text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Sa parehong panahon , ang mga [ [ fibroblaster ( nagdudugtong na mga selula ng tisyu ) ay gumagalaw upang muling imodelo ang mga napinsalang istraktura.
|
Sa kaso ng pagbuo ng tumor , ang mga selula mula sa pangunahing tumor ay kumakalat sa iba 't ibang mga bahagi ng katawan.
|
Ang motilidad ng selula ay sumasangkot sa maraming mga reseptor , pagdudugtong , pagkukumpol , pagbibigkis , pagdikit , motor at iba pang mga protina.
|
Ang proseso ay nahahati sa tatlong mga hakbang : ang protrusiyon ( pag - usli ) ng pangunahing gilid ng selula , pagdikit ng pangunahing gilid , pag - aalis ng dikit sa katawan ng selula at likuran , at pag - urong ng cytoskeleton upang hilain ang selula ng pasulong.
|
Ang bawat hakbang ay pinapatakbo ng mga pwersang pisikal na nalilikha ng mga unikong segmento ng cytoskeleton.
|
May ilang mga teoriya sa pinagmulan ng maliliit na mga molekula na nagsanhi ng pagkakalikha ng buhay sa sinaunang mundo.
|
Ang isa ay ang mga ito ay ang mga ito nagmula sa mga meteorite.
|
Ang isa pa ay ang mga ito ay nalikha sa mga buka sa malalim - na - dagat.
|
Ang ikatlo ay ang mga ito ay sinintesis ng kidlat sa isang papaliit na atmospero ( eksperimentong Miller - Urey ) bagaman hindi maliwanag kung ang mundo ay may gayong atmospero.
|
Wala pang datang eksperimental sa kasalukuyan na naglalarawan sa kung ano ang mga unang kumokopya - sa - sariling ( self - replicating ) molekula.
|
Ang RNA ay ipinagpapalagay na kauna - unahang mga molekulang kumokopya - sa - sarili dahil ito ay may kakayahan ng parehong pag - iimbak ng impormasyong henetiko at pag - kakatalisa ng mga reaksiyong kemikal.
|
Gayunpaman , ang ilang mga entitad na may potensiyal na kumopya - sa - sarili ay maaaring mas nauna sa RNA tulad ng asidong peptide nucleic.
|
Ang mga selula ay lumitaw sa mundo mga 4.0 - 4.3 bilyong taon ang nakalilipas.
|
Ang kasalukuyang paniniwala ng mga siyentipiko ay ang mga selulang ito ay mga heterotroph.
|
Ang isang mahalagang katangian ng mga selula ang membrano ng selula na binubuo ng mga dalawang patong ng lipid.
|
Ang sinaunang membrano ng selula ay malamang mas simple at matatagos kesa sa mga makabagong selula na may isa lamang asidong tabang kadena sa bawat lipid.
|
Ang mga lipid ay alam na bumubuo ng mga dalawang patong na mga besikulo ( vesicles ) sa tubig na walang mga panlabas na sanhi at maaaring ito ang nauna sa RNA.
|
Gayunpaman ang unang mga membrano ay maaari ring nalikha ng mga katalitikong RNA o nangangailangan ng mga protinang istraktura bago ang mga ito ay mabuo.
|
Ang selulang eukaryotiko ay nag - evolve mula sa mga pamayanang simbiotiko ng mga selulang prokaryotiko.
|
Ang mga nagdadala ng DNA na mga organelo gaya ng mitochondria at chloroplast ay tiyak na mga labi ng sinaunang simbiotikong humihinga ng oxygen na mga proteobacteria at cyanobacteria kung saan ang mga natitirang mga selula ay nahango mula sa ninunong mga selulang archaean prokaryote cell.
|
Ang teoriyang ito ay tinatawag na teoriyang endosymbiotiko.
|
Pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko kung ang mga organelo tulad ng hydrogenosome ay mas nauna sa pinagmulan ng mitochondria o vice versa.
|
Ang kasarian bilang steoreotipadong koreograpiya ng meiosis at syngamy na umiiral sa halos lahat ng mga kasalukuyang eukaryotes ay maaaring gumampan ng papel sa transisyon mula sa mga prokaryotes patungo sa mga eukaryotes.
