text
stringlengths
0
7.5k
Hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma noong 293 AD dahil masyado itong malaki at malawak.
Hinati niya ito sa dalawang imperyo - ang Silangang Imperyo Romano at ang Kanlurang Imperyo Romano.
Si Emperador Constantine ang namuno sa Silangang Imperyo Romano.
Sinakop ng mga Vandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD pero ang Silangang Imperyo Romano o ang Imperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito ng mga Turkong Ottoman sa pamumuno ni Mehmed II noong 1453 AD.
May apat na uri ng mga mamamayan sa Sinaunang Roma.
Kabilang sa mga sinaunang Romano ang mga patrisyano , mga plebyano , mga taong pinalaya , at mga alipin.
Ang mga patrisyano ang aristokrasya ng Sinaunang Roma , na umaangkin sa lahat ng mga pribilehiyo at mga kapangyarihang panglipunan.
Sumunod sa kanila ang mga plebyano , na ipinanganak bilang malalayang mga mamamayan ngunit may iilang mga kapangyarihan.
Kasunod nito ang mga pinalayang tao , o dating mga alipin na may bahagyang kalayaan kaysa mga plebyano.
Nasa pinakailalim ng antas ang mga alipin , na may iilang uri ng anumang mga karapatan.
Ang buhay sa Sinaunang Roma ay umiikot sa lungsod ng Roma , na nasa pitong burol.
Maraming mga gusali at monumento na makikita dito tulad ng Coleseom , Forum of Trajan at ang Pantheon.
Marami ding mga inuming fountain na may tubig galing sa mga aquadukto ; mayroon ding mga teatro , gymnasio , paliguan at mga silid - aklatan na may mga tindahan at mga kanal.
Hiblang akriliko
Ang hiblang akriliko o akrilikong pibra ay isang uri ng sintetikong hibla o pibrang gawa ng tao.
Ginagamit itong sangkap para sa paggawa ng matataas na uri ng mga goma , plastik , at pati na pintura , kaya 't mayroong tinatawag na pinturang akriliko.
Pangunahing ginagamit din ang akriliko para sa paggawa ng mga kumot , mababalahibong mga pangginaw , mga karpeta o tapete , at mga kasuotan.
Kabilang sa mga markang pangkalakal nito ang Acrilan , Creslan , Orlon , at Zefran.
Daisy
Ang daisy ay isang salitang Ingles na maaaring tumukoy sa :.
Talaan ng mga lungsod sa Sierra Leone
Ito ay isang talaan ng mga lungsod at bayan sa Sierra Leone , isang bansa sa Kanlurang Aprika.
Wikang Macarronico
Ang Macarronico ay isang wikang Portuges ng Brazil.
Maximiliano I ng Mehiko
Si Maximilian I o Maximiliano I ( na ipinanganak bilang Ferdinand Maximilian Joseph noong 6 Hulyo 1832 - namatay noong 19 Hunyo 1867 ) ay ang nag - iisang monarka ng Ikalawang Imperyo ng Mehiko.
Tinatawag din siyang Maximiliano , Emperador ng Brazil sa ibang mga sanggunian.
Nakikilala rin siya bilang Fernando Maximiliano Jose Maria ng Habsburgo - Lorena.
Pagkaraan ng isang marangal na karera sa Hukbong Pandagat ng Austria , ipinahayag siya bilang Emperador ng Mehiko noong ika - 10 ng Abril , 1864 , na sinuportahan ni Napoleon III ng Pransiya at ng isang pangkat ng mga monarkistang Mehikano na naglalayon na muling buhayin ang monarkiyang Mehikano.
Maraming mga pamahalaang dayuhan , kabilang na ang ng Estados Unidos , ang tumangging kilalanin ang kaniyang administrasyon.
Nakatulong ito sa paniniyak ng tagumpay ng mga puwersang republikano na pinamunuan ni Benito Juarez , at nadakip at pinatay si Maximiliano noong 1867.
Sa Mehiko , siya at ang kaniyang konsorteng pinakasalan niya ay nakikilala bilang ang tambalang Maximiliano at Carlota ( Maximilian at Charlotte ) ( si Carlota ay pinsan ni Reyna Victoria ng Nagkakaisang Kaharian ).
Ramesses II
Si Rameses II ( ipinanganak noong 1300 BK ) kilala rin bilang Rameses ang Dakila o Remeses na Dakila , binabaybay ding Ramses o Ramesses ; unikodigo : * Ri?misisu ; nakikilala rin na Ozymandias sa mga sangguniang Griyego , mula sa transliterasyon patungong Griyego ng pangalang niyang pangtronong User - maat - re Setep - en - re , ay ang pangatlong Ehipsiyong paraon ng ika - 19 dinastiya ng Ehipto.
Kalimitan siyang itinuturing bilang pinakamagaling , pinakapinagdiriwang , at pinakamakapangyarihang paraon.
Tinawag siya ng kanyang mga kapalit at mga lumaong mga Ehipsiyo bilang " Dakilang Ninuno ".
Sa kasalukuyang panahon , si Ramesses II ang pinaniniwalaan ng ilan na Paraon ng Aklat ng Exodo na umalipin sa mga Israelita.
