text
stringlengths
0
7.5k
Pagdila sa ari ng babae
Ang pagdila o pagsubo sa ari ng babae ( Ingles : cunnilingus , mula sa bulgar na salitang Latin na cunnus na may kahulugang bulba at salitang Latin lingua o dila ; shrimping o " paghihipon " ) o paghimod sa tinggil ng ari ng babae ay isang uri ng pakikipagtalik kung saan nakikipagtalik ang tao habang ginagamit ang bibig , mga labi , at dila upang pukawin , pasiglahin , o gisingin ang damdaming seksuwal ng katalik na babae.
Tinatawag din itong estimulasyong oral ng klitoris.
Balo
Ang balo ay isang babaeng namatay na ang asawang lalaki.
Tinatawag din itong biyuda o bao.
Balo rin , o biyudo , ang tawag sa isang lalaking namatayan na ng asawang babae.
Pagbobolang - niyebe
Ang Pagbobolang - niyebe o Paghuhulog - niyebe ( Ingles : snowballing o snowdropping ) ay ang gawaing pampagtatalik ng tao kung saan ang isang tao ay kumukuha o nagsusubo ng semen o tamod ng ibang tao papunta sa kanyang bibig at pagkaraan ay ipapasa itong pabalik sa bunganga ng katalik na iyon , karaniwang sa pamamagitan ng paghahalikan.
Ang katawagan ay orihinal na ginagamit lamang ng mga homoseksuwal.
Ang mga mananaliksik na nagtanung - tanong sa mahigit sa 1,200 na mga lalaking homoseksuwal o biseksuwal sa mga kaganapang pampamayanan ng LGBT sa New York , Estados Unidos noong 2004 ay nakatuklas na nasa bandang 20 % ang nagsabing nagkaroon sila ng isa o mahigit pang pagkakataon na nakilahok sa " paggawa ng bolang niyebe ".
Sa mga magkakaparehang heteroseksuwal , ang isang babaeng nagsagawa ng fellatio ( pagsubo sa titi ) ay maaaring magluwang pabalik ng semen sa bibig ng kanyang katalik , na may halong laway ; ang magkatalik ay maaari nang magpasahan ng pluwido ng ilan pang mga ulit , upang lalong lumaki pa ito , kaya 't tinawag na snowballing sa Ingles.
Maraming mga lalaking heteroseksuwal ang hindi komportable ( hindi nagiginhawahan ) o naaalangan o nasasagwaan sa gawaing ito.
Campofelice di Fitalia
Ang Campofelice di Fitalia ay isang comune sa lalawigan ng Palermo sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Shiva Rajkumar
Si Shiva Rajkumar ( pinanganak noong Hulyo 12 , 1962 ) ay isang aktor sa India na pangunahing gumagana sa Kannada cinema.
Siya ay pinakamatanda sa anak ni Rajkumar.
Siya ay lumabas sa mahigit na 3 dekada.
Siya ay nagradweyt ng Bachelor of Science ( Chemistry ) , pagkatapos nito , siya ay lumabas sa mga pelikulang Singeetham Srinivas Rao 's Anand ( 1986 ).
San Francisco , Quezon
Ang Bayan ng San Francisco ay isang ika - 3 na klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 48,310 katao sa 9,618 na kabahayan.
Ang bayan San Francisco ay dating kilala bilang Aurora.
Ang bayan ng San Francisco ay nahahati sa 16 mga barangay.
St. Paul Technological Institute of Cavite
Ang St. Paul Technological Institute of Cavite ay isang paaralan na matatagpuan sa Dasmarinas , Kabite , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 2014.
Sedico
Ang Sedico ay isang comune sa lalawigan ng Belluno sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Lungsod ng Barcelona
Ang Barcelona ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Tangway Iberiko , ang kabisera ng Catalunya ( Espanya ) at ng lalawigan ng magkagayang pangalan.
