text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ngunit kailangang alalahaning ang wari ng isang taskbar ay hindi unang nagpakita sa Windows 95 kundi sa Windows 1.0 ; inalis lamang ito ng Microsoft sa mga sumunod na bersyon , at ibinalik sa Windows 95.
|
Hindi katulad ng mga naunang OS sa Windows 95 , likas na tumatakbo ang Windows 95 sa 32 - bit ; ngunit mayroon pa rin itong pagtaguyod alang - alang sa 16 - bit , at kaya pa ring tumakbo rito.
|
At maging kahit sa pinakabagong bersyon ng Microsoft Windows , na ang Windows Vista , ay ginagamit pa rin ang kaparang banghay ng GUI.
|
Bagaman dito , ayon sa Micromart , nasasaloob pa rin sa Windows 95 ang mababang kaligtasan ng mga naunang bersyon ng Windows at MS - DOS.
|
Isa rito ang mababang kaligtasan ng mga panagutang pantagagamit ng Windows 95 , bagaman maaari nang magkaroon ng mga mararaming panagutan sa Windows 95 , walang kahit ano mang dagdag na kaligtasan itong ibinibigay ; pinapahintulutan nito ang pagkakaroon ng mga iba - ibang nais alang - alang sa bawat panagutan , ngunit pinapahintulutan din nitong pindutin ang " Cancel " sa pambungad , at makapagbigay ng malayang daan sa kahit sino mang taong may - hangad na gamitin ang kompyuter.
|
Maging sa Windows 98 ay makikita pa rin ang suliraning ito.
|
Windows 3.11.
|
Windows 95.
|
Windows Vista.
|
Sumunod namang inilabas ng Microsoft Windows ang Windows 98 noong Hunyo 25 , 1998 , unang ginawa noong Mayo 15 , 1998.
|
Walang masyadong nagbago sa GUI ng bersyong ito.
|
At nagdagdag lamang ng ilang katangian sa Windows 95 , katulad ng higit na malawak na pagtaguyod sa mga hardwer , at paggamit ng Internet Explorer , kung saan sa bersyong ito ay malawak na inilakip sa mga programa ng Microsoft Windows , maging sa Windows Explorer.
|
Ngunit mayroong isang inhinyerong pangkompyuter , na si Shane Brooks , na gumawa ng isang manluluklok , nagngangalang 98Lite , noong Nobyembre 22 , 1998 na mayroong kakayahang alisin ang nakalakip na Internet Explorer sa Windows Explorer sa iba - ibang mga bersyon ng Windows , at nagpatunay na kayang tumakbo ng Windows 98 at iba pang mga bersyon ng Windows nang walang Internet Explorer at iba pang inilakip na programa ; pinabilis din nito ang pagtakbo ng Windows.
|
Napasinungalingan ang mga pag - aangkin ng Microsoft na hindi maaalis ang Internet Explorer mula sa Windows 98 , kung maalis man ito , hindi ito gagana , at kung gumana man ito , tatakbo ito nang napakabagal.
|
Sa katotohanan , ang pag - aalis ng Internet Explorer ay nagbigay ng kabaligtaran ng mga sinabi ng Microsoft , bagaman sa pag - aalis na ito ay hindi na magagamit ang mga bersyon ng Notepad at Wordpad alang - alang sa Windows 98 , ngunit malulutas naman ito kung gagamitin ang Notepad at Wordpad alang - alang sa Windows 95 sa Windows 98 , at mawawala rin ang Windows Update , na malulutas din sa madaling paraan.
|
- - Microsoft ,.
|
Noong Pebrero 17 , 2000 , inilabas ng Microsoft ang Windows 2000 , isang kaparaanang pampamamalakad na batay sa arkitekturang NT .. Bagaman noong una , pinagpipilitan ng Microsoft na ilalabas nila ang OS nang Oktubre 6 , 1999 , o nang alin mang petsa sa 1999.
|
Lubhang ipinagmamalaki ng Microsoft ang OS , kagaya ng nakasaad sa itaas , ngunit walang masyadong nagbago sa OS sa larangan ng GUI , at ang hitsura nito ay kamukhang - kamukha pa rin ng Windows 98 at NT 4.0.
