text
stringlengths
0
7.5k
May ilang ebidensiya na ang pangunahing depresyon ay maaaring sanhi sa isang bahagi ng sobrang aktibong hypothalamic - pituitary - adrenal axis ( HPA axis ) na nagreresulta sa epektong kapareho ng tugong neuro endrokrino sa stress.
Ang mga pagsisiyasat ay naghayag ng dumagdag na mga lebel ng hormone na cortisol at lumaking glandulang pituitaryo at glandulang adrenal na nagmumungkahing ang pagkagambala ng sistemang endokrina ay maaaring gumampan ng papel sa ilang mga diperensiyang sikayatriko kabilang ang pangunahing depresyon.
Ang labis na paglalabas ng corticotropin - releasing hormone mula sa hypothalamus ay pinaniniwalaang nagpapatakbo nito at itinuturo sa mga sintomas na kognitibo at pagkasabik.
Ang hormone na estrogen ay itinuro sa mga diperensiyang depresibo sanhi ng pagdadagdag ng panganib ng mga episodyong depresibo pagkatabos ng pubertad , yugtong antenatal at nabawasang mga rate pagkatabos ng menopause.
Sa kabaligtaran , ang mga yugtong premenstrual at postpartum ng mababang mga lebel ng estrogen ay naiugnay rin sa tumaas na panganib.
Ang mabilis paghinto , pabago bago o sa mga yugto ng patuloy na mababang mga lebel ng estrogen ay naiugnay sa labis na pagpapababa ng mood.
Ang klinikal na pagpapapagaling mula sa depresyong postpartum , perimenopause , at postmenopause ay naipakitang epektibo pagkatapos na ang mga lebel ng estrogen ay naipanumbalik at napatatag.
Ang ibang mga pagsasaliksik ay sumiyasat ng mga potensiyal na papel ng mga molekula na kailangan para sa kabuuang pagggana ng selula na mga cytokine.
Ang mga sintomas ng pangunahing depresibong diperensiya ay halos katulad ng sa pag - aasal ng sakit na tugon ng katawan kapag ang sistemang immuno ay lumalaban sa impeksiyon.
Ito ay nagpapalitaw ng posibilidad na ang depresyon ay maaaring magresulta mula sa maladaptibong manipestasyon ng pag - aasal ng sakit bilang resulta ng mga abnormalidad sa umiikot na cytokine.
Ang pagkakasangkot ng pabor sa pamamagang mga cytokine sa depresyon ay malakas na iminungkahi ng isang meta - analysis ng klinikal na literatura na nagpapakitang ang mataas na konsentrasyon sa dugo ng IL - 6 at TNF - a sa mga depresadong pasyente kumpara sa mga konrol.
Ang mga abnormalidad na immunolohikal na ito ay maaaring magsanhi ng labis na produksiyon ng prostaglandin E2 at malamang na labis na ekspresyo ng COX - 2.
Ang mga abnormalidad sa kung paanong ang ensaym na indoleamine 2,3 - dioxygenase ay gumagana gayundin sa metabolismo ng tryptophan - kynurenine ay maaaring tumungo sa labis na metabolismo ng tryptophan - kynurenine at maaaring tumungo sa dumagdag na produksiyon ng neurotoxin na asidong quinolinic na nag - aambag sa pangunahing depresyon.
Ang pagpapagana ng NMDA na tumutungo sa labis na neurotransmisyong glutamerhiko ay maaari ring mag - ambag dito.
Sa pinakahuli , ang ilang ugnayan ay naiulat sa pagitan ng mga spesipikong pangilalim na uri ng depresyon at mga kondisyong klimatiko.
Kaya ang insidensiya ng depresyong sikotiko ay natagpuang tumataas kapag ang presyonng barometriko ay mababa samantalang ang insidensiya ng depresyong melankoliko ay natagpuang tumataas kapag ang temperatura at / o sikat ng araw ay mababa.
