakataon bilang isang kaibigan.
|
Si Matoba , isang malakas na exorcist , ay sinubukan ring i - recruit si Natsume sa angkan ng Matoba.
|
Ang disenyo ni Nyanko ay batay sa isang lucky cat statue na si Midorikawa ay ibinigay bilang isang bata.
|
Sa anime , si Natsume ay mas magalang kay Madara.
|
Maraming mga beses sa manga , ang ibang mga TAUHAN ay tinatawag si Madara bilang isang ' baboy ' dahil sa kanyang pag - ikot hugis bilang isang maneki neko.
|
Si Madara ay ipinahiwatig na nagkaroon ng isang malapit na relasyon kay Reiko , na kung saan ay ipinahiwatig na maging isa sa mga dahilan ay gusto niyang maging kasama si Takashi Natsume.
|
Agents : Wen Manong
|
Pagpapahayag ng kalayaan
|
Ang pagpapahayag ng kalayaan , na katumbas ng pagpapahayag ng independensiya , pagpapahayag ng kasarinlan , at pagpapahayag ng pagsasarili , ay isang pagpapahayag , proklamasyon , pagbabadya at pagsasaysay ng kalayaan at kasarinlan ng isang estado o mga estadong may mithiin at may hangaring pansarili.
|
Ang ganiyang mga pook ay karaniwang ipinapahayag mula sa bahagi o lahat ng teritoryo ng ibang bansa o nabigong nasyon , o isang tumiwalag o humiwalay na mga teritoryo mula sa loob ng isang mas malaking estado.
|
Hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay matagumpay at nagreresulta sa kalayaan mula sa mga rehiyong ito.
|
Ang ganiyang mga pagpapahayag ay karaniwang ginagawa na walang pahintulot ng kaugnay na estado o unyon ( kaisahan ) , kung kaya 't paminsan - minsang tinatawag na " sarilinang mga pagpapahayag ng kalayaan " , na nakikilala sa Ingles bilang unilateral declarations of independence ( dinadaglat bilang " UDI " ) , partikular na ng mga nag - uusisa at nag - aalinlangan sa pagiging katanggap - tanggap ng mga pagpapahayag.
|
Gallio ( VI )
|
Ang Galleo ( VI ) ay isang comune sa lalawigan ng Vicenza sa bansang Italya.
|
Tiktik
|
Ang mga detektib , tiktik , batyaw o sekreta ( Ingles : detective , secret service man ) ay isang uri ng imbestigador o espiya na nagsisiyasat hinggil sa mga pangyayaring kriminal.
|
Inaasahang sa proseso ng imbestigasyon na malalaman niya at maituturo kung sino ang tunay na gumawa ng krimen.
|
Tinatawag din itong tiktik o katiktik , na isang uri ng alagad ng batas at imbestigador , na maaaring kasapi sa ahensiya ng pulisya o isang taong pribado.
|
Tinatawag na pribadong imbestigador ( mga P.I. o " Pribadong I " , na pinanggalingan ng nilarong mga salitang " private eye " o " pribadong mga mata " ).
|
Sa hindi pormal na pangangahulugan , pangunahin na sa kathang - isip , ang detektib ay isang lisensiyado o walang lisensiyang taong lumulutas ng mga krimen , kasama na ang krimeng pangkasaysayan o historikal , o tumitingin sa mga tala o mga rekord.
|
Tinatawag din ang imbestigador bilang tagapagsiyasat , tagapaglitis , tagapag - usig , o tagapagsuri , na isang uri ng taong nag - iimbestiga hinggil sa mga pangyayaring kriminal at pook na pinangyarihan ng mga krimen.
|
Talaan ng mga munisipalidad sa Tennessee
|
Ang Tennessee ay isang estado na matatagpuan sa Katimugang Estados Unidos.
|
May 346 na mga nasapi ( o nainkorporadang ) munisipalidad sa estado.
|
Ang mga munisipalidad sa ay itinakda bilang mga " lungsod " o " bayan " , subalit walang pagkakaiba ang mga ito kung ibabatay sa batas ng estado.
|
Magmula noong 2010 , 3,564,494 na mga katao , o mga higit sa 56 % ng kabuuang populasyon ng estado na 6,346,105 , ay nakatira sa mga munisipalidad.