|
Mariin ding iginigiit ng Microsoft na ang Windows 2000 ay alang - alang sa mga tanggapan , at hindi ipinapayo alang - alang sa mga tahanan.
|
Ang dahilang ito ay , bagaman mayroong dagdag na pagtaguyod ang Windows 2000 alang - alang sa hardwer , marami pa ring mga larong pangkompyuter at hardwer ang hindi itinataguyod ng Windows 2000.
|
Noong Setyembre 14 , 2000 naman , at ayon sa ilan , ang kaunahang balak ay Mayo 26 , inilabas ang Windows Me , OS na ginawa ng Microsoft alang - alang sa mga tahanan.
|
Walang masyadong nagbago sa Windows Me kung ihahambing sa Windows 2000 at 98 , at nagkaroon lamang ito ng higit na bagong bersyon ng Internet Explorer at Windows Media Player.
|
Isinama rin dito ang pinakaunang bersyon ng Windows Movie Maker.
|
Ngunit bagaman iyon , marami ring nagsasabing ang Windows Me ay isa sa mga pinakamapanganib na bersyon ng Windows.
|
Ang pangungutiyang ito ay dahil mabagal daw ito , palaging namamatay , at maraming hindi pinapatakbong programa.
|
Ang taong 2001 ang naging pinakamabuting taon sa Windows.
|
Sa Oktubre 25 ng taong ito , inilabas ng Microsoft ang pinakamabiling kaparaanang pampamamalakad sa kasaysayan , ang Windows XP.
|
At maging ngayon , nananatili pa rin itong pinakamatagumpay sa pamilihan bagaman dalawang taon na mula nang inilabas ang higit na bago nitong bersyon , ang Windows Vista.
|
Nagpapakita rin ng panibagong disenyo ang OS , at inilakip na MSN Messenger.
|
Windows Me.
|
Windows XP.
|
Noong Marso 28 , 2003 , inilabas ng Microsoft ang Windows Server 2003 sa mga pamilihan.
|
Ayon sa Microsoft , ang kaparaanang pampamamalakad ay dalawang ulit na higit na mabilis sa lahat ng paggawa nito kung ihahambing sa ibang mga OS.
|
Ito rin daw ay nakakatipid ng 20 % sa pangkalahatang gastos , at 50 % ang matitipid kung ihahambing sa Windows NT Server 4.0.
|
Ilan sa mga bagay na pinagbutihan dito ay ang Active Directory at mga patakarang pampamamahala nito.
|
Bagaman dito , maging sa pinakabagong bersyon nito , walang pagtaguyod ang OS alang - alang sa maraming programang pangkompyuter , lalo na sa mga programang pantagalingkod kahit sa mga gawa ng Microsoft mismo.
|
Noong Hulyo 12 , 2006 naman , inilabas ng Microsoft ang Windows Fundametals for Legacy PCs.
|
Sa katotohanan , isa lamang itong pinamura at pinababang pagkakalimbag ng Windows XP.
|
At dahil dito , ang hitsura nito ay totoong katulad na katulad pa rin ng Windows XP.
|
Ginawa ng Microsoft ang bersyong ito alang - alang sa mga luma at mababagal na mga kompyuter.
|
Inilabas ang Windows Vista noong Enero 30 , 2007 sa buong daigdig ; inilabas naman ito sa mga malalaking mangangalakal sa isang higit na maagang petsa ng Nobyembre 30 , 2006.
|
Bago pa ang paglalabas na ito , ilang ulit na ring ipinahayag ng Microsoft ang paglalabas ng Windows Vista nang simula pa noong Hulyo ng 2006 , at nangako rin sila rating ilalabas nila ito nang Disyembre 2006 ngunit hindi natuparan ng Microsoft ang mga petsang ito.
|
Naglakip ito ng mararaming pagbabago lalo na sa GUI nito.
|
Isa na rito ang inibang Start Menu , at ang bagong disenyong Aero na nagbibigay ng napapaglagusang - liwanag na mga dungawan , ngunit nakakabagal ito ng pagtakbo ng kaparaanang pampamamalakad.
