text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Sa tulong ng pagsilip sa mikroskopyo , makikitang kahawig ng mga butete ang mga punla ( sperm ) na may tila - sinulid na buntot.
|
Gumaganap ang buntot na ito bilang isang propeler.
|
Kung may selulang itlog ( ovum ) na lumabas mula sa bahay - itlog ng isang babae sa kapanahunan ng pagtatalik.
|
At kung nagkataong patungo ang sa bahay bata , magtatagpo at magsasanib ang itlog ( ang proseso ng pertilisasyon ) at punla na nagiging sanhi ng simula ng pagdadalang - tao ng babae.
|
Ang nagsama at nabuong napunlaang itlog ( fertilized egg ) ang siyang pinakasimula ng pintig ng buhay sa loob ng katawan ng babae , na sa lumaon ay magiging ganap na sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang magiging ina.
|
Dahil rito , isang responsibilidad at pribilehiyo ang kakayahang magtalik ng dalawang taong nagmamahalan at nagkaisang dibdib sa sakramento ng matrimonyo.
|
Ang pagtatalik ng mag - asawa ang simula ng pagkakaroon ng mag - anak na kasapi ng isang lipunan.
|
Mahalaga ang pagpaplano ng pamilya.
|
Kadalasang nagdudulot na suliranin ang paggiging magkasintahan ng dalawang nagbibinatang lalaki at babae , sapagkat may kalakasan ang tawag ng damdaming magtalik , na hindi pinaplano , sa mga kabataan.
|
Isang dahilan ang pagiging mausyoso at mausisa ng mga kabataan sa tawag ng damdaming ito , bagaman mayroon din silang pangamba at takot kaugnay nito : kabilang ang pagpapaganda ng batang babae upang makahanap siya ng nararapat na asawang lalaki sa hinaharap na panahon ; samantalang umaasa naman ang batang lalaki na maging malakas siya at mapatunay ang kaniyang pagiging lalaki o pagkalalaki upang masiyahan at mapakibagayan ng mabuti ang kaniyang magiging asawang babae.
|
Isa sa mga nagiging katanungan ng mga kabataan , lalaki man o babae , hinggil sa panahon ng kanilang pagbibinata at pagdadalaga ang : " Normal ba ang nararadaman kong ito ? " ; " Maganda ba ang itsura ko ? " , " Maging kaakit - akit kaya ako sa kaniya ? " o kaya " E , paano kung gusto niyang makipagtalik ? ".
|
Sa paglaon at sa kabila ng kanilang mga pangamba , kapag sumapit na ang mga binatilyo 't dalagitang ito sa hustong edad , at dumaan na sila panahong natugon na nila ang kanilang mga personal na katanungan hinggil sa paksa ng pagtatalik at ibang mga kaugnay na paksa , nagiging mas responsable sila at nagtatalaga ng mga pamantayan at ng mga pangmatagalang layunin.
|
Iibigin nilang iwanan ang mga panandalian at madaling - makamit na mga kasiyahang pangkatawan sapagkat iniisip nilang mayroong pang ibang mas mahahalagang bagay kaysa rito.
|
Sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa kanilang sarili at mga positibong hangarin at pangangailangan , mas nakapagbibigay rin sila ng angkop na halaga sa ibang mga tao.
|
Mas nauunawaan na nila ang pangangailangan ng pagpili ng tama at nararapat na mga desisyon sa buhay , sa halip na magpadala na lamang sa mga silakbo ng damdamin , upang hindi nila masaktan ang sarili ang ibang tao.
|
Sa pagkakaedad o pagtanda din ng mga kabataan , mas naiisip din nila ang mga maaaring maging panganib , suliranin , at kabutihan ng mga gawi sa pakikipagtalik at ibang mga pag - uugali at gawi.
|
Naiisip nila ang mga maging dulot ng kanilang mga gawain.
