text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
The New Testament , God 's Word , The Holy Bible , New International Version ( NIV ).
|
International Bible Society , Colorado , USA.
|
External link in | publisher ( help ) , Dictionary / Concordance , pahina B13.
|
< / ref > Ito rin ang pagbibigay ng papuri at paglilingkod sa isang tao o nilalang na itinuturing na may halaga.
|
Linus Pauling
|
Si Linus Carl Pauling ( Pebrero 28 , 1901 - Agosto 19 , 1994 ) ay isang Amerikanong chemist , biochemist , aktibista para sa kapayapaan , manunulat , at tagapagturo.
|
Siya ay naglathala ng mahigit 1200 artikulo at aklat , kung saan humigit - kumulang 850 sa mga ito ay may kinalaman sa mga paksang siyentipiko.
|
Tinagurian umano siya ng New Scientist bilang isa sa 20 dakilang siyentista ng panahon , at noong 2000 , siya ay kinilala bilang ika - 16 na pinakamahalagang siyentista sa kasaysayan.
|
Si Pauling ay isa mga tagapagtatag ng larangan ng quantum chemistry at molecular biology.
|
Dahil sa kanyang ambag sa agham , si Pauling ay pinagkalooban ng Nobel Prize sa Kimika noong 1954.
|
Sa taong 1962 , dahil naman sa kanyang pangkapayapaan na aktibismo , siya ay napagkalooban ng Nobel Peace Prize.
|
Ito ang nagbigay daan sa kanya bilang ang kaisa - isang taong tumanggap ng dalawang Nobel Prize nang walang kahati.
|
Isa siya sa apat lamang na indibidwal na nagtamo ng mahigit sa isang Nobel Prize ( ang iba ay sina Marie Curie , John Bardeen , at Frederick Sanger ).
|
Isa rin siya sa dalawang tao lamang na nakatanggap ng nasabing gantimpala sa iba ' t - ibang larangan ; ang isa ay si Marie Curie.
|
Pinag - aralan din ni Pauling ang istruktura ng DNA , isang problema na nalutas nina James Watson at Francis Crick.
|
Sa mga sumunod na taon , itinaguyod niya ang orthomolecular medicine , megavitamin therapy , dietary supplements , at ang pag - inom ng maraming dosis ng bitamina C , ngunit wala sa mga ito ang natanggap sa mainstream scientific community.
|
( This is a translation only of the first three paragraphs of the original article " Linus Pauling " written in English.
|
).
|
Paroksismo
|
Ang paroksismo ( mula sa Ingles na paroxysm ) ay ang sintomas na may katangiang klamante ( apurado , malakas , o pilit ) na biglaan ang paglitaw o isang sumpong.
|
Tinatawag din itong ihit , sasal , bidbid , silakbot , sikla , at paglala ng sakit.
|
Kabilang sa mga sintomas na nagiging paroksismal o umiihit ang hapdi , ubo , at kombulsyon ( natatawag ding paroksismo ang kombulsyon ).
|
Ginagamit din ang salita para sa madalas na pagtindi o pagsidhi ( intesipikasyon ) ng isang sintomas.
|
Gayundin , ginagamit din ang salita para sa mga panahon o peryodo ng pagkakaroon ng lagnat sa malarya at iba pang panakanaka ( paudlut - udlot o paulit - ulit ) o intermitenteng mga lagnat.
|
Sinolohiya
|
Sa pangkalahatan , ang Araling Intsik , Araling Tsino , o Sinolohiya ( Ingles : Chinese studies , Sinology ) ay ang pag - aaral ng o hinggil sa bansang Tsina at mga bagay - bagay na may kaugnayan sa Tsina , subalit maaari ring tumukoy sa pag - aaral ng wika at panitikang klasiko , at ang pagharap na pilolohikal.
|
Ang pinagmulan nito ay maaaring bakasin sa pagsusuri na isinagawa ng mga iskolar na Intsik hinggil sa kanilang sariling kabihasnan.
|
Sa ibang pananalita , ang Sinolohiya ay ang pag - aaral ng mga wika at kulturang Intsik na kasama ang kaugnayan at paghahambing sa pagitan ng Tsina at iba pang mga kalinangang Asyano.