|
Bagaman dito , maraming nagsasabing pangit ang OS na ito dahil sa laki ng kinakain nitong kagamitan at alaalang pangkompyuter , at sa kawalang - pagtaguyod nito sa napakaraming sopwer at hardwer.
|
Kasama rin sa bersyong ito ang pangangailangan ipasugid ang Windows Vista , isang kayarian laban sa pamimirata.
|
Kundi gagawin matapos ang 30 araw na palugit mula sa araw ng pagkaluklok sa kompyuter , maraming kagamitan ng OS ang mamamatay at babagal.
|
Bagaman mayroon nang ganito , madali pa ring mababaliwala ang katangiang ito sa pamamagitan ng mga napakaraming pangwarak na ipinamimigay nang libre sa Internet.
|
Noong Nobyembre 5 , 2007 naman , naglabas ang Microsoft ng isang OS na pantagalingkod , ngunit sa pagkakataong ito , ito ay alang - alang naman sa mga tahanan hindi sa mga tanggapan , ito ang Windows Home Server , ang pinakaunang Windows na pantagalingkod na ginawa alang - alang sa mga tahanan.
|
Unang ipinakilala ito ng Microsoft sa Consumer Electronics Show noong Enero 8 , 2007.
|
Ilan sa mga itinatampok sa bagong OS ay ang kakayahan nitong gumawa ng mga bak - ap araw - araw ng mga kompyuter alang - alang sa madaliang pagbangon sakaling masira man , at , ayon sa Microsoft , ang pagkakaroon ng isang higit na nakapagitna at buong daan sa mga kompyuter at talaksan nitong nakaugnay sa kompyuter na mayroong Windows Home Server.
|
Ayon din sa Microsoft , ito raw ang sagot sa panininop kung mayroong malaking katipunan ng mga retrato , musika at bidyo.
|
Ngayon ang pinakabagong bersyon ng Windows ay isang tagalingkod.
|
Ito ang Windows Server 2008 , isang OS na pantagalingkod na inilabas sa ilalim ng walong pagkakalimbag noong Pebrero 27 , 2008 , bagaman ipinangako ng Microsoft na ilalabas nito ang OS sa huling bahagi ng 2007.
|
Ang OS na ito ay ipinagbuti nang limang taon , at ang kasunod ng Windows Server 2003.
|
Ayon sa Microsoft , nilalayon ng Server 2008 na bawasan ang ginagastos na oras sa pagtatrabaho , tulungang mabilis na makaangkop ang mga bahay - kalakal sa mga pangangailangan , at dagdagan ang kaligtasan.
|
Maganda ang mga kritisismong natanggap ng Windows Server 2008 , at totoong nagtatampok ang OS ng dagdag na kaligtasan ; isa rito ang pangangangailangan ng pagtatakda ng isang " matatag " na hudyat , isang hudyat na naglalaman ng mga bilang , tanda at titik , bago makalagda sa isang panagutan.
|
Kahit batay ito sa Windows Vista , higit na maayos ang pagtakbo nito.
|
Sa mga rumaraang taon , ilan nang ulit na iginigiit ng Microsoft na ang kanilang kaparaanang pampamamalakad ay higit na higit na ligtas ; mayroong ilang sumasang - ayon sa Microsoft ngunit totoong maraming tumututol.
|
Isa sa mga pag - aangkin ng Microsoft na ang kanilang Windows ay higit na ligtas ay higit na ligtas daw ang Windows XP kaysa sa Linux , at ginagawang 15 ulit na higit na ligtas ang pagkakaroon ng SP2 sa Windows XP ang OS.
|
Ayon sa Patnugot ng Estratehiyang Pangkaligatasan Jeff Jones ng Microsoft , higit na ligtas pa rin ang Microsoft kung ihahambing sa ibang mga OS , at dito ipinaghambing niya ang Linux at Apple laban sa Windows ; matinding tinutulan ito ng pamayanang Linux.
|
Ayon sa kanila , hindi katulad ng Microsoft , na inaayos ang mga suliranin ng Windows nang patago , inilalathala ng Linux ang bawat pagsasaayos na kanila ginagawa sa Linux kaya , hindi katulad ng Linux , kakaunti lamang ang nakakaalam ng mga suliranin ng Windows , at kung ang isang OS ay ligtas na , hindi na ito nangangailangan pa ng mga pagsasaayos at dagdag mula sa manggagawa nito , isang bagay na sinasalungat palagi ng Microsoft sa kanilang palagiang paglalabas ng mga pagsasaayos sa Windows.