Kimi to Deatte Kara
Ang Kimi to Deatte Kara ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
Katotohanan
Ang kahulugan ng katotohanan ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan , katamaan , katunayan , katiyakan , katapatan , kataimtiman , at mabuting paniniwala.
Katumbas din ng salitang totoo ang terminong matimyas.
Call of Duty : Advanced Warfare
Ang Call of Duty : Advanced Warfare ay paparating na larong bidyong first - person shooter sa taong 2014 na ginawa ng Sledgehammer Games.
Inilabas ng Activision , ito ay ang ika - 11 pangunahing grupo ng paninda sa seryeng Call of Duty at ang unang sariling laro na binuo ng Sledgehammer Games.
Ang laro ay malalabas para sa Microsoft Windows , PlayStation 4 , at ang Xbox One sa Nobyembre 4 , 2014.
Lumang Tagalog
Ang Lumang Tagalog ay ginamit bago ang paggamit ng Filipino noong 1973.
Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon.
Bagaman ang Cebuano ay sinasalita ng 40 % sa bansa sa katimugan nito , ang Tagalog ay hinirang na pambansang wika noong 1939.
Ang Tagalog ay tinawag na Pilipino noong 1959 , ngunit ito ay itinuturing na Tagalog pa rin.
Sa mga dekada 1950 hanggang 1960 , may mga hindi matagumpay na demanda na dinala sa mga hukuman upang pigilan ang pagtuturo ng nakasalig sa Tagalog na " Pilipino ".
Gayunpaman , kahit walang suporta sa mga paaralan sa Kabisayaan , ang pang - kalyeng Tagalog ay madaling natutunan sa pamamagitan ng mga komiks , telebisyon , radyo at mga pelikula.
Bilang resulta , ang Tagalog ay kumalat kahit sa mga sentrong panlunsod na nagsasalita ng mga Cebuano kahit pa may pagtutol ang mga lokal na politiko dito.
Noong mga 1970 , 55.3 ng populasyon ay kahit papaano nakagagamit ng pang - kalyeng Tagalog.
Ito ay tinatawagding Proto - Pilipino na buhat mulasa mga Austronesian na nanirahan sa isla ng Luzon mahigit 2000 taon na ang nakalilipas , Ito miyembro nang Malayo - Polynesian.
Ito din ang ninuno nang mga dayalekto sa buong Pilipinas.
Mga Diptonggo :.
Ang sinaunang Tagalog ang anyo ng Tagalog na ginamit noong sinaunang panahon.
Kabilang dito ang makikita sa Sulat ng Platong Tanso ng Laguna.
Ito ang wika ng Ma - i , Kaharian ng Tondo at Maynilad.
Ang Lumang Tagalog ay isinusulat sa Baybayin , Isang silabaryong nangaling sa pamilya ng Brahmi.
Bukot sa baybayin , gumagamit din ito ng Kawi ( isang paraan ng pagsusulat ng mga Malay , Dahil hindi maaring isulat sa baybayn ang mga hiram na saita ( tulad ng Malay at Sanskrit ).
vowels.
b.
k.
d / r.
g.
h.
l.
m.
n.
ng.
p.
s.
t.
w.
y.
Ito ay nilikha noong mga dekada 1950 hanggang 1960 ng Surian ng Wikang Pambansa upang maging maugnayin ang mga salitang pang - agham.
Narito ang ilang mga halimbawa pati ang katumbas ng mga ito sa Ingles :.
Noong 1973 , ang Pilipino ay pinalitan ng " Filipino " upang ang pambansang wika ay kumatawan sa lahat ng mga Pilipino at hindi lamang ng mga nagsasalita ng Tagalog na walang tunog na " f ".
Ang pagpapangalang ito ay naghudyat rin ng bagong saloobin sa pagbuo ng pambansang wika.
Ito ay wala na sa kamay ng mga " purista ".
Ang mga salita at tunog mula sa ibang wika ay maaari nang gamitin kabilang ang Ingles at Kastila.
Sa mga praktikal na termino , ang Filipino ang pormal na pangalan ng Tagalog o ka - magkasingkahulugan nito.