|
Sa diwang pang - etimolohiya , ang Sino - ay hinango magmula sa Panghuling Latin na Sinae , na nagmula sa Griyegong salitang Sina o Sinae na may kahulugang Tsina , na nagbuhat naman magmula sa Arabeng Sin , na maaaring nahango mula sa Qin na tumutukoy sa Dinastiyang Qin.
|
Samantala ang Sino - ay dinugtungan ng Griyegong salitang - lohiya na nagmula sa - logia na nangangahulugang tratado , pag - aaral , o agham.
|
Ryoko Hirosue
|
Si Ryoko Hirosue ay isang mang - aawit mula sa bansang Hapon.
|
Gautama Buddha
|
Si Gautama Buddha o Siddhartha Gautama Buddha ( Sanskrit : sid dhaar th gautm bud dh ; Pali : Siddhattha Gotama ) ay isang gurong espiritwal mula sa subkontinenteng Indiyan na tagapagtatag ng Budismo.
|
Siya ay isang prinsipeng ipinanganak sa Lumbini , mula sa angkan ng mga Shakya , sa isang lugar na matatagpuan sa makabagong Nepal malapit sa hangganan ng hilagang Indiya.
|
Nanirahan siya ng halos buong buhay niya sa Hilagang Indiya at aktibong nagtuturo mula noong mga 563 BCE hanggang sa tinatayaang 483 BCE.
|
Ang Buddha ay nangangahulugang " isang nagising " o " isang naliwanagan ".
|
Ang " Buddha " ay ginagamit rin bilang isang pamagat para sa unang nagising na nilalang sa isang kapanahunan.
|
Sa karamihan ng mga tradisyong Budista , si Siddhartha Gautama ang itinuturing bilang ang Kataastaasang Buddha ( P. sammasambuddha , S. samyaksambuddha ) ng ating panahon.
|
Si Gautama Buddha ay maaari ring tukuyin bilang Shakyamuni Buddha , Sakyamuni ( Sanskrit : shaak ymuni " Pantas ng mga Sakya " ) o " Ang Isang Nagising ng Lahing Shakya.
|
" Si Gautama ay nagturo ng isang Gitnang Daan kumpara sa malalang asetisismo na matatagpuan sa kilusang Sramana na karaniwan sa kanyang rehiyon.
|
Kalaunan siyang nagturo sa buong mga rehiyon ng silanganing India gaya ng Magadha at Kosala.
|
Isang mahalagang tao si Gautama sa Budismo at naging buod ang mga tala ng kanyang mga buhay , mga rasyonalidad , at monastikong mga panununtunan pagkatapos ng kanyang kamatayan at nasaulo ng mga sangha ( komunidad ).
|
Naisalin ang mga katuruan sa pamamagitan ng tradisyong oral , naitala ito sa Tripitaka matapos ang apat na daang taon.
|
Tinuturing ng mga Hindu si Gautama bilang isang avatar ni Panginoong Vishnu.
|
Siya ang taga pagtatag ng buddismo.
|
Ang mga kuwento ukol sa buhay ni Buddha ay nagmula sa mga kasulatan ng Buddhismo.
|
].
|
Ayon sa tradisyon , si Buddha ay ipinanganak sa tinatayang 200 taon bago ang pamumuno ni haring Asoka ng Maurya.
|
Ayon sa karamihan ng mga tradisyonal na talambuhay ni Buddha , siya ay ipinanganak sa isang maharlikang pamilyang Hindu.
|
Ang kanyang ama na si Haring Suddhodana ang pinuno ng liping Shakya na ang kabisera ay Kapilavastu na kalaunang idinagdag na teritoryo ng Kaharian ng Kosala noong panahon ng buhay ni Buddha.
|
Ang Gautama ang pangalan ng kanyang pamilya.
|
Ang kanyang ina ay si Reyna Maha Maya ( Mayadevi ) na isang prinsesang Koliyan.
|
Si Maya at Haring Suddhodhana ay walang mga anak sa loob ng 20 taon ng kanilang kasal.
|
Ayon sa isang salaysay , sa isang gabi na may buong buwan at natutulog sa palasyo , ang Reyna ay nagkaroon ng isang maningning na panaginip.
|
Kanyang naramdaman ang kanyang sarili na tinatangay ng apat na mga deva ( espirito ) sa Ilog Anotatta sa mga Himalaya.
|
Pagkatapos siyang paliguan sa ilog , siya ay binihasan ng mga deva ng mga makalangit na damit , pinahiran ng mga pabango at pinalamutian ng mga makadiyos na bulaklak.