|
Ang teoriyang ' pinagmulan ng kasarian bilang baksinasyon ( bakuna ) ' ay nagmumungkahi na ang genome ng eukaryote ay lumago sa pamamagitan ng pagdaragdag mula sa mga genome ng parasitong prokaryan sa iba 't iba 't pag - ikot ng lateral na paglipat ng gene.
|
Ang kasarian - bilang - syngamy ( fusion sex ) ay lumitaw nang ang mga inpektadong mga host ay nagsimulang magpalitan ng mga genome na nuclearisado na naglalaman ng kapwa - nag - evolve na bertikal na naisaling mga symbionts na nagbibigay ng proteksiyon laban sa horisontal na inpeksiyon ng mas mga nakakahawang mga symbiont.
|
Phenix City , Alabama
|
Ang Phenix City ay isang lungsod sa Alabama , Estados Unidos.
|
Matatagpuan ito sa Ilog Chattahoochee sa silangang bahagi ng estado , katapat ng Columbus , Georgia.
|
Ang populasyon nito ay 27,456 katao , ayon sa senso noong 2010.
|
Kapuluan ng Tres Reyes
|
Ang Kapuluan ng Tres Reyes ( ang Tres Reyes ay mula sa Kastila para sa " Tatlong mga Hari " , kaya 't may kahulugang " Kapuluan ng Tatlong mga Hari ; Ingles : Tres Reyes Islands ) ay tatlong maliliit na mga pulo na napangalanan bilang Gaspar , Melchor , at Baltazar , na hinango mula sa Tatlong mga Haring Mago.
|
Matatagpuan ang mga ito sa Gasan , Marinduque sa Pilipinas.
|
Ang pulong Gaspar ay mayroong isang maiksing haba ng baybaying mayroong mga bulaklak na bato at malinaw na katubigang kulay na pinaghalong bughaw at lunti.
|
Ang mga pulong Melchor at Baltazar ay matatarik na mga dalampasigan at mga yungib na nasa ilalim ng tubig.
|
Depresyon
|
Sa mga larangan ng sikolohiya at sikyatriya , ang depresyon na kilala sa Ingles bilang Major depressive disorder ( MDD ) , recurrent depressive disorder , clinical depression , major depression , unipolar depression , o unipolar disorder ay isang sakit sa pag - iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili ( nawala ang pagpapahalaga sa sarili ) , kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.
|
Ang kumpol ng mga sintomas o sindromang ito ay inilarawan at inuri bilang isa sa mga diperensiya ng mood ng 1980 Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders.
|
Ang salitang " depresyon " ay hindi malinaw.
|
Ito ay kalimitang ginagamit upang tukuyin ang sindromang ito ngunit maari ring tumukoy sa ibang mga diperensiya ng mood o sa mababang mga estado ng mood na walang kahalagahang klinikal.
|
Ang pangunahing depresibong diperensiya ay isang nakapipinsalang kondisyon na labis na nakaapekto sa pamilya ng pasyenteng meron nito , sa trabaho , sa pag - aaral , sa pagtulog , pagkain at sa kabuuang kalusugan.
|
Sa Estados Unidos , ang mga 3.4 % ng mga indibidwal na may pangunahing depresyon ay nagpapakamatay at halos 60 % ng mga nagpapakamatay ay may depresyon o may iba pang diperensiya ng mood.
|
Ang diagnosis ng pangunahing depresyon ay batay sa sariling karanasan ng pasyente , sa pag - aasal na iniulat ng mga kamag - anak o kaibigan at sa pagsisiyasat ng estado ng kaisipan ng pasyente.
|
Walang pagsubok laboratoryo para sa pangunahing depresyon , bagaman ang mga doktor ay humihiling ng mga pagsubok para sa mga kondisyong pisikal na maaaring magsanhi ng parehong mga sintomas.
|
Ang pinakakaraniwang panahon ng pagsisimula nito ay sa pagitan ng 20 hanggang 30 anos na may kalaunang sukdulan mula sa pagitan ng 30 hanggang 40 anos.