Matatagpuan ito sa comarca ng Barcelones , sa baybaying Mediterraneo ( 41 deg 23 ' N 2 deg 11 ' E / 41.383 deg N 2.183 deg E / 41.383 ; 2.183 ) sa pagitan ng mga bunganga ng Llobregat at Besos.
May layo ito ng 160 km mula sa Kapirineyuhan.
May populasyon ang Barcelona ng 1 593 075 ( 2005 ) samantalang ang kalakhan naman nito ay may populasyon ng 4 686 701 ( 2005 ).
Maraming turista ang nagpupunta dito dahil sa kagandahan ng lugar dito at iba 't ibang tao sa galing sa mga ibang lugar sa buong mundo.
Eddie Ilarde
Si Edgar " Eddie " Ilarde ( ipinanganak noong ika - 25 ng Agosto , 1934 sa Iriga , Camarines Sur ) ay isang Senador , at kilalang tagapamahayag sa radyo at sa telebisyon sa Pilipinas.
Kegareta Shita
Ang Kegareta Shita ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
Chris Brown
Si Christopher Maurice Brown ( o mas kilalang Chris Brown ) ay ipinangangak noong May 5 , 1989.
Siya ay isang Mang - aawit at Aktor.
Elizabeth Freeman ( paglilinaw )
Ang Elizabeth Freeman ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
Prito
Ang prito ( Kastila : frito ) ay isang paraan ng pagluluto na ginagamitan ng mantika.
Ang pagprito ay pinaniniwalaan na unang lumitaw sa Sinaunang Ehiptong kusina , sa panahon ng Lumang Kaharian sa paligid ng 2,500 BK.
Maria Lourdes Gonzales
Si Maria Lourdes Gonzales ay isang kilalang nanalo sa isang patimpalak bilang Reyna ng Kagandahan sa Pilipinas.
Kontra - Reporma
Ang Kontra - Repormasyon o Kontra - Reporma ay isang kilusan sa loob ng Simbahang Katoliko Romano na ang pangunahing layunin ay ang baguhin , pabutihin , o muling hubugin at painamin ang Simbahang Katoliko Romano.
Nagsimula ito noong dekada ng 1500.
Ang unang kapanahunan nito ay ang tinatawag na Repormang Katoliko o Repormasyong Katoliko.
Nagkaroon ito ng maraming mga katampukan.
Sinakop nito ang sumusunod na limang mga pook o mga paksa :.
Nagsimula ang Kontra - Reporma pagkaraan ng repormasyon ni Martin Luther , na gumawa ng maraming mga Simbahang Protestante.
Bilang reaksiyon o pagtugon sa reporma ni Martin Luther , nagsagawa ang mga Katoliko ng dalawang mga bagay.
Dinagdagan ng mga Katoliko ang kanilang pagpupunyagi , at pinagdiinan din nila ang ilang mga punto ng pananampalataya at paniniwala na inilagay sa panganib ng mga pagtutol ng mga Protestante.
Manga na shojo
Ang manga na shojo , shojo , o shoujo ( Shao Nu Man Hua , shojo manga ) ay isang manga na tinatarget ang tinedyer na babaeng mamababasa.
Rinomanisado ang pangalan sa salitang Hapon na Shao Nu ( shojo ) , na literal na nangangahulugan bilang ' batang kababaihan.
' Sinasakop ng shojo ang maraming mga paksa sa iba 't ibang estilo ng pagsasalaysay , mula dramang pangkasaysayan hang kathang - isip na pang - agham , na kadalasang nakatuon sa mga relasyong romantiko o emosyon.
Bagaman sa mahigpit na kahulugan , ang manga na shojo ay hindi binubuo ng isang estilo o kaurian , sa halip pinapahiwatig ang isang demograpikong target na mambabasa.
Ito ang inulat na katamtaman o average na sirkulasyon para sa ilang mga pinakamabentang magasin na manga na shojo noong 2007.
Orvakal
Ang Orvakal ay isang nayon sa Andhra Pradesh sa India.