Gayunpaman , walang anumang mga ebidensiyang arkeolohikal na si Ramesses II ay nakitungo sa mga Israelita o sa anumang mga salot sa Ehipto gaya ng isinasaad sa bibliya.
Ang mga arkeologo ay umaayon na walang anumang Exodo ng mga Israelita sa Ehipto na nangyari.
Ang takot ng Paraon ( ayon bibliya ) na ang mga Israelita ay makikipag - alyansa sa mga mananakop na dayuhan ay hindi malamang sa konteksto ng huling ikalawang milenyo nang ang Canaan ay bahagi ng imperyong Ehipsiyo at ang Ehipto ay hindi nahaharap sa mga kaaway sa direksiyong ito.
Ang mga anakronismo sa Aklat ng Exodo ay nagmumungkahi ng petsang pagkakasulat noong ca Ikaanim na siglo BCE at ang mga karagdagang pagsasaayos at pagbabago ay nagpatuloy hanggang sa ca.
Ikaapat na siglo BCE.
Kapusukan
Marami sa kabataan ngayon na mayroong mapupusok na damdamin.
Dahil dito ay nakagagawa sila ng mga hindi magagandang pangyayari unang - una na rito ay ang pagkakaroon ng maagang anak.
Dahil sa pagtanda kabataan , nagiging malawak ang kanilang kaisipan at sumusubok ng mga bagay kagaya ng pakikipag - talik sa murang edad na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng anak.
Ang kapusukan ( mula sa salitang - ugat na pusok ) , na tinatawag ding pasyon ( damdamin ) , bugso ng damdamin , ningas ng kalooban , kapangahasan , init ng damdamin , o kabiglaanan ng damdamin ( Ingles : ardency , ardor , fervor , temerity , fieriness , hotness , violence , impetuosity , vehemence , impulsiveness , incontinence , o rashness ) ay isang katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay.
Ang pasyon , na nagmula sa Sinaunang wikang Griyegong pandiwa na paskho ( paskho ) na may ibig sabihing " maghirap " , ay isa ring marubdob na damdamin , o makabagbag - damdaming saloobin ( kaloobang pangdamdamin ) , kasigasigan ( entusiyasmo ) , o pithaya ( hangarin , lunggati , pita , o pagnanais ng damdamin ) para sa isang bagay.
Ang kataga ay madalas ding ginagamit para sa paglalarawan ng isang masigla o masigasig na pagkagusto o pagkawili sa o paghanga ( admirasyon ) para sa isang alok o mungkahi , layunin , o gawain , o pag - ibig , hanggang sa pagkadama ng hindi pangkaraniwang kasiglahan o katuwaan , masigasig o makabagbag - damdaming kalooban , na isang positibong ugnayan o pagmamahalan , na inilalaan para sa isang paksa , ideya , tao o persona , o bagay.
Partikular itong ginagamit sa diwa ng romansa o seksuwal na pagnanais , bagaman pangkalahatan itong nagpapahiwatig ng isang mas malalim o mas malawak at mas masaklaw na uri ng emosyon kaysa sa ipinahihiwatig ng katagang kalibugan.
Simeon Ola
Si Simeon Ola y Arboleda ( ika - 2 ng Setyembre 1865 - ika - 14 ng Pebrero 1952 ) ay isang bayani ng Himagsikang Pilipino at ang pinakahuling heneral na sumuko sa hukbong Amerikano noong Digmaang Pilipino - Amerikano.
Pinanganak si Ola sa Guinobatan sa Albay kina Vicente Ola at Apolonia Arboleda.
Nag - aaral siya ng pilosopiya nang itigil niya ito noong 1896 para makisapi sa Katipunan.
Matapos ang himagsikan laban sa Espanya , ipinagpatuloy niya ang pakikidigma laban sa mga Amerikano.
Dahil hindi mapigil ng hukbong Amerikano ang mga paglusob ni Ola , mismong sinasabi ni Heneral Taft na ang mga tauhan ni Ola ang mga pinakamatindi niyang naharap , nagpatayo na lamang sila ng mga concentration camp sa buong Kabikulan , tulad nang ginagawa na nila noong panahong iyon sa buong bansa.
Noong Nobyembre 1902 dinalaw ni Heneral Jesse Garwood si Ola , nakikiusap na sumuko na siya.
Tumanggi si Ola at ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga pagsalakay sa hukbong Amerikano hanggang siya 'y madakip noong ika - 5 ng Setyembre 1903.
Noong ika - 25 ng Setyembre ng taong iyon , sumuko sa wakas sina Ola at ang kaniyang mga tauhan.
Hinatulan si Ola ng 30 taon sa bilangguan bagaman pinalaya rin siya niyong sunod na taon.
Ngayong malaya na , tumakbo si Ola bilang alkalde ng Guinobatan at nanalo ; siya ang naging unang alkalde ng bayan.
Namatay siya noong ika - 14 ng Pebrero 1952 , halos anim na taon matapos kilalanin sa wakas ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas.