|
Sa karaniwan , ang mga pasyenteng may depresyon ay ginagamit ng mga antidepressant at sa maraming mga kaso ay ng sikoterapiya o pagpapayo.
|
Ang hospitalisasyon ay maaaring kailangan para sa mga kasong kaugnay ng kapabayaan sa sarili o malaking panganib sa sarili o sa ibang tao.
|
Ang maliit na bilang ng mga pasyenteng may depresyon ay ginagamit ng elektrokonbulsibong terapiya.
|
Ang panahon ng sakit na ito ay iba iba mula sa isang episodyong tumatagal ng mga linggo hanggang sa pang habang buhay na kapansanan na may paulit ulit na episodyo.
|
Ang mga indbidwal na may depresyon ay may inaasahang maikling buhay kumpara sa mga wala nito sanhi sa isang bahagi ng pagiging marupok sa mga sakit at pagpapatiwakal.
|
Hindi pa maliwanag kung ang mga antidepressant ay umaapekto sa panganib ng pagpapatiwakal ng mga indibidwal na umiinom nito.
|
Ang pag - unawa sa kalikasan at mga sanhi ng depresyon ay nagbago sa loob ng mga siglo bagaman ang pagkakaunawang ito ay hindi pa kumpleto at maraming pang mga aspeto ng depresyon ang paksa ng talakayan at kasalukuyang pagsasaliksik.
|
Ang mga minungkahing sanhi nito ay kinabibilangan ng sikolohikal , sikososyal , hereditaryo , ebolusyonaryo at mga biolohikal na paktor.
|
Ang ilang mga uri ng pangmatagalang paggamit ng droga ay maaaring parehong magsanhi at magpalala ng mga sintomas na depresibo.
|
Ang mga paggamot na sikolohikal ay batay sa mga teoriya ng personalidad , komunikasyong interpersonal at pagkatuto.
|
Ang karamihan sa mga biolohikal na teoriya ng depresyon ay nakapokus sa monoaminong mga kemikal na serotonin , norepinephrine at dopamino na likas na matatagpuan sa utas at tumutulog sa pakikipagugnayan sa pagitan ng mga neuron.
|
Ang modelong biosikososyal ay nagmumungkahing ang biolohikal , sikolohikal at mga paktor na panlipunanay lahat gumagampan ng papel sa pagsasanhi ng depresyon.
|
Ang modelong diathesis - stress ay nagsasaad na ang depresyon ay nagreresulta kapag ang isang umiiral na pagiging marupok o diathesis ay napagana ng mga pangyayari sa buhay na nakaka - stress.
|
Ang umiiral na karupukang ito ay maaaring henetiko , na nagpapahiwatig ng interaksiyon sa pagitan ng kalikasan kesa pagpapalaki o skematiko na nagreresulta mula sa mga pananaw ng mundong natutunan sa pagkabata.
|
Ang mga magkakaugnay na modelong ito ay nagkamit ng suportang empirikal.
|
Halimbawa , ang mga mananaliksik sa New Zealand ay kumuha ng prospektibong pakikitungo sa pag - aaral ng depresyon sa pamamagitan ng pagdodokumento sa mahabang panahon kung paanong ang depresyon ay lumitaw sa simulang normal na cohort ng mga tao.
|
Ang mga mananaliksik ay nagkonklud na ang bariasyon sa tagahatid ng serotonin ( serotonin transporter ) ( 5 - HTT ) gene ay umaapekto sa tsansa na ang mga indibidwal na nagkaroon ng mga pangyayaring nakaka - stress ay magpapatuloy na makaranas ng depresyon.
|
Sa spesipiko , ang depresyon ay maaaring sumunod sa mga gayong pangyayari ngunit mas malamang na lumitaw sa mga taong may isa o dalawang maikling allele ng 5 - HTT gene.
