text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Panahong PBA 1986
|
- 1985.
|
1987 -.
|
Ang Panahong PBA 1986 ay ika - labindalawang panahon ng Philippine Basketball Association.
|
Sa panahong ito unang lumahok ang koponang Alska Milk , matapos ng pansamantalang pagka - alis ng Magnolia sa liga.
|
Katas
|
Ang katas ay maaaring tumukoy sa :.
|
Heograpiya
|
Ang heograpiya ( mula sa Griyego geographia , geographia , literal na kahulugan : " paglalarawan sa daigdig " ) ay isang larangan ng agham na pinag - aaralan ang mga lupain , katangian , naninirahan , at hindi karaniwang bagay sa Daigdig.
|
Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na geographia ay si Eratosthenes ( 276 - 194 BC ).
|
Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas pagkakumplikado nito.
|
Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag - aaralan , ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.
|
Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay : heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal.
|
May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag - aaral ng tao at ang kanilang mga pamayanan , kalinangan , ekonomiya , at pakikipag - ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag - aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar.
|
Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman sa pag - aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera , hidrospera , biyospera , at heospera.
|
Sulat kay Timoteo
|
Ang mga Sulat kay Pedro ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
|
Mga aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya :.
|
Asasinasyon
|
Ang pagsasagawa ng isang asasinasyon , ayon sa The American Heritage Dictionary ay ang " pagpaslang o sinadyang pagpatay ( karaniwan na ng isang mahalagang tao ) sa pamamagitan ng isang biglaan at / o palihim na pag - atake , karaniwang para sa mga dahilan pampolitika.
|
Kabilang sa mga kahulugan ng asasinasyon ang mga sumusunod ( ang karamihan sa mga kahulugan ay isinalin mula sa Ingles na mga pananalita ) :.
|
Ang asasinasyon ay maaaring inuudyok ng mga motibong panrelihiyon , pang - ideolohiya , pampolitika , o pangmilitar ; maaari itong isagawa para sa pananaw na may pagkamal ng salapi o pagpatay na may kontrata , upang maipaghiganti ang isang hinaing , mula sa isang pagnanais upang makakuha ng katanyagan o kabantugan iyung isang pangangailangang sikolohikal upang magkamit ng pagkilalang pansarili at pampubliko , mula sa isang kahilingan makabuo ng isang uri ng " ugnayan " sa isang pigurang pampubliko , o mula sa kagustuhang mapatay o magsagawa ng pagpapatiwakal o pagpapakamatay dahil sa ginawang asasinasyon.
|
Aloe vera
|
Ang Aloe vera , kilala rin bilang aloeng medisinal o sabilang panggamot , ay isang uri ng mga halamang malalambot ( sukulente ) na pinaniniwalaang nanggaling sa hilagang Aprika.
|
Walang likas na pagusbong ang mga uring ito , ngunit may mga likas na tumutubong mga kamag - anak ng mga Aloe sa hilagang Aprika.
|
Kalimitang nilalarawan ang uring ito bilang isang halamang - gamot o yerba mula pa sa simula ng ika - 1 daantaong AD , dahil nabanggit ito sa Bagong Tipan sa Ebanghelyo ni Juan ( Juan : 19 : 39 - 40 ) sa mga katagang " Sumama sa kanya si Nicodemo , may dalang pabango - - - mga 100 libra ng pinaghalong mira at aloe ... " Subalit , malabo kung ito ngang A. vera ang nilalarawang aloe sa Bibliya.
|
Malawakang ginagamit ang katas ng sabila o Aloe Vera sa mga industriya ng kosmetiko ( mga pamahid na pampaganda ) at alternatibong medisina ( pamalit na panggagamot ) , na ibinebenta bilang produktong may nakapagpapasigla , nakabubuhay , nakapagpapagaling , at nakapagpapaginhawang mga katangian.
|
Ngunit mayroon kakaunting ebidensiya kung epektibo nga at ligtas ang paggamit ng katas ng Aloe Vera para sa mga layuning kosmetiko o panggagamot.
|
At kung anumang positibong katibayan ang mayroon , taliwas ito sa iba mga pag - aaral na isinagawa.