|
Isa sa mga mahalagang magagawa ng kabataan ang kung paano maisasali sa kanilang buhay at pagkakaroon ng kasintahan , sa nararapat na kaparaanan , ang seksuwalidad.
|
Isang aklat sa Tanakh at sa Bibliya ang Aklat ng Awit ng mga Awit na tumatalakay sa pag - ibig , at matinding dagsa ng damdamin ngunit may malambing na pakikipagtalik.
|
Natatangi ang paksang nasa kabuoan ng aklat : na kamanghamangha ang magmahal.
|
Ipinagdiriwang dito ang kasiyahang nakakamit mula sa pagmamahalan at pakikipagtalik.
|
Nasa mga pahina ng libro ang pananaw ng isang romantikong damdaming may dalang batubalaning kaugnay ng pagkabighaning seksuwal , at pagkakaroon ng katuwaan dito , at pagkakatupad ng damdaming ito.
|
Isang huwaran ang aklat ng Awit ng mga Awit kung ano ang totoong ibig sabihin ng kasal ayon sa pananaw ng mga Kristiyano.
|
Ayon sa Katekismo ng Simbahang Katoliko ( Catechism of the Catholic Church ) , ang seksuwalidad ay isang mapagkukunan o pinagmumulan ng kasiyahan at kaligayahan.
|
Nilarawan pa sa aklat na ito na inilunsad ng Manlilikha ang gawain ng pagtatalik na para sa tungkulin ng pagpaparami o pag - aanak upang makaranas ang mag - asawa ng kaluguran at katuwaan sa katawan at sa espiritu.
|
Ipinaliwanag pa rin ng aklat na ito na walang masama sa paghahanap ng kasiyahan at kaligayahang ito sapagkat tinatanggap lamang ng lalaki at babae ang kung ano ang itinakda at inilaan ng Diyos para sa kanila , subalit kailangan lamang na panatilihin ng lalaki at babae ang kanilang mga sarili sa loob ng mga hangganan ng makatuwirang katimpian.
|
Bilang karagdagan , nilarawan pa rin ng Katekismong ito ang pagtatalik bilang matalik , banal , dalisay , marangal , at dakilang pagdadaop o pagsasanib.
|
Ayon sa aklat , ang tunay na makataong pagganap o pagsasagawa ng pagtatalik ay nagtataglay at lumilinang ng pagbibigay ng sarili na nagpapayaman sa katuwaan at pagpapasalamat o utang ng loob ng mag - asawa.
|
Kaugnay ng mga naunang paglalarawan , sinasabi pa rin ng Katekismo na nakakaapekto ang seksuwalidad sa lahat ng mga aspeto o tabas ng pagkatao ng tao na nasa loob ng pagkakaisa ng katawan at ng kaluluwa.
|
Nakatuon ang seksuwalidad sa pagkaantig ng damdamin , sa kakayahang magmahal at magkaroon ng anak ng tao , at sa kakayahang makabuo ng matibay na ugnayang may pakikilahok at pakikiisa sa ibang tao.
|
Mga aklat :.
|
Tikbalang
|
Ang tikbalang o tigbalang ( binabaybay ding tigbalan o tikbalan ) ay isang nilalang na may mala - kabayong hitsura.
|
Kabilang ito sa mga nilalang ng mitolohiya at kuwentong - bayan ng Pilipinas.
|
Mayroon itong katawan ng isang tao subalit may mga paa ng isang kabayo.
|
Batay sa paniniwala , nakasasanhi ang tikbalang ng pagkaligaw ng landas ng mga tao , partikular na habang nasa kagubatan at mga bundok.
|
Tumutukoy ang salitang tikbalangin sa pangkukulam sa tao sa pamamagitan ng pagsasaanyo ng isang nilalang upang maligaw ito ng daan.
|
Bagaman tinatawag o maituturing na isa itong uri ng sentauro , naiiba ito sa tunay na sentauro.