|
Bukod pa rito , ang pinakamalaking pag - aangkin ng Microsoft sa panig ng kaligtasan ay nang sinabi nitong ang Windows Vista ang pinakaligtas na OS magpakailanman.
|
Ang pag - aangking ito ay dahil sa pagkakaroon ng Vista ng User Account Control , Internet Explorer 8 , BitLocker Drive Encryption at mga teknolohiyang pampagsasalihim.
|
At sinabi ni Bill Gates na ang kaligtasang ito ng Windows ay dulot ng mga mararaming mananadtad at manunulat ng mga birus , at ang Windows ay higit na magiging ligtas kung higit na marami pang mga mamimili ang magluluklok ng mga pagsasaayos.
|
Kagaya ng naunang sinabi , inangkin ng Microsoft na ang Windows ang pinakaligtas na kaparaanang pampamamalakad , ito ay lubhang pinasinungalingan at tinuligsa ng iba - ibang tao at pamayanan.
|
Ayon sa isang ulat , walang gaanong nagbago sa Windows Vista kung ihahambing sa Windows XP.
|
Ang Vista ay katulad na katulad pa rin daw ng XP sa kaligtasan nito , na sinasabing mababa , at ang Vista ay nag - iba lamang ng hitsura.
|
Ang Windows Vista raw ay marami pa ring mga butas sa kaligtasan nito , at walang pinagkaiba sa pagsasanggalang nito mula sa mga birus.
|
Mayroon namang isang pag - aaral na isinaliksik ni Nicholas Petreley , isang manunulat ng mga patungkol sa Linux , na nagsasabing ang Linux naman daw ay higit na ligtas kaysa sa Windows.
|
Sa kadalian ng pagnanakaw ng mga hudyat mula sa Windows , ang naging malaking suliranin rito ay kapag nanakaw ang hudyat alang - alang sa isang panagutang pantagapangasiwa , ang pinakamakapangyarihang panagutan , lagot na ang kompyuter na pinatatakbuhan ng Windows ..
|
Noong Enero 2 , 2006 , napag - alamang ang mga Windows Metafile ay mga maaaring mang - aangkat ng mga birus ng mga kompyuter.
|
Ito ay dahil laging itinuturing ng kaparaanang pampamamalakad ang mga talaksang .wmf , ang daglat ng Windows Metafile ( huwag ikalito sa Wikimedia Foundation ) , bilang mga larawan bagaman mayroong kakayahan ang mga itong magkaroon ng iba pang mga uri ng talaksan sa loob ng mga ito.
|
Ayon sa McAfee , ginagamit ang mga talaksang ito upang magpatakbo ng hanggang 30 sari ng Bifrose , isang uri ng birus , at tumama rin daw ito sa 6 % ng mga mamimili ng McAfee.
|
Dahil sa suliranin ng mga makapangyarihang panagutang pantagapangasiwa , ang mga bersyong Windows Vista at ang mga sumusunod dito ay niluklukan na ng User Account Control.
|
Ito raw , ayon sa Microsoft , ang nagdulot sa Windows Vista sa pagiging pinakaligtas na OS na ginawa ng Microsoft.
|
Bagaman nakaluklok ang UAC sa Windows Vista nang pangkaraniwan , mailuluklok din ito sa mga naunang bersyon ng Windows mula sa websayt ng Microsoft.
|
Pinagbabawalan ng UAC ang tahasang pagganap ng mga programang gumagamit ng mga kagamitan ng kaparaanan ng kaparaanang pampamamalakad nang walang pahintulot mula sa isang tagapangasiwa.
|
Ito ay dahil pinapatakbo ng UAC ang alin mang panagutan bilang isang pangkaraniwang panagutan , maging pantagapangasiwa man ito.
|
Ito , ayon sa Microsoft , ang bumabawas sa pangkalahatang dulot ng mga birus at iba pang banta.