|
Sa kabila ng mga limitasyong ito , mayroong ilang mga paunang mga ebidensiyang maaaring magamit ang mga katas ng A. vera sa paggamot ng diyabetes at mataas na antas ng mga lipid sa tao.
|
Iniisip na dahil sa pagkakaroon ng mga kompawnd na tulad ng mga mannan , antrakinones , at lektin ang mga positibong epektong ito.
|
Sa tropikal na Aprika , ginagamit ito bilang isang pangontra o lunas laban sa mga sugat na dulot ng palasong may lason.
|
Kilala rin ito ng sinaunang mga Griyego at Romano , ginamit nila ito bilang pamahid ang malapot at mala - uhog o malagulamang katas ( musilaheno ) ng sabila sa mga sugat.
|
Sa katunayan , nirekomenda ito ni Pliny na gamiting pamahid sa mga may sugat na mga titi.
|
Paboritong pamurga rin ito noong Panahong Midyibal ( Gitnang Panahon ).
|
Sa Tsina , katulad ng sa Kanluraning mundo ang paggamit ng sabilang ito.
|
Sa Indiya , ginamit itong pampaginhawa at pampalamig na toniko.
|
Umabot sa Mga Kanlurang Indiya ( West Indies ) ang sabilang ito noong ika - 16 daantaon.
|
Sa tahanan , partikular na ginagamit ang helatina o malagulamang katas ng sabila para pang - emerhensiyang pamahid sa mga paso , sugat , at dagandang ( katim ).
|
Mainam din ito para sa mga panunuyo ng balat , partikular na ang eksema sa paligid ng mata at sensitibong balat sa mukha.
|
Ginagamit din ito bilang panlunas sa mga impeksiyong sanhi ng mga punggus ( halamang - singaw ) tulad ng ringworm ( buni ).
|
Sa Ayurbedikong panggagamot , isang mahalagang toniko ito para sa sobrang pitta ( apoy ).
|
Nagagamit ang mga dahon bilang isang malakas na pamurga sapagkat mainam ito sa mga korniko o talamak ( palagian at paulit - ulit ) na empatso.
|
Nakakapagpasigla ito ng daloy ng apdo at pagtunaw ng pagkain , kaya 't mainam na pampagana sa pagkain.
|
Dating kasangkapan ang katas nito , bilang pamahid sa kamay , para sa mga batang ayaw tumigil sa pagkagat ng mga daliri.
|
Naitatanim din ito bilang halamang panloob ng tahanan sa mga pook na may katamtamang klima.
|
Iniiwasang gamitin ang sabila kung panahon ng pagbubuntis dahil sa katangiang pampurga ( dahil sa nilalamang mga anthraquinone glycoside ) , upang hindi makunan.
|
Nakapagdurulot din ng pagsusuka ang labis na pagkonsumo nito.
|
GMA Mini Series
|
Ang GMA Mini Series ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.
|
Heneral Trias
|
Ang Lungsod ng Heneral Trias ( dating kilala bilang San Francisco de Malabon ) ay isang lungsod sa lalawigan ng Cavite , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2010 , ang bayan ay may kabuuang populasyon na 243,322.
|
Ang Bayan ng Heneral Trias ay nahahati sa 33 mga barangay.
|
Sean Morley
|
Si Sean Morley , higit na kilala bilang Val Venis o The Big Valbowski , ay isang profesyonal na wrestler na Canadian sa tatak RAW ng World Wrestling Entertainment ( WWE ).
|
Ipinanganak siya noong Marso 6 , 1971 sa Oakville , Ontario.
|
Siya ay isa sa mga mambubunong pumunta sa Pilipinas noong Pebrero 24 , 2006 hanggang Pebrero 25 , 2006 para sa WWE RAW Live Tour in Manila.
|
Maywood , California
|
Ang Maywood ay isang lungsod sa California , Estados Unidos.
|
Tokamatsi , Niigata
|
Ang Tokamachi ay isang lungsod sa Niigata Prefecture , bansang Hapon.