|
Wikang Bima
|
San Pedro
|
Si San Pedro o Simon Pedro ( Ebreo : SHm`vn ptrvs , Shim ' on Petros ) ang isa sa mga orihinal na labindalawang alagad o apostol ni Hesus.
|
Itinuturing din siya sa Katolisismo bilang unang Papa.
|
Isa siyang mangingisda na pinangalanang Pedro - Na ang Kahulugan ay maliit na bato - Sa kaniya binanggit ng Panginoong Jesus ang ganitong wika Katotohanang Sinasabi Ko sa iyo na " Ikaw ay Pedro , at sa ibabaw ng Batong ito itatayo ko ang aking Iglesia " Tinutukoy ng Panginoong Jesus ang Kanyang Sarili bilang Batong Panulok ang matibay na Pundasyon ( Mat 16 : 18 ) Nakikilala rin siya bilang Simon lamang o kaya Kefas , Cefas o Cephas , na nangangahulugang maliit na " bato " sa wikang Arameo , at katumbas ng Griyegong Petros at ng Lating Petrus.
|
Si San Pedro ang nagsisilbing unang pinuno ng Iglesyang itinayo ng Panginoong Jesukristo.
|
Kasama ni San Pablo , isa si San Pedro sa mga patron ng Roma.
|
Batay sa salaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya , dating ipinagkaila ni San Pedro na nakikilala niya si Hesus , subalit napasa kay Pedro ang Diyos.
|
Sinulat ni Pedro ang dalawa sa mga aklat na napabilang sa Bagong Tipan ng Bibliya : ang Unang Sulat ni Pedro at Ikalawang Sulat ni Pedro.
|
Sa Sulat sa mga Galata ng Bagong Tipan ng Bibliya , dinalaw ni San Pablo si San Pedro upang magbigay - galang kay Pedrong itinuturing na Puno ng Iglesya.
|
Kay San Pedro Ipinagkatiwala ng Panginoon ang Kanyang mga Kawan na sa Lumaon sa Kanyang Pangangaral noong Panahon ng Pentekostes ay nakahikayat siya ng Tatlong libong kaluluwa sa Kanya binanggit ni Jesus ang ganito Ipinagkakatiwala Ko sa iyo ang mga susi ng langit.
|
Ang primasiya ni Pedro ang doktrinang pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko Romano na si Pedro ang pinaka - prominenteng apostol ni Hesus na prinsipe ng mga apostol at pinaboran ni Hesus.
|
Dahil dito , ikinatwiran ng Romano Katoliko na si Pedro ay humawak ng isang unang lugar ng karangalan at autoridad.
|
Ikinakatwiran rin ng Simbahang Katoliko Romano na ang primasiya ni Pedro ay dapat lumawig sa Obispo ng Roma o Papa ng Romano Katoliko sa ibabaw ng ibang mga obispo ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng doktrinang katoliko na paghaliling apostoliko.
|
Gayunpaman , ang mga karamihan ng mga skolar ngayon ay naniniwalang ang mga papel ng mga Obispo sa mga simbahan ay nag - ebolb lamang sa mga kalaunang siglo ng Kristiyanismo.
|
Ayon sa mga skolar , walang nagkakaisang pamayanang Kristiyano sa ilalim ng isang pinuno sa mga simbahang Kristiyano noong unang siglo.
|
Ito ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE.
|
Ang isang pangunahing debate sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante sa primasiya ni Pedro at ng papang Romano ay nakasentro sa Mateo 16 : 18 kung saan sinabi ni Hesus kay Pedro na : " At sinasabi ko rin sa iyo : Ikaw ay Pedro.
|
Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya.
|
Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades.
|
" Ang talatang ito ay pinapakahulugan ng mga Romano Katoliko na sinasabi ni Hesus na itatag ang kanyang iglesia kay Pedro.
|
Kanila ring inangkin na si Pedro ang ginawang pastol ng apostolikong kawan sa Juan 21 : 15 - 19.