|
Ang natitira ay nakatira sa mga hindi nasaping pook.
|
Ilan sa mga munisipalidad sa Tennessee ay tinawag na mga " lungsod " ( " cities " ) at ang iba naman ay tinawag na mga " bayan " ( " towns " ).
|
Ang mga katawagang ito ay walang ligal na kahalagahan sa Tennessee at hindi magkaugnay sa populasyon , petsa ng pagtatatag , o uri ng kartang munisipalidad.
|
County seat Pakipindot ang kahong pamagat sa itaas ng kolum upang iayos ang talahanayan ayon sa kolum na iyon.
|
Sa ibaba ay ang dalawampung mga pinakamalaking munisipalidad sa Tennessee ayon sa populasyon noong 2000 :.
|
Antimonyo
|
Ang antimony o antimonyo ( baryant : antimonya ; Kastila : antimonio ) ay isang uri ng elementong kimikal na may sagisag na Sb ( Latin : stibium , may kahulugang " marka " ) at atomikong bilang na 51.
|
Bilang isang metaloyd , mayroon itong apat na alotropikong mga anyo o porma.
|
Isang matatag na anyo nito ang metaloyd na kulay asul - puti.
|
Hindi matatatag na mga hindi - metal ang dilaw at itim na mga antimonya.
|
Ginagamit ang antimonya sa hindi - pagtalab ng apoy sa isang bagay , sa mga pintura , sa mga seramika , sa mga enamel , sa malawak na mga sari ng mga aloy , sa elektroniks , at sa goma.
|
Siling labuyo
|
Ang siling labuyo o labuyo ( Ingles : wild chili ) ay isang uring - linang ( cultivar ) ng maliliit na sili na karaniwang makikita sa Pilipinas.
|
Ang iba pang lokal na tawag dito ay chileng bundok , siling palay , pasitis , pasite ( Tagalog ) , katumbal , kitikot , siling kolikot ( Bisaya ) , silit - diablo ( Ilocano ) , lada , rimorimo ( Bicolano ) , and paktin ( Ifugao ).
|
Ang halamang labuyo ay isang pangmatagalang halaman na may maliliit , maanghang at patulis na mga bunga , karaniwang 2 - 3 sa isang buko.
|
Ang mga bunga ng karamihang uri ay kulay pula , may ilang uri na kulay dilaw , lila o itim.
|
Sa mga supermarket sa Pilipinas , mayroon na ring mga pulang Thai pepper o siling bird 's eye na karaniwang pinapangalanang siling labuyo sa mga etiketa nito , subalit ang mga ito ay ibang uri ng sili ( espesyeng Capsicum annuum ) na nagmula sa Taiwan.
|
Sinasabing mas mahina ang taglay nitong anghang kumpara sa siling labuyo subalit mas pinipili ito ng mga magtitingi dahil mas mahaba ang tinatagal o shelf life nito.
|
Maliit man ang siling labuyo , nagtataglay naman ito ng matinding anghang.
|
Naitala ito dati bilang ang pinakamaanghang na sili sa Guiness Book of World Records hanggang sa natuklasan na ang iba pang mas maaanghang na mga uri ng sili.
|
Ang sukat ng anghang ng siling labuyo ay 80,000 - 100,000 yunit ayon sa Scoville scale subalit ito ay lubhang mababa kumpara sa sukat ng higit na maanghang na siling habanero.
|
Bagaman hindi pangunahing sangkap sa mga lutuing Pinoy , madalas pa rin naman itong ginagamit na pampaanghang sa ilang ulam.
|
Kadalasan din itong ginagamit sa suka para sa maanghang na sawsawan , ang mga dahon naman nito ay karaniwang ginagamit bilang gulay , gaya na lang sa lutong tinola.
|
Sa panggagamot , ang siling labuyo ay dating ginagamit bilang halamang lunas para sa pananakit ng buto , rayuma , impatso , kabag at sakit ng ngipin.
|
Maaari rin itong gamiting pantaboy ng insekto ( insect repellent ) o pamatay - insekto kapag inihalo sa tubig.
|
Wikang Omagua
|
Ang Omagua ay isang wikang sinasalita sa Peru.