Sistemang panlasa
Ang sistemang panglasa ( Ingles : gustatory system ) ay ang sistemang pandama para sa pandama ng lasa ( panlasa o gustasyon ).
Kilala rin ito bilang sistemang gustatibo at sistemang gustatoryo.
Karaniwang binabanggit ang sistemang panlasa na kasama ng sistemang pang - amoy bilang kasapi ng mga pandamang kemosensoryo dahil kapwa naglilipat ( transduksiyon ) sila ng mga kimikal na senyal upang maging persepsiyon.
Ito ay isang pakiramdam na nalilikha kapag ang isang sustansiya sa bibig ay gumanti sa mga taste buds.
Ang panlasa , kasama ang pang - amoy at pakiramdam na panghipo , ay nagtitiyak ng lasa na pangpakiramdam na impresyon sa mga pagkain at ibang mga sustansiya.
Pag - ampon
Ang pag - ampon , pag - aampon , pag - aring - anak , ariing anak , o adopsiyon ay isang gawain ng pagkupkop at pagturing bilang tunay na anak sa isang batang ulila.
Kaugnay ng kahulugang pambatas , isa itong legal na hakbang o pamamaraang pumuputol sa legal na pagkakaugnay ng isang tao sa kanyang totoo at biyolohikal na mga magulang o mga " magulang sa dugo at laman " , at nagpapalit o nagbibigay ng bagong mga magulang.
Sa Aklat ng Henesis ( Henesis 30 : 3 ) ng Lumang Tipan ng Bibliya , inilalarawan ang pag - aampon ng anak o bata bilang " panganganak sa tuhod ".
Sa pinalawak nitong kahulugan , ito ang paggamit ng isang tao ng hiniram na ideya o patakaran ng ibang tao o pangkat ng mga tao.
Tumutukoy din ang pag - aampon sa pagbibigay at paglalaan ng proteksiyon , pagtatanggol , pagpapatuloy , pagkakanlong , at pagkandili sa isang taong nangangailangan nito.
Tinatawag na ampon , batang - ampon , o anak na ampon ang isang batang inampon o sumailalim sa proseso ng adopsiyon.
Samantala , tinatawag namang ampunan , bahay - ampunan , at asilo ang lugar na ginagamit bilang alagaan at kupkupan ng mga ulilang batang hindi naaampon ng bagong mga magulang.
Tinatawag na tagaampon , taga - ampon , o tagapag - ampon , tagapagpala ang tao o mga taong umampon sa batang nangangailangan at naghahanap ng pagkalinga at pagmamahal ng isang magulang.
Osakasayama , Osaka
Ang Osakasayama ( Hapones : Da Ban Xia Shan Shi ) ay isang lungsod sa Osaka Prefecture , bansang Hapon.
Pagpapasinaya
Ang pagpapasinaya , inaugurasyon , o pagtatalaga sa tungkulin ay ang pormal na seremonya upang bigyang tanda ang simula ng isang bagay katulad ng pagluluklok ng isang pangulo sa kanyang katungkulan , at isa ring seremonya kung kailan pormal na ginaganap ng pangulo ang panunumpa sa tungkulin.
Pinakaraniwan sa mga paggamit nito ang diwa ng pagkakaroon ng isang pormal na paggagawad o pagpapataw ng katungkulan ( ang investiture sa Ingles ) , kaya 't ito rin ang pahimis o pormal na simula ng panunungkulan ng nahalal o nahirang na tao , katulad ng sa isang politiko na nahalal bilang pangulo ng bansa o pinuno ng estado.
Sa okasyong ito ipinapahayag ng nahirang sa mamamayan ang kanyang mga layunin bilang pinuno sa pamamagitan ng isang talumpati.
Sa isang monarkiya , maihahambing ito sa isang koronasyon o pagpuputong ng korona.
Bukod sa mga nabanggit , maaari ring tumukoy ang pagpapasinaya sa opisyal na pagbubukas o pagsisimula ng isang institusyon o kayarian ( istruktura ).