( Salitang Malalim na Tagalog at nahaluuan ng " Ilokano , Rehiyon ng Ilocos " , at ( Kapampangan ).
( Salitang Mababaw na Tagalog ( Filipino ) , na mayroong halong Taglish ).
( Salitang mayroong ka - luma , Malalalim at Puntong Tagalog , sinamahan nang wikang " Batangenyo " , " Calambeno " at " Caviteno " ).
( Salita na mayroong Punto - ng Tagalog , mga wikang Palawenyo , Mangyan ( Mindoro ) , Marinduqueno , Romblomanin at Batangenyo " ).
( Salitang mayroong Tagalog na Nasasakupan nang Wikang Bikolano ).
Monaco
Ang Prinsipado ng Monako ( Ingles : Principality of Monaco ; Munegascu : Principatu de Munegu ; French : Principaute de Monaco ) ay pangalawa sa pinakamaliit na bansa sa buong mundo ( sunod sa Vatikan ).
Isa rin ito sa mga microstate ng Europa.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
Wikang Songlai
Ang wikang Songlai ay isnag wikang sinasalita sa Myanmar.
Chosoku Henkei Gyrozetter
Ang Chosoku Henkei Gyrozetter ( Chao Su Bian Xing ziyairozetsuta , trans.
Super High - Speed Transforming Gyrozetter ) ay isang seryeng anime at larong bidyo.
Cherry Mobile
Ang Cherry Mobile ay isang tatak ng mobile phone at iba pang eletronika na nanggaling sa Cosmic Technologies , isang kumpanya mula sa Pilipinas na tinatag ni Maynard Ngu noong 2008.
Umaangkat ang kumpanya ng mga mobile phone mula sa mga orihinal na disenyo ng mga gumagawa sa Tsina at binebenta nila ito sa ilalim ng tatak na Cherry Mobile.
Karamihan sa mga modelo ng Cherry Mobile ay mayroong Wi - Fi , mga capacitive touch screen at tumatakbo Android , Firefox OS , Windows , at Windows Phone na mga operating system.
Bubong
Ang bubong ( Ingles : roof ) ay pang - itaas na bahaging pantakip sa isang gusali o bahay.
Pagtatalik
Ang pagtatalik , pagsisiping , o pag - uulayaw , ayon sa biyolohikal na kahulugan , ay isang pamamaraan ng isang babae at ng isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng kanilang mga ari.
Sa Tanakh at sa Bibliya , ginamit ang salitang nakilala ( o sumiping ) , kung kaya 't ang proseso ng pagtatalik ay ang pagkilala ng lalaki sa kaniyang asawa , gayon din ng babae sa kaniyang esposo.
Ang pamamaraang pisikal na ito ay ang pagsiping at pagniniig ng diwa , isipan , katawan at puso na bunga ng pagmamahalan ng dalawang tao.
Ang pagkakaroon ng anak ang resulta ng prosesong ito.
Sa mabuting biro at makatang paghahambing , tinatawag din itong " luto ng Diyos ".
- sa pabiro at makatang paraan - ang pagsisiping ng mag - asawa na may pagtatalik.
Sa ibang kahulugan na bukod sa pakikipagtalik , nangangahulugan ang pagsisiping ng pagtabi , pagpiling , at pagdais , katulad ng sa pagtulog , pag - upo , o paghiga.
Bawat nilalang ay may kakayahang mag - anak at magpakarami.
Ngunit dumaraan sa pamamaraan ng pagtatalik ang mga hayop - partikular na ang mga mamalya.
Katulad ng mga mamalya , kailangan din ng dalawang taong magtalik para magkaanak.
Sa gawaing pagtatalik ng dalawang nasa hustong gulang na tao , may maliit na bilang ng natatanging pluido na may mga semilya ang nasasalin mula sa aring panlalaki hanggang sa pag - aari ng babae.
May katangian ang mga selulang punla o semilya na mabilis na makapaglakbay patungo sa bahay - bata ng babae.