|
Mr. Belvedere
|
Ang Mr. Belvedere ay isang Amerikanong palabas ng sitwasyong komedya ibinatay sa karakter o tauhang si Lynn Aloysius Belvedere na nilikha ni Gwen Davenport para sa kanyang nobelang Belvedere noong 1947 , na lumaong naging isang pelikula noong 1948 na pinamagatang Sitting Pretty.
|
Pangunahing bida sa nakakatawang palabas na ito si Christopher Hewett , na naghanapbuhay para sa isang Amerikanong mag - anak na pinamumunuan ni George Owens , na ginagampanan ni Bob Uecker.
|
Orihinal na sumahimpapawid ang palabas mula sa network ng ABC magmula Marso 15 , 1985 magpahanggang Hulyo 8 , 1990.
|
Microsoft Windows
|
Ang Microsoft Windows ( IPA : ) , kilala rin sa katawagang Windows ( IPA : ) o MS - Windows ( IPA : ) , ay isang kamag - anakan ng mga operating system na ginawa ng Microsoft.
|
Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang operating environment at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS - DOS pa rin isinasalalay , lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na.
|
At noong simula rin , ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang - alang sa mga tahanan lamang , at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT.
|
Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP , na nagsanib ng dalawang hanay na pang - OS ng Microsoft , ang Microsoft Windows at ang Windows NT.
|
Sa kasalukuyan , ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo.
|
Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13 % ng pamilihang pang - OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82 % ; ito ang Mac OS ng Apple Inc .. Bagaman sa laki ng agwat na ito , mayroon pa ring ilang nagsasabing ipinapanganiban pa rin ang Windows na bumagsak.
|
.
|
Nagsimula ang Microsoft Windows bilang isang pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kapaligirang pampamamalakad ng mga kompyuter ng IBM at iba pang mga kahalintulad na kompyuter na tumatakbo sa ilalim ng MS - DOS.
|
Ito ay noong Nobyembre 20 , 2012 , ang pagkakalabas ng Windows 1.0 , ang pinakaunang bersyon ng Microsoft Windows.
|
Kailangang alalahaning ang mga unang limang bersyon ng Microsoft Windows : Windows 1.0 , 2.x , 3.0 at 3.1x , ay hindi mga kaparaanang pampamamalakad kundi mga pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kapaligirang pampamamalakad lamang.
|
Ang mga ito ay gumaganap lamang bilang isang pagpapalawig ng mga kakayahan ng MS - DOS , ngunit lahat pa rin ng mga paglakad ay ginaganap pa rin ng MS - DOS.
|
Noong una , ang pagpapabuti ng Microsoft sa Windows ay mariing pinipigilan ng mga pagsasakdal ng Apple.
|
Ito ay dahil sa hindi mailakip ng Microsoft ang mga katangiang kagaya ng mga nagpapatung - patong na dungawan , at ang tapunan ng basura sa paniniwala ng Apple na ang mga istilong iyon ay dapat panghawakan ng Apple lamang dahil sila ang unang gumawa at gumamit ng ganoong istilo , at ang mga ito ay saklaw ng karapatang - aring sila ay tanging may - hawak.
|
Sa lahat - lahat , inaangkin ng Apple na nalugi sila nang USD 5 bilyon dahil dito.
|
Noong Mayo 22 , 1990 , inilabas ng Microsoft ang Windows 3.0 , ang ikaapat na bersyon ng Microsoft Windows.
|
Agad itong naging isa sa mga pinakatanyag at mabiling kaparaanang pampamamalakad sa kasaysayan ng Microsoft Windows at ng buong pamilihang pang - OS , at ang mayroong pinakamalaking naiambag sa pagsikat ng Microsoft at Microsoft Windows sa pamilihang panteknolohiya.
|
At malamang ang mga pangunahing dahilan nito ay ito lamang ang nag - iisang bersyon ng Microsoft Windows na mayroong kakayahang tumakbo sa tatlong magkakaibang uri ng alaala.
|
Ang mga katangian ng Windows 3.0 ay pinagbutihan pa noong Abril 6 , 1992 , nang inilabas ng Microsoft ang Windows 3.1 , isang bagong OS ng Microsoft na batay sa Windows 3.0 , na mayroong dagdag na pagsasaayos sa mga suliranin ng Windows 3.0 , at pagtaguyod sa mga midya at TrueType.