|
Sa karagdagan , ang isang pag - aaral na Swedish ay tumantiya ng pagmamana ng depresyon na digri kung saan ang pagkakaiba ng mga indbidwal ay nauugnay sa pagkakaibang henetika - mga 40 % para sa mga kababaihan at 30 % para sa mga kalalakihan , at ang mga ebolusyonaryong sikolohista ay nagmungkahing ang henetikong basehan para sa depresyon ay malalim na nasa kasaysayan ng natural na napiling adaptasyon.
|
Ang isang pinukaw ng substansiya o drogang depresyon na katulad ng sa pangunahing depresyon ay naiugnay sa pangmatagalang paggamit ng droga o pag - abuso ng droga o pagtigil mula sa ilang mga sedatibo at hipnotikong droga.
|
Ang karamihan sa mga gamot na antidepressant ay nagpaparami ng mga lebel ng isa o maraming mga monoamino ( monoamine ) na mga neurotransmitter na serotonin , norepinephrine at dopamino - - sa kemikal na sinaptik cleft sa pagitan ng mga neuron sa utak.
|
Ang ilang mga medikasyon ay umaapekto sa mga reseptor na monamino ng direkta.
|
Ang serotonin ay hinipotesis na nagreregula sa ibang mga sistemang neurotransmitter.
|
Ang nabawasang gawaing serotonin ay maaring pumayag sa mga sistemang ito na umaasal sa hindi karaniwan at hindi matatag na paraan.
|
Ayon sa " pumapayag na hipotesis " na ito , ang depresyon ay lumilitaw kapag ang mababang mga lebel ng serotonin ay nagtataguyod ng mababang mga lebel ng norepinephrine na isa pang monoamine neurotransmitter.
|
Ang ilang mga antidepressant ay nagpapalakas ng mga lebel ng norepinephrine ng diekta samantalang ang iba ang nagpapataaws ng mga lebel ng dopamino na ikatlong monoaminong neurotransmitter.
|
Ang mga obserbasyogn ito ay nagpalitaw ng hipotesis na monoamino ng depresyon.
|
Sa kontemporaryong pormulasyon nito , ang hipotesis na monoamino ay nagpostula na ang kakulangan ng ilang mga neurotransmitter ay responsable sa tumutugmang katangian ng depresyon.
|
Ang noripineprhine ay maaring kaugnay ng pagiging alerto at enerhiya gayundin ng pagkabalisa , atensiyon , at interes sa buhay.
|
Ang kawalan ng serotonin ay maaaring kaugnay ng pagkabalisa , kasiyahan , at kompulsiyon.
|
Ang dopamino ay kaugnay ng atensiyon , motibasyon , kasiyahan , gantimpala gayundin ng interes sa buhay.
|
Ang mga tagataguyod ng teoriyang ito ay nagmungkahing ng pagpipiliang antidepressant na may mekanismo ng aksiyon na umaapekto sa pinakakilalang mga sintomas.
|
Ang mga nababalisa at inising pasyente ay dapat gamutin ng SSRI o norepinephrine reuptake inhibitor at ang mga nakakaranas ng kawalan ng enerhiya at kasiyahan sa buhay ng mga drogang nagpapataas ng norepinephrine at dopamine.
|
Bukod sa mga klinikal na obserbasyon na ang mga drogang nagpapadami ng halaga ng magagamit na monoamino ay mga epektibong antidepressant , ang mga kamakailang pagsulong sa sikayatrikong henetika ay nagpapakitang ang phenotipikong bariasyon sa sental na tungkuling monoamino ay maaaring maliit na maiugnay sa pagiging marupok sa depresyon.
|
Sa kabila ng mga pagkakatuklas na ito , ang sanhi ng depresyon ay hindi lang simpleng kakulangan ng monoamino.
|
Sa nakaraang dalawang mga dekada , ang mga pagsasaliksik ay naghayag ng maraming limitasyon sa hipotesis na monoamino at ang kakulangan ng pagpapaliwanag nito ay binigyang diin sa pamayanang sikayatriko.
|
Ang isang pagtutol ay ang epekto na nagpapalakas ng mood ng mga MAOI at SSRI ay tumatagal ng mga linggo ng paggamot bago mabuo bagaman ang pagdami ng magagamit na monoamino ay nangyayari sa loob ng mga oras.