|
Ang bagong bersyon ng Internet Explorer na nakaluklok sa Windows Vista ay tumatakbo na sa ilalim ng " Protected Mode " , na pumipigil sa mga programa at iba pang galing sa Internet sa paggagalaw sa kompyuter nang walang pahintulot mula sa tagagamit.
|
Ang Windows Defender , dating kilala bilang Windows AntiSpyware , ay isang nakaluklok na programa sa Windows Vista , ngunit maaari ring mailuklok sa Windows XP , na punong panlaban sa mga adwer , ispaywer at ispamwer.
|
Ilan sa mga kagamitan nito ang Microsoft SpyNet , isang lambat - lambat ng Microsoft na kumukuha ng kaalaman mula sa mga kasapi nito upang madaling makaalam ng mga bagong banta at malutas ito , at ang Software Explorer , isang bahagi ng Defender na pinapahintulutan ang mga tagagamit nitong usisain ang mga programang tumatakbo sa kasalukuyan at nang nakatakda sa kanilang kompyuter.
|
Binansagan din ito ng ZDNet bilang pinakamabuting libreng panlabang - ispaywer.
|
Ngunit bagaman dito , mayroong ilang kabagalan ang pagtakbo nito.
|
Ang Windows Live OneCare ay isang antimalwer , nangangahulugang pinupuksa nito ang mga programang hindi nakakabuti sa kompyuter , at pangkalahatang pangmatyag ng buong kompyuter.
|
Dahil sa kakayahan nito laban sa mga adwer , ispamwer at ispaywer , at payrwol , ang pagluluklok nito ay nangangahulugan ng pananalanta ng Windows Defender at Windows Firewall.
|
Ito rin ay hindi nakaluklok nang nakatakda kundi binibili bilang isang bahagi ng Windows Live , isang hanay ng mga yari ng Microsoft.
|
Batay sa dalawang nagsasariling pag - aaral , ang OneCare lamang ang tanging programang bumagsak sa 17 mga antibirus na sinulit.
|
Natagpuan lamang ng OneCare ang 82.4 % sa 500,000 mga birus na iniharap.
|
Dahil sa Windows Life - Cycle Policy , isang patakaran pampagtaguyod ng Microsoft , pinapatid ng Microsoft ang pagtaguyod sa mga bersyon ng Windows matapos ang 4 na taon pagkatapos ng malawakang pagkaroon nito sa pamilihan.
|
Bagaman mayroong ilang kataliwasan kung saan pinapahaba pa ng Microsoft ang pagtaguyod sa mga bersyon ng Windows na totoong mabili nang ilang taon , kagaya ng Windows 2000 , na ang pagtaguyod mula sa Microsoft ay pinahaba hanggang Hunyo 30 , 2010.
|
Bukung - bukong
|
Batay sa anatomiya ng tao , ang ugpungan ng bukung - bukong o bukungbukong ay nabuo kung saan nagsasalubong ang paa at ang hita.
|
Isang tila - seradurang dugtungang sinobyal ang bukung - bukong o ugpungang talocrural na nagdirikit sa mga malayong ( distal ) dulo ng lulod at fibula sa mababang bahagi ng paa at sa malapit ( proksimal ) na dulo ng butong talus sa paa.
|
Mas pumapasan ng mas maraming bigat ang kilos ( artikulasyon ) sa pagitan ng tibia at ng talus kaysa sa pagitan ng mas maliit na fibula at ng talus.
|
Sa anatomiya ng hayop , tinatawag na pata ang bukung - bukong.
|
Tungkulin ng dugtungang bukung - bukong ang pataas na kilos ng mga daliri ng paa ( dorsipleksyon o pagtingkayad : katulad ng pagtayo sa pamamagitan ng sakong lamang ) at maging ang pababang kilos ng mga daliri ng paa ( pleksyong plantar ng paa ) , at pinapayagan ang malawakang galaw ng lahat ng mga ugpungan sa paa.
|
Hindi nagagawa ng bukung - bukong ang paikot na galaw ( rotasyon ).
|
Sa pleksyong plantar , humahaba ang mga pang - harap ng mga ligamento ( litid ) ng ugpungan habang umiikli naman ang mga panlikod na mga ligamento.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.