|
Sa Griyego ng Mateo 16 : 18 na pinaniniwalaang orihinal na wika ng Bagong Tipan , ang pangalang ibinigay ni Hesus kay Simon ay petros ngunit kanyang tinukoy ang " bato ( rock ) " bilang petra.
|
Ayon sa ilang skolar , may pagtatangi sa pagitan ng dalawang mga salitang petra at petros na ang petra ay " bato ( rock ) " samantalang ang petros ay maliit na bato ( pebble ).
|
Pinapakahulugan ng mga Protestante na ang " batong ito " ay hindi si Pedro kundi sa konpesyon ng pananampalataya ni Pedro sa mga nakaraang talata at kaya ay hindi naghahayag ng primasiya ni Pedro kundi ay naghahayag na itatayo ni Hesus ang kanyang simbahan sa pundasyon ng pahayag at konpesyon ng pananamapalataya ni Pedro na si Hesus ang Kristo.
|
Gayunpaman , ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng ilang mga skolar na Protestante gaya nina Blomberg at Carson.
|
Ang ilang mga Protestante ay naniniwalang ang " batong ito " ay tumutukoy kay Hesus bilang reperensiya sa Deuteronomio 32 : 3 - 4 , " Ang diyos ... ang bato ( rock ) , ang kanyang gawa ay sakdal " na kanila ring sinusuportahan ng mga talatang 1 Corinto 10 : 4 at Efeso 2 : 20.
|
Ang Efeso 2 : 20 ay nagsasaad na ang mga apostol ang saligan at hindi lamang ang isang apostol.
|
Ang ilan ay nag - aangkin na ang mga susi sa Mateo 16 : 18 ay hindi lamang ibinigay kay Pedro kundi sa lahat ng mga apostol ng magkakatumbas.
|
Ang interpretasyong ay kanilang inangking tinanggap ng maraming mga ama ng simbahan gaya ninaTertullian , Hilary of Poitiers , John Chrysostom , Augustine.
|
Tungkol sa interpretasyon ng Mateo 16 : 18 - 19 , isinulat ni Jaroslav Pelikan na " Gaya ng pag - amin ngayon ng mga skolar na Romano Katoliko , ginamit ito ng sinaunang amang Kristiyano na si Cipriano upang patunayan ang autoridad ng obispo hindi lamang ng obispo ng Roma ngunit ng bawat obispo " na tumutukoy sa gawa ni Maurice Bevenot tungkol kay Cipriano.
|
Bagaman sa 12 alagad , si Pedro ang nananaig sa mga unang kabanata ng Mga Gawa ng mga Apostol , si Santiago na kapatid ng Panginoon ay ipinakitang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa mga kalaunang kabanata ng Mga Gawa.
|
Ang ilan ay nag - aangkin na mas nanaig sa ranggo si Santiago kesa kay Pedro dahil si Santiago ang huling nagsalita sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15 : 13 - 21 na nagmumungkahing ito ang huling pagpapasya na pinagkasunduan ng lahat.
|
Ang katusuan rin ni Santiago ay sinunod sa lahat ng mga Kristiyano sa Antioch na nagpapahiwatig na ang autoridad ni Santiago ay lagpas sa Herusalem.
|
Gayundin , binanggit ni Apostol Pablo si Santiago bago kay Pedro at Juan nang tawagin ni Pablo ang mga ito na " mga haligi ng simbahan " sa Galacia 2 : 9.
|
Ayon sa Galacia 2 : 11 - 13 , sinunod ni Pedro ang kautusan ni Santiago na lumayo sa mga hentil at hindi lamang si Pedro kundi pati ang kasamang misyonaryo ni Pablong si Barnabas gayundin ang lahat ng mga Hudyo.
|
Gayunpaman , ayon sa mga teologong Romano Katoliko , ang mga talatang Mga Gawa 12 : 12 - 17 at Galacia 1 : 18 - 19 ay nagpapahiwatig na si Pedro ang pinuno ng simbahang Kristiyano at si Pedro ang humirang kay Santiago na pinuno nang siya ay lumisan sa Herusalem.