|
Kulay
|
Ang mga kulay ( Ingles : colour ( UK ) o color ( US ) ; Kastila : color ) ay mga katangiang bahid ng mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao na maaaring matingkad o mapusyaw.
|
Nanggagaling ang kulay ng kalikasan mula sa sinag ng araw.
|
Pinaghihiwahiwalay ng bahaghari ang lahat ng mga sinag ng araw.
|
Makikita natin sa loob ng bahaghari ang kadalisayan ng bawat kulay.
|
Ang mga pangunahing kulay ( Ingles : mga primary color ) ay ang pula , dilaw at bughaw.
|
Nagmumula sa mga ito ang ibang mga kulay , sa pamamagitan ng pagsasama - sama ng dalawa sa kanila o ng mismong tatlong ito.
|
Mayroon ding tinatawag na mga magkakatugma , magkakatambal , magkakaparehas o magkakaternong kulay ( Ingles : mga complementary color ) , o ang mga kulay na hindi naglalaban bagkus ay nagtutulungan - lalo na kung magkakatabi - ang mga ito.
|
Kung titingnan ang gulong ng mga kulay , ang mga magkakaternong kulay na ito ay yung mga tuwirang nasa harapan ng bawat isa.
|
Ito ang mga nagtutulungan o magkakaibigang pares ng mga kulay sapagkat kapwa pareho ang lakas o dating nila kapag natingnan ng mga mata.
|
Magkaka - akma ang mga kulay na ito.
|
Halimbawa : kung titingnan ang isang gulong ng mga kulay , hindi kinakalaban ng pula ang katumbas nitong lunti , ang kakambal ng dilaw ay lila , samantalang katerno naman ng bughaw ang kahel.
|
Ipinapakita ng sumusunod na paglalarawan ang ugnayan ng mga magkakatugmang kulay :.
|
( pula at lunti ) ; ( lila at dilaw ) ; ( bughaw at kahel ).
|
Nakapag - uudyok ng damdaming pantao ang mga kulay : kasiyahan o kalungkutan , maging kainitan at kalamigan.
|
Kung kaya 't - ayon sa kultura , pananaw , pananampalataya , katangian , at katayuan sa buhay - nagsisilbing mga sagisag at mga palatandaan ang mga kulay.
|
Naging kaugnay ng dugo at apoy ang kulay na pula , samantalang ang inuugnay naman ang asul sa kalangitan , at ang berde sa mga dahon at damo.
|
Bilang mga sagisag , ginamit ng mga tao ang kulay bilang mga katumbas - kaisipan ( color association ) : naging simbolo ng mga maharlika ang kulay na lila , naging pangkaraniwang tanda ng kamatayan at lungkot ang kulay na itim , at ang puti naman bilang pananda ng kapurian at kagalakan.
|
Subalit may ibang mga kalinangan na kaiba ang takbo ng pag - uugnay na ito : may mga bansang naniniwalang ang puti ay simbolo ng kapighatian.
|
Para sa mga Tsino , hudyat ng pagdiriwang at kagalakan ang anumang may bahid na pula.
|
Samantalang para sa mga mamamayan ng Indiya , tanda ng kabanalan ang pula.
|
Ginagamit ng mga artistang pangsining at maging ng mga dalubhasa sa pagpapaganda ng panloob na kayarian ng mga gusali , at ng mga arkitekto ang katangiang - pandamdaming ito ng mga kulay.
|
Pinag - aaralan nila kung paano mapapaaliwalas ang loob at labas ng isang kabahayan o gusali.
|
Lila , Bohol
|
Ang Bayan ng Lila ay isang Ika - 5 na klaseng bayan sa lalawigan ng Bohol , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay ma populasyon na 10,322 sa may 1,723 na kabahayan.
|
Ang bayan ng Lila ay nahahati sa 18 na mga barangay.
|
Aklat ni Tobias
|
Ang Aklat ni Tobias o Aklat ni Tobit ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.
|
Kabilang ito sa mga deuterokanonikong aklat ng Bibliya.
|
Tungkol sa kasaysayan ng mag - anak ni Tobias , kilala rin bilang Tobit na anak ni Tobiel , ang librong ito.
|
Isang Israelita si Tobias na dating nanirahan sa hilaga ng Palestina.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.