|
Bagaman marami pa rin itong kulang na katangiang mahahalaga , katulad ng mahahabang pangalang pantalaksan , isang hapag - gawaan , o isang kaparaanang pananggalang mula sa mga talaksang mapanira , matatagpuan lahat sa katunggali nitong OS / 2 , isang OS na tinulungan ding pagbutihin dati ng Microsoft , ng IBM , naging matagumpay pa rin ito sa pamilihang pang - OS.
|
Ang pangunahing nagdulot nito ay ang kasikatan ng nauna pa nitong bersyon , ang Windows 3.0.
|
Naglabas din ng mga pagpapabuti ang Microsoft alang - alang sa Windows.
|
Ang Windows 3.11 ay halos kaparang - kapara ng Windows 3.1 , at nagdagdag lamang ng ilang mga talaksan.
|
Bagaman dito , marami pa ring mga sirang matatagpuan sa Windows 3.1 ang matatagpuan pa rin sa Windows 3.11.
|
Ang pinakaunang inilabas na kaparaanang pampamamalakad ng Microsoft ay ang Windows NT 3.1 , na ginawa sa arkitekturang Windows NT , isang hanay pang - OS ng Microsoft alang - alang sa pamilihang pantanggapan , ay inilabas noong Hulyo 27 , 1993 , hindi lumaon nang maghiwalay ng landas ang Microsoft at IBM sa paggawa ng kanilang sari - sariling kaparaanang pampamamalakad.
|
Ang arkitektura ay ginawa sa ilalim ng pamumuno ni Dave Cutler , ang punong arkitekto sa paggawa ng Windows NT.
|
Ginawa ang Windows NT sa utos ng Microsoft na gumawa siya ng isang bitbiting , magagamit sa iba - ibang mga arkitekturang pangkompyuter , OS / 2 , at isa ring bitbiting pamalit sa Windows na nananalig sa isang DOS.
|
Ngunit nang ang kanyang pulutong ay matapos , iba na ang kaparaanang kanilang nagawa.
|
Noong panahong iyon , si Dave Cutler ay isa rating pinunong arkitekto ng kakatigil lamang na proyektong PRISM , isang proyekto alang - alang sa pagpapabuti ng arkitekturang RISC ng Digital Electronics Corporation at Mica , ang paunang bansag sa kaparaanang pampamamalakad ng naturang arkitekturang pangkompyuter.
|
At noong itinapos ng DEC ang proyekto , agad na kinuha ng Microsoft si Dave Cutler upang gawin ang kaparaanang pampamamalakad.
|
Marami ang naghinalang dinala ni Cutler at ng kanyang kawanian ang ilang bahagi ng kodigo alang - alang sa Mica kaya naman binantaang sakdalin ng DEC ang Microsoft kundi nila itutuloy ang pagtaguyod ng Windows NT alang - alang sa DEC Alpha.
|
Bagaman dito , sabay ding inalis ng Microsoft at Compaq , ang bahay - kalakal na bumili ng DEC noong bumagsak ito , ang pagtaguyod sa isa at isa noong Agosto 1999.
|
Noong Agosto 24 , 1995 , ngunit ang kaunahang balak ay dapat Hulyo 11 , inilabas ng Microsoft ang Windows 95 , ang pinakamalaking hakbang sa pagbabago sa GUI ng Microsoft Windows simula nang inilabas ito , at ang pinakaunang ganap na pantahanang kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft ; ang mga naunang OS ay nasa sa MS - DOS.
|
Kasama sa mga malalaking pagbabago nito sa GUI ay isang ganap na hapag - gawaang hindi na alang - alang sa mga pinaliit na dungawan kundi alang - alang na sa paglalagay ng mga talaksan at iba pa , paggamit ng kanang bahagi ng maws , higit na pinadaling pakikipag - ugnayan sa Internet sa tulong ng mga nakaluklok nang pagtaguyod sa iba - ibang mga pang - Internet na protokol at isang gawaang - baras at Start Menu.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.