|
Gayunpaman , ayon sa mga hindi naniniwala sa interpretasyong ito ng Romano Katoliko , kung ang pagkakahirang kay Santiago ay kinailangan sa paglisan ni Pedro sa Herusalem , bakit hindi kinilala si Pedro na pinuno sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15.
|
Si Santiago ay nanatiling nasa papel ng pinuno kahit sa presensiya ni Pedro sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15.
|
Ayon sa propesor na si John Painter , mas malamang na ang talata ay nagsasaad na si Pedro ay nag - uulat lamang ng kanyang mga gawain sa kanyang pinunong si Santiago.
|
Ang Galacia 1 : 18 - 19 ay hindi malinaw at maaaring pakahulugan upang suportahan ang parehong pananaw na si Santiago o Pedro ang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.
|
Gayunpaman , ang katotohanang si Santiago ay binanggit maliban sa iba pang mga apostol ay nagpapakitang si Santiago ay napakahalaga para kay Pablo.
|
Ayon kay Eusebio ng Caesarea , si Santiago ang unang obispo o patriarka ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.
|
Debate with Mare at Pare
|
Ang Debate with Mare at Pare ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.
|
Lungsod ng Kagoshima
|
Ang Lungsod ng Kagoshima ay isang lungsod sa Prepektura ng Kagoshima , bansang Hapon.
|
Shine Kuk
|
Si Shine Kuk ay isang artista mula sa Timog Korea na nanalo sa segment na " You 're My Foreignoy " sa Eat Bulaga ! noong 2014.
|
Kabute
|
Ang kabute o kabuti ( Ingles : mushroom ) ay isang bahagi ng halamang singaw na kahugis ng nakabukas at nakatayong payong.
|
Ito ay ang nagdadala spore o sporocarp - mga butong - binhi - ng halamang singaw.
|
Tumutubo ito sa itaas ng lupa o kaya sa pinanggagalingan ng pagkain ng halamang singaw.
|
Karaniwang nakakain ang mga ito subalit mayroon ding nakalalason.
|
Talaan ng mga unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas
|
Sumusunod ang isang talaan ng mga unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas.
|
Pagbomba sa Lungsod ng Dabaw ng 2003
|
Pagbomba sa Lungsod ng Dabaw ng 2003 o 2003 Davao International Airport bombing ay naganap noong ika Marso 4 , 2003 ( oras : 5 : 25 ) ay isang homemade na bomba ay sumabog sa paghihintay sa harap ng Davao International Airpor nagatala ito patay ng hindi bababa sa 21 at nasugatan nang 146.
|
Sinabi nang mga tauhan nang paliparan na ang bomba ay sumabog malapit sa waiting area nang pasahero sa sinasakyang Cebu Pacific galing mula sa Maynila , isang Amerikanong misyonero ang namatay habang dalawang iba pang mga US citizen ang nagtamo ng pinsala.
|
Ang mga sugatang Amerikano ay nakilala bilang mga miyembro nang isang pamilya na misyonerong Southern Baptist : Barbara Stevens , 33 , ang kanyang siyam na buwan na anak na lalaki , na si Nathan , at si William Hyde , ay nagsabi na maraming mga pinsala , Ang isang batang lalaki , isang babae , pitong babae at 10 lalaki ay kabilang sa iba pang mga namatay.
|
Nag likha ito nang malakas na pagsabog at natanggal ang bahagi nang bubong at na basag ang mga bintana nang salamin sa una at ikalawang palapag sa nasabing lugar sa kabilang kalye.
|
Kabilang sa mga biktima ang mga drayber nang taxi , mga porter nang paliparan , mga nagtitnda at mga protektado mula sa tropikal na ulan habang naghihintay na dumating ang mga ka - nak at mga kaibigan.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.