Noong ika - 25 ng Setyembre 2004 inilipat ang kaniyang mga labi sa Dambana ni Simeon A. Ola sa Liwasang Ola sa Guinobatan.
Mayroon ding nakatayong bantayog ni Ola sa Liwasan ng Pamana ng Kabikulan sa Legazpi.
Miss Universe 2013
Ang Miss Universe 2013 ay ang ika - 62 na patimpalak sa Miss Universe pageant.
Ito ay gaganapin sa 9 Nobyembre 2013 sa Crocus City Hall sa Krasnogorsk , Moscow Oblast , Rusya.
. Si Olivia Culpo , ang nagwagi ng Miss Universe 2012 mula sa Estados Unidos ang magpapasa ng korona sa kanyang kahalili sa dulo ng kaganapan.
86 na mga bansa at teritoryo ay lumahok sa mga kaganapan.
Ang maringal na pagtatanghal ay ipapalabas ng live na sa 10 : 00 MSK ( UTC + 4 ) sa iba 't - ibang tagapagbalita lahat sa buong mundo at kalooban din ito matelekast sa NBC at Telemundo sa Estados Unidos , na may tape maantala primetime matelekast sa 21 : 00 ET , na kung saan ay siyam na oras sa likod ng Moscow.
SS Nakuha ang ika - 16 na pwesto sa pamamagitan ng pagboto online.
86 na kalahok ang napili upang lumaban sa patimpalak ngayong taon :.
Mga Kandidata na sumali sa nakaraang kompetisyon o makikipagkumpetensiya sa iba pang patimpalak ng kagandahan :.
Noong 15 Agosto 2013 , tumanggi sa pagiging si Andy Cohen na maging co - host ng patimpalak , dahil sa pagpapatupad ng Rusya ng mga batas na laban sa LGBT.
Isang petisyon sa internet ang pinasimulan para sa Miss Universe Organization upang ilipat ang patimpalak mula sa Moscow dahil sa mga batas naito at sa iba pang mga alalahanin sa karapatang pantao.
Arkham Asylum
Ginintuang agila
Ang ginintuang agila ( Aquila chrysaetos ) ay isa sa mga pinakamahusay na kilalang ibon ng biktima sa Panghilagang Hemispero.
Ito ang pinakalawak na ipinamamahagi species ng agila.
Tulad ng lahat ng mga agila , ito ay kabilang sa pamilya Accipitridae.
Ang mga ibon ay madilim na kayumanggi , na may mas magaan na ginintuang kayumanggi na balahibo sa kanilang mga pagkakahabi.
Ang mga batang walang gulang na species na ito ay karaniwang may puti sa buntot at madalas ay may mga puting marka sa mga pakpak.
Sistemang pampolitika
Ang sistemang pampolitika ay isang sistema ng politika at pamahalaan.
Karaniwan itong inihahambing sa sistemang pambatas , sistemang pang - ekonomiya , at iba pang mga sistemang panlipunan.
Subalit , isa itong napaka pinapayak na pananaw ng isang mas masalimuot na sistema ng mga kategorya na kinasasangkutan ng mga pananaw : sino ba ang dapat na magkaroon ng kapangyarihan , paano ba panghahawakan ang mga katanungang pampananampalataya , at ano ba ang dapat na maging impluwensiya ng pamahalaan sa mga tao at sa ekonomiya.
Kei Nakano
Si Kei Nakano ( ipinaganak Enero 21 , 1988 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Chamaesaura
Ang Chamaesaura na kilala rin na mga Butiking damo ay isang henus ng mga butiking walang hita mula sa katimugan at silanganing Aprika.
Ang mga hita ay napaliit sa lumiit sa mga tinik.
Ang mahabang hugis nito at kawalan ng mga hita ay pumapayag sa mga ito na " lumangoy " sa damuhan.
Ang mga ito ay nanganganak ng buhay na supling kesa sa nangingitlog at kumakain ng mga tipaklong.
Estimulo
Ang estimulo o istimulo , na may kahulugan o diwang panggising , pampukaw , pang - udyok , pampagalaw , pang - antig ay maaaring tumukoy sa :.
Parusang kamatayan
Ang parusang kamatayan , pangunahing parusa , o parusang kapital , ay isang pagbitay , o pagsasagawa ng parusang kamatayan , ng isang pamahalaan bilang parusa para sa isang krimen kadalasang tinatawag na isang opensang kapital o isang krimeng kapital.
Sa kasaysayan , ginagamit ang pagbitay sa mga kriminal at mga kalaban sa politika ng halos lahat ng mga lipunan sa pamamagitan ng prosesong hudisyal o sa adhikaing pampolitika katulad ng pagsupil ng pampolitika na pagtutol.
Sa mga demokratikong mga bansa sa buong mundo , karamihan ang mga Europeo at Latino Amerikanong bansa ang nagtanggal ng parusang kamatayan ( maliban sa Estados Unidos , Guatemala at ng Karibe ) , habang pinapanatili ito ng mga demokrasya sa Asya at Aprika.
Sa mga hindi demokratikong mga bansa , karaniwan ang paggamit ng parusang kamatayan.