|
Sa sandaling pagkatapos nito , ang isang puting elepante na humahawak ng isang puting bulaklak na lotus sa nguso ay lumitaw at pumalibot sa kanya ng tatlong beses na pumasok sa kanyang sinapupunan sa pamamagitan ng kanyang kanang tagiliran.
|
Ang elepante ay naglaho at ang reyna ay nagising na nalamang siya ay hinatiran ng isang mahalagang mensahe dahil ang elepante ay isang simbolo ng kadakilaan sa India.
|
Ayon sa tradisyong Budista , ang magiging si Buddha ay tumitira bilang isang bodhisattva sa langit na Tusita at nagpasyang kunin ang hugis ng isang elepante upang muling ipinanganak sa daigdig sa huling pagkakataon.
|
Si Maya ay nanganak kay Siddharta Gautama Buddha noong c.
|
563 BCE.
|
Ang kaarawan ni Buddha ay malawak na pinagdiriwang sa mga bansang Theravada bilang Vesak.
|
Ang kanyang kaarawan ay isang banal na araw na tinatawag na " Buddha Poornima " sa India dahil si Buddha ay pinaniniwalaang ipinanganak sa isang araw na buong buwan.
|
Ang iba 't ibang mga sanggunian ay nagsasaad na ang ina ni Buddha ay namatay sa kanyang kapanganakan na pagkatapos ng mga ilang araw o pitong araw.
|
Ang sanggol ay pinangalang ( Pali : Siddhattha ) na nangangahulugang " siya na nagkakamit ng kanyang layunin ".
|
Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan , ang hermitanyong manghuhula na si Asita ay naglalakbay mula sa kanyang tirahang bundok at naghayag na ang bata ay magigign isang dakilang hari ( chakravartin ) o isang dakilang banal na tao.
|
Sa isang tradisyonal na salaysay , ito ay nangyari pagkatapos ilagay ni Siddharta ang kanyang mga paa sa buhok ni Asita at siniyasat ni Asita ang kanyang mga balat.
|
Si Suddhana ay nagdaos ng isang seremonya ng pagpapangalan sa ikalimang araw at inanyayahan ang walong mga skolar na brahmin upang basahin ang hinaharap.
|
Ang lahat ng mga ito ay nagbigay ng dalawang hula na ang sanggol ay magiging isang dakilang hari o isang dakilang banal na tao.
|
Si Kaundinya ( Pali : Kondanna ) na pinakabata at kalaunang ang unang arahant maliban kay Buddha ang itinuturing na ang tanging isa na malinaw na humula na si Siddharta ay magiging Buddha.
|
Bagaman ang kalaunang tradisyon ay naglarawan kay Suddhodana bilang isang nagmanang hari na inapo ng Dinastiyang Solar ng Iksvaku ( Pali : Okkaka ) , maraming mga skolar ang nagpapalagay na siya ay hinalal na hepe ng isang pang - tribong kompederasiya.
|
Ayon sa tradisyon , si Siddharate ay sinasabing nakatadhana sa kapanganakan sa buhay ng isang prinsipe at may mga tatlong palasyong itinayo para sa kanya.
|
Bagaman ang kamakailang skolarship ay nagdududa sa katayuang ito , ang kanyang ama na sinasabing hari na nagnanais sa kanyang anak na maging isang dakilang hari ay nagprotekta sa kanya mula sa mga katuruang relihiyoso at mula sa kaalaman ng pagdurusang pantao.
|
Si Siddharta ay pinalaki ng mas batang kapatid na babae ng kanyang ina na si Maha Pajapati.
|
Nang tumuntong siya sa edad na 16 , pinagpapalagay na isinaayos ng kanyang ama ang kanyang pagpapakasal sa isang pinsan nang parehong edad sa nagngangalang Yasodhara ( Pali : Yasodhara ).
|
Ayon sa tradisyonal na salaysay , ang kanyang asawa ay nanganak sa isang lalakeng pinangalanang Rahula.
|
Si Siddhartha ay sinasabing gumugol ng 29 taon bilang isang prinsipe sa Kapilavastu.
|
Bagaman siniguro ng kanyang ama na si Siddharta ay binigyan ng lahat ng bagay na kanyang naisin o kailanganin , ang mga kasulatang Budista ay nagsasaad na nadama ng hinaharap na Buddha na hindi ang kayamanang materyal ang huling layunin ng Buhay.