|
Ang isa pang pagtutol ay batay sa mga eksperimento sa ahenteng parmakolohikal na nagsasanhi ng kakulangan ng mga monoamino.
|
Bagaman ang sinadyang pagbabawas sa konsentrasyon ng magagamit na monoamino ay maaaring magpababa ng mood ng mga pasyenteng depresado , ang pagbabawas na ito ay umaapekto sa mood ng mga malulusog na indibidwal.
|
Noong 2003 ang isang interaksiyong gene - kapaligiran ( GxE ) ay hinipotesis upang ipaliwanag kung bakit ang stress sa buhay ay isang prediktor sa mga episodyong depresibo sa ilang mga indibidwal ngunit hindi sa iba batay sa bariasyon ng allele sa kaugnay ng tagahatid ng serotonin na promotor na rehiyon.
|
( 5 - HTTLPR ) ; ang isang 2009 meta - analysis ay nagpakitang ang mga pangyayari sa buhay na nakakastress ay kaugnay ng depresyon ngunit hindi nakatagpo ng ebidensiya para sa asosiasyon sa 5 - HTTLPR genotype.
|
Ang isa pang 2009 meta - analysis ay umaayon sa kalaunang pag - aaral.
|
Ang isang 2010 review ng mga pag - aaral sa sakop na ito ay nakatagpo ng sistematikong ugnayan sa pagitan ng mga paraan upang tayahin ang mga kahirapan sa kapaligiran at mga resulta ng pag - aaral.
|
Natagpuan rin ng review na ito na ang 2009 meta - analyses ay labis na kumikiling sa mga negatibong pag - aaral na gummit na sariling ulat ng sukat ng kahirapan.
|
Ang MRI scan ng mga pasyenteng may depresyon ay naghayag ng ilang mga pagkakaiba sa istraktura ng utak kumpara sa mga indibidwal na walang depresyon.
|
Ang kamakailang meta - analysis ng mga pag - aaral na neuroimaging sa pangunahing depresyon ay nag - ulat na kumpara sa mga kontrol , ang mga depresadong pasyente ay may tumaas na bolyum ng lateral ventricles at glandulang adrenal at mas maliit na mga bolyum ng basal ganglia , thalamus , hippocampus , at harapang lobo ( kabilang ang orbitofrontal cortex at gyrus rectus ).
|
Ang mga hyperintensidad ay naiugnay sa mga pasyenteng may pagsisimula sa kalaunang edad at tumungo sa pagbuo ng teoriya ng depresyong baskular.
|
Maaring may kaungyan sa pagitan ng depresyon at neurohenesis sa hippocampus , na sentro ng parehong mood at memorya.
|
Ang paglaho ng mga neuron na hippocampal ay matatagpuan sa ilang mga depresadong indibidwal at umuugnay sa napinsalang memory at mood na dysthimiko.
|
Ang mga gamot ay maaaring magpataas ng mga lebel ng serotonin sa utak at pumukaw ng neurohenesis at kaya ay magdadagdag ng kabuuang masa ng hippocampus.
|
Ang pagdadagdag na ito ay maaaring makatulong sa pagpapanumbalik ng mood at memorya.
|
Ang katulad na mga ugnayanan ay napagmasdan sa pagitan ng depresyon at sa area ng anterior cingulate cortex na itinuturo sa modulasyon ng pag - aasal na emosyonal.
|
Ang isa sa mga neutrophin na responsable para sa neurohenesis ang brain - derived neurotrophic factor ( BDNF ).
|
Ang lebel ng BDNF sa plasma ng dugo ng mga depresadong pasyente ay labis na nabawasan ( higit sa tatlong beses ) kumpara sa karaniwan.
|
Ang paggamot ng antidepressant ay nagpapadagdag ng lebel ng dugo ng BDNF.
|
Bagaman ang nabawasang plasma BDNF na mga lebel ay natagpuan sa maraming mga diperensiya , may ilang ebidensiya na ang BDNF ay sangkot sa pagsasanhi ng depresyon at sa mekanismo ng aksiyon ng mga antidepresant.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.