|
Sa edad na 29 , umalis si Siddhartha sa kanyang palasyon upang harapin ang kanyang mga nasasakupan.
|
Sa kabila ng pagtatangka ng kanyang ma na itago mula sa kanya ang may karamdaman , matatanda , sinasabing nakakita pa rin si Siddhartha ng isang matandang tao.
|
Nang ipaliwanag sa kanya ng kanyang magkakarwaheng si Channa na ang lahat ng mga tao ay tumatanda , naglakbay pa muli si Siddhartha nang lagpas sa kanyang palasyo.
|
Sa mga paglalakbay na ito , kanyang nakita ang isang may karamdamang tao , isang nabubulok na bangkay at isang asetiko.
|
Ito ay nagpabalisa sa kanya at sa simula ay sinikap na labanan ang pagtanda , karamdaman at kamatayan sa pamamagitan ng pamumuhay bilang asetiko.
|
Tumakas ng madali si Siddhartha sa palasyo sakay ang kanyang kabayong si Kanthaka at kasama si Chanan , at iniwan ang marangyang buhay upang maging pulubi.
|
Naunang pumunta si Siddhartha sa Rajagaha at sinimulan ang buhay asetiko sa pamamagitan ng paglilimos sa daan.
|
Ngunit siya ' y nakikilala ng mga lalake ni Haring Bimbisara at inalok siya ng hari ng trono nito matapos marinig ang layunin ng paglalakbay ni Siddhartha.
|
Ngunit tinanggihan niya ito at nangakong pupuntahan muna ang Magadha sa pagtatamo ng kaliwanagan.
|
Nilisan niya ang Rajagaha at nagsanay sa ilalim ng dalawang ermitanyo.
|
Matapos makasanayan ang mga turo ni Alara Kalama , inalok siya ni Kalama na humalili sa kanya.
|
Gayunpaman , si Siddharta ay hindi nakuntento sa pagsasanay at naging mag - aaral din siya ni Udaka Ramaputta , ngunit kahit marating na niya ang matataas na antas ng meditasyon at aluking palitan na si Udaka , nakita pa rin niya ang sarili niyang hindi kontento sa daang kangyang tinatahak kaya ' t nagpatuloy na lamang siya.
|
Si Siddhartha at ang isang pangkat ng limang mga kasama na pinangunahan ni Kaundinya ay sinasabing nagtangka pa na higitan ang kanilang kahigpitan.
|
Kanilang tinangkang hanapin ang kaliwanagan sa pamamagitan ng pag - aalis ng makamundong mga bagay kabilang ang pagkain na nagsasanay ng mortipikasyon ng sarili.
|
Pagkatapos halos gutumin ang kanyang sarili tungo sa kamatayan sa pamamagitan ng pagtatakda ng kanyang pagkatain sa mga isang dahon o mani kada araw , siya ay bumagsak sa isang ilog samantalang naliligo at halos malunod.
|
Pagkatapos ay naalala niya ang isang sandali sa kanyang pagkabata kung saan ay pinapanood niya ang kanyang ama na nagsisimula ng pag - aararo ng panahon.
|
Kanyang nakamit ang isang nakatuon na estadong jhana na sukdulang napakaligar at nagpananariwang muli.
|
Ayon sa mga maagang tekstong Budista , pagkatapos niyang matanto na ang pagninilay nilay na jhana ang tamang landas sa pagkagising ngunit hindi ang sukdulang asetisismo , natuklasan ni Gautama ang tinatawag ng mga Budistang Gitnang Daan na isang landang ng kahinahunan mula sa mga kasukdulan ng pagpapapkasasa sa katawan at mortipikasyon ng sarili.
|
Sa isang sikat na insidente , pagkatapos na magutom at manghina , sinasabing kanyang tinanggap ang gatas at pudding na kanin mula sa isang batang babae sa nayon na nagngangalang Sujata.
|
Dahil sa kanyang pumayat na hitsura , napagkamalan siya ng bata na isang espirito na tumupad ng kanyang kahilingan.
|
Pagkatapos nito , si Gautama ay sikat na umupo sa isang punong pipa na kilala ngayong punong Bodhi sa Bodh Gaya , India kung saan ay namanata siyang hindi kailanman tatayo hanggang sa matagpuan niya ang